Director Dominic Zapata compliments Dennis Trillo’s acting chops: “I just give him the scene and he will give a good performance.”

Director Dominic Zapata on Dennis Trillo’s acting style: “He’s like a sponge na naa-absorb yung mga nasasabi namin sa kanya. He makes these little movements with his face and body na nagiging part ng character niya.”


Lalong bumilib ang resident director ng GMA-7 na si Dominic Zapata sa Philippine Army na siyang kinunan niya ng inspirasyon para sa panibagong teleserye ng Kapuso network na Hiram na Alaala.

Bilib daw si Direk Dom sa mga sundalo dahil sa disiplina at pagiging alisto ng mga ito, at dahil na rin sa kahandaan nilang ibuwis ang kanilang buhay para sa ating bansa.

Pakiramdam nga ni Direk Dom ay napakaliit ng kanyang ginagawa kumpara sa mga sundalong ito na 24/7 ang pagbabantay sa sekuridad ng Pilipinas.

“Walang-wala itong ginagawa ko kumpara sa mga ginagawa nila.

“Kaya sobra ang saludo ko sa kanila. Kahit na meron silang gagawin na commitment, basta naka-red alert ay susugod agad sila sa kanilang kampo.

“Kaya we should all thank them for keeping our country safe at all times,” papuri pa ni Direk Dom sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Hiram na Alaala sa GMA Annex Studio kamakailan.

Sa naturang press launch, kuwento ni Direk Dom na may participation sana ang Philippine Army sa serye.

DEDICATION. Nag-ensayo na nga raw sila para sa kanilang pagsampa sa entablado. Pero bigla raw pinatawag sila sa Camp Aguinaldo dahil may red alert situation kaya kinailangan daw nilang umalis kaagad.

“Yun ang sinasabi kong nakakabilib sa kanila.

“Nag-commit na sila sa press launch ng teleserye natin, pero dahil red alert, they have to do their job.

“Nasaksihan nga namin during the taping ang mga usual na routine nila. These soldiers, they don’t sleep, they don’t eat and they seldom see their families. Pero wala kang maririnig na reklamo sa kanila.

“All of that dahil gusto nilang maging safe ang maraming kababayan natin. And with that, they deserve more than just applause.

“They deserve more kaya itong ginagawa naming teleserye ay dedicated sa kanilang kabayanihan,” emosyonal na pahayag pa ni Direk Dom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STICKLER FOR DETAILS. Sa isang taping nga raw nila, may nakabantay na high-ranking official para makita kung tama ba ang ginagawa nilang paglahad ng mga nangyayari sa loob ng barracks ng mga sundalo.

“We were shooting inside the barracks and then yung officer na kasama namin, napansin niya na may isang bunk bed na hindi properly fixed.

“Sabi ko naman, hindi naman siya makikita sa shot. But the officer insisted na kailangan maayos siya. So he went over to the bunk bed and fixed it himself.

“Dun na lang, makikita mo kung gaano sila ka-organized and they follow rules.

“Ako pa ang nahiya dahil binale-wala ko iyon dahil hindi nga siya makikita sa kamera. Pero para sa kanila, every little thing counts.

“Kaya every time na may taping kami, we really consult kung tama ba ang lahat ng nakikita nila set. We want it to be as authentic as possible for the televiewers.

“At siyempre, may approval ang lahat ng scenes namin with the Philippine Army, lalo na yung ginagamit nilang mga lengguwahe, mga signals nila.

“It’s all being consulted properly and we thank them for giving us the time.”

PSYCHIATRIC DISORDER. Pati nga ang naging mental and psychiatric disorder ng character ni Dennis Trillo sa teleserye na tinatawag na Dissociative Fugue ay ni-research nang mabuti ng team ni Direk Dom.

Ayon sa website ng Cleveland Clinic, ang Dissociative Fugue ay “formerly called psychogenic fugue, [it] is one of a group of conditions called dissociative disorders.

“The word fugue comes from the Latin word for ’flight.’ People with dissociative fugue temporarily lose their sense of personal identity and impulsively wander or travel away from their homes or places of work.

“People with dissociative fugue often become confused about who they are and might even create new identities.

“Outwardly, people with this disorder show no signs of illness, such as a strange appearance or odd behavior.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dissociative disorders are mental illnesses that involve disruptions or breakdowns of memory, conscious awareness, identity and/or perception. When one or more of these functions is disrupted, symptoms can result.

“These symptoms can interfere with a person’s general functioning, including social and work activities, and relationships.”

Naintriga nga raw si Direk Dom sa mental disorder na ito at sinikap nga raw niyang maihatid ito sa kuwento ng Hiram na Alaala.

Sabi niya, “The said disorder is more than amnesia. The person with this kind of disorder creates his own character. And nakukuha niya iyon mula sa memory ng huling taong nakausap niya.

“Nag-research kami about this and it really happens sa maraming mga sundalo, lalo na yung mga naka-experience ng matinding physical trauma.

“Nakakalimutan na nila ang tunay nilang pagkatao at ibang pagkatao na ang ginagamit nila.

“We thought na hindi namin ito mapu-pull off but we did.

“Kudos to our lead star na si Dennis Trillo dahil sa pagganap niya rito. I’ve worked with Dennis for so many times at alam ko na siya lang ang makaka-portray sa role ni Ivan dito.”

IN PRAISE OF DENNIS. Parang naging signature actor na nga niya si Dennis dahil malaki ang paniniwala niya rito bilang aktor noong una niya itong makatrabaho sa drama series na Twin Hearts.

Nasundan ito ng Mulawin, Darna, Super Twins, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Temptation of Wife at My Husband’s Lover. Nadirek din niya si Dennis sa mga pelikulang Mulawin: The Movie at Boy Pick-Up The Movie.

“The first time na makatrabaho si Dennis, nakita ko na he has his own style of creating his own character. He’s like a sponge na naa-absorb yung mga nasasabi namin sa kanya.

“He makes these little movements with his face and body na nagiging part ng character niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya wala akong problema with him kapag siya ang dinidirek ko. I just give him the scene and he will give a good performance.

“Kaya tamang-tama lang si Dennis para sa teleserye na ito kasi kayang-kaya niyang mabigyan ng buhay ito,” pagpuri ni Direk Dom.

ON ROCCO. First time naman daw niyang makatrabaho si Rocco Nacino at marami na siyang naririnig na maganda tungkol sa acting nito. Napatunayan nga ito ni Direk Dom noong magkatrabaho na sila sa set ng Hiram na Alaala.

“Rocco has lots of character. Hindi ko ni-review ang mga nagawa na niyang mga teleserye para fresh ang approach niya sa akin.

“I am surprised how he handled his role as Joseph in the teleserye. May intensity kaagad. Kaya sabi ko, wala akong magiging problema sa mga artista ko kasi mahuhusay sila.

“And Dennis and Rocco, they complement one another. Balanse sila at walang sapawan.

“Pareho silang passionate sa roles nila and that is what I want from my actors.

“Pero nakikita mong nagbibigayan sila. Walang gustong mas mataas sa isa. And that shows a good attitude towards your co-actor,” pagmamalaki pa ni Direk Dom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN