Onemig Bondoc admits drug problem in 2006; confirms separation from wife Valerie Bariou

(From left) Onemig Bondoc, with daughter Armelle and wife Valerie Bariou, relates how his personal turmoil in 2006 led to drugs: “Noong mga time na iyon kasi, dumating ang loneliness. I didn’t know what really made me happy. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko talaga. Wala naman akong masasabing problema. May trabaho ako. I had money. Pero I felt so empty.”


Inamin ng ‘90s matinee idol na si Onemig Bondoc sa kanyang interview sa programang Powerhouse ng GMA News TV last August 27 na nalulong siya sa bawal na droga.

Nangyari raw ito bago siya nagretiro sa showbiz noong 2006.

Nakilala si Onemig noong 1995 bilang si JM sa hit teen-oriented series ng GMA Network na TGIS (Thank God It’s Sabado), kunsaan kasabay niyang sumikat sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Raven Villanueva, Michael Flores, at Red Sternberg.

I FELT SO EMPTY.” Inamin ng 37-year-old former matinee idol na kahit alam niyang mali ay ginawa pa rin niyang gumamit ng ipinagbabawal na droga.

“Noong mga time na iyon kasi, dumating ang loneliness. I didn’t know what really made me happy.

“Hindi ko na kasi kilala ang sarili ko.

“Kailangan paglabas mo, lagi kang naka-smile. I had to act na lagi akong wholesome.

“Parang hindi ko na kilala ang sarili ko talaga.

“Wala naman akong masasabing problema. May trabaho ako. I had money. Pero I felt so empty,” diin pa ni Onemig.

Tatlong buwan daw nalulong si Onemig sa masamang bisyo, na nagawa niyang maitago sa mga taong malapit sa kanya at sa mga katrabaho niya.

Pero dumating daw sa puntong apektado na ang kanyang mga trabaho dahil sa araw-araw niyang paggamit ng droga.

“Hindi lang nila nahahalata sa akin noon. Kasi doon na ako naging masaya.

“Nagkaroon ako ng sariling mundo na hindi alam ng maraming taong nasa paligid ko,” sabi niya.

TURNING POINT. Itinigil ni Onemig ang kanyang bisyo noong maisip niya ang mga magagandang nagawa sa kanya ng kanyang mga magulang at naisip din niya ang kanyang magiging kinabukasan.

“Tinapos ko na siya kaagad.

“One day, pagkagising ko, I decided to stop it na.

“Kasi naisip ko na masisira lang ang buhay ko.

“Gusto kong magkaroon ng pamilya. I want to have kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nahiya ako sa parents ko kasi hindi naman nila ako pinalaki nang ganun.

“Naisip ko nga na my parents gave me everything—lahat ng kailangan ko, kahit na hindi ko hilingin, ibinibigay nila. ’Tapos ganun pa ang gagawin ko?

“So, I had to fix my life. Ayoko ng ganung klaseng buhay.

“Bakit ako nagse-self destruct? I had so many blessings.

"Hindi tama ’yon. Hindi ito si Onemig na gusto kong maging."

LEAVING SHOWBIZ. Noong naging maayos na ang lahat para kay Onemig, nagdesisyon siyang iwan ang showbiz at bumalik sa pag-aaral.

Tumulong din siya sa kanilang family business na isang real estate company.

“Mas marami akong natutunan after nun. Nag-mature ako.

“Kung ano ang natutunan ko noon sa showbiz—yung pakikisama, PR, nadala ko ‘yon sa business world,” pagmamalaki niya.

Pagakatapos ng 11 years sa showbiz, nagdesisyon si Onemig na magretiro sa mundo kunsaan siya nakilala bilang isang sikat na artista.

“Nawala na kasi yung fire.

“Noong magsimula naman ako, I was just 17 years old.

"Hindi ko naman kasi in-expect noon na sisikat yung grupo namin.

“Yung downside nga lang nun ay nagkaroon na kami ng competition. Hindi na naging masaya sa set noon.

“Nagkaroon na kami ng kanya-kanyang problema.

“’Tsaka hindi na nga rin ako naging happy. Kaya mabuti na rin ang naging desisyon ko because it did me good.

"I had a family. I had kids. Doon ako naging masaya talaga," pahayag pa niya.

SEPARATED. Ikinasal si Onemig sa kanyang naging girlfriend na si Valerie Bariou, isang French-Filipina commercial model at part-time actress.

Lumabas si Valerie sa pelikulang Emir ni Chito Roño at naging body double ng Oscar-winning Hollywood actress na si Rachel Weisz noong i-shoot ang pelikulang Bourne Legacy sa Pilipinas.

Dalawa ang naging anak nina Onemig at Valerie Ang panganay na babaeng si Armelle (seven years old) at ang bunsong si Antoine (one year old).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero single parent na ngayon si Onemig sa kanyang dalawang anak dahil naghiwalay na sila ni Valerie may ilang buwan na ang nakararaan.

Noong buwan ng Mayo nabalitang nagkakalabuan sila ng kanyang misis.

Nagpa-interview pa nga si Valerie na inaayos daw nila ni Onemig ang kanilang pagsasama. Pero nauwi rin pala ito sa hiwalayan.

Hindi naman idinetalye ni Onemig sa kanyang panayam kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang misis.

SINGLE DAD. Ngayon ay kasama ni Onemig ang kanyang dalawang anak sa bahay ng kanyang mga magulang sa Ayala Heights.

Ayon kay Onemig, “It’s hard being a single dad.

“Pero ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak ay walang hangganan. Kaya yung paghihirap, balewala iyon.

“Kahit pagod ka sa trabaho, you still need to spend lots of quality time with your kids.

“Pinakamahirap na part of being a single parent is dividing your time between work and the kids.

“But I am handling it very well, kasi sobrang mahal ko ang mga anak ko.”

REAL ESTATE BUSINESS. Kaya nga subsob sa trabaho ngayon si Onemig sa real estate business ng kanyang pamilya.

Detalye niya, “We’re setting up our new real estate development company called La Cumbre Land.

“We’re setting up projects in Dasmariñas, Cavite.

"We’re also developing projects in Puerto Princesa and we’re also diversifying in energy.

“Mas fulfilled ako ngayon kasi nakikita ko na mas nakakatulong na ako sa family ko. Mas nakaka-provide na rin ako para sa mga anak ko.

“Naging negosyante ako because I want to give the best for my kids.

“I want them to live a good life. Yung mailagay ko sila sa magandang school and to give them a comfortable life.”

Kaya mukhang malayo ngang balikan ni Onemig ang showbiz dahil mas nakatuon ito sa pagiging isang businessman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to be a successful businessman someday and hopefully have my own company.

“Kahit papaano, gusto kong pamanahan ang mga anak ko na nanggaling sa akin at hindi galing lahat sa lolo at lola nila.

“I feel na nandito na ang break ko para makapagsarili na ako.”



CLEAN LIVING. Dahil clean living na nga si Onemig, naging passion na niya, bukod sa pagiging workaholic, ang kanyang sport.

Pursigido ang training ni Onemig para sa duathlon at triathlon events na sinasalihan niya at ng kanyang team.

Pagmamalaki niya, “Mas happy ako ngayon because of my involvement in sports.

“Before, I was 175 lbs. Now, 145 lbs. na lang ako.

"Tumaba talaga ako noon dahil medyo nagpabaya tayo, napasarap ang pagkain natin.

“Ngayon, training lang ako kapag walang pasok sa office.

“May sarili naman kaming gym sa bahay kaya nandoon lahat ng mga bikes na ginagamit ko for my training.

“Hindi biro ang triathlon kasi kailangan sobrang prepared ka at nasa kundisyon ang katawan mo.

“Dahil naging passion ko nga ito and hindi naman ako pumapalya sa training, I feel na I’m good at it.”

KIDS JOINING SHOWBIZ? Dahil naging bahagi si Onemig ng showbiz, papayagan ba niya ang kanyang mga anak kung sakaling magkaroon ng hilig ang mga ito sa mundo na dating kinabilangan niya?

Sagot niya, “Hindi ko pa alam, e.

"Masyado pang maaga para alamin ko kung may hilig na ba sila o wala.

“Depende rin siguro. Kailangan maging handa sila kung gusto nilang mag-showbiz.

“Ako kasi, noong pinasok ko ang showbiz, marami akong hindi alam. Na-shock ako.

“Masyado akong pampered ng parents ko noon. Kaya noong mag-artista ako, malaking shock sa akin yung mga nangyari.

“Akala ko noon ang mundo ay napaka-perfect.

"Noong mag-artista ako, doon ko nalaman na hindi pala perfect ang mundo—medyo dangerous pala siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong una, ayaw talaga ng parents ko na mag-artista ako. They wanted me to stay in Canada.

"My dad, bina-bribe pa ako ng sports car para lang mag-stay ako doon.

“Sabi ko, ’Dad, sa ‘yo na lang ang sports car. Gusto ko lang umuwi ng Pilipinas!’

"Nag-enjoy na rin kasi ako kahit papaano sa showbiz.

“I was just 17 years old. ’Tapos ang dami pang magaganda. Nagkaroon ako ng playboy image.

"Kaya nga never akong natsismis na bakla ako kasi maraming na-link sa akin!" tawa pa niya.

Kabilang sa mga na-link kay Onemig noon ay sina Angelu de Leon, Ciara Sotto, Kristine Hermosa, Judy Ann Santos, at Bianca Lapus.

Nabalita ring naka-fling ni Onemig sina Rosanna Roces at Wilma Doesnt.



COOL DAD. Inamin ni Onemig na strict dad din siya pero hindi raw kasing-strict ng parents niya noon.

Pagbabalik-tanaw niya, “Very strict sina Mommy at Daddy noon sa akin. Pero they adjusted noong nag-showbiz ako.

“Dati, may Cinderella time ako... 12 midnight, kailangan nasa bahay ka ako.

“As a father, strict din ako. But I call myself a cool dad.

“Madalas kaming mamasyal sa mall ng mga bata, sabay kaming kumain, manood ng TV.

“Si Armelle nga, kahit seven years old na siya, sa tabi ko pa rin natutulog kahit na may sarili na siyang kuwarto.

“Yung kuwarto niya, parang storage room na lang ng mga laruan niya.

“Well, gusto ko rin naman na katabi siya. Malambing kasi ang mga anak ko.

“Pero hindi ko sila ini-spoil. Hindi naman lahat ng gusto nila ay binibigay ko.

“I want them to learn na they can’t have everything sa isang hiling nila.

“Lagi kong sinasabi sa mga anak ko na lahat ay ginagawa ko for their future.

"Kung may hindi ako mabigay, it means na may iba kaming pinaglalaanan nun.

“My daughter and my son are everything to me. Mahal na mahal ko sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everything na ginagawa ko ay para sa future nila."

ADVICE TO YOUNG STARS. Kung ang ibang ka-batch ni Onemig ay aktibo pa rin sa showbiz at nakakatrabaho ang mga bagong artista ngayon, ang magagawa na lang daw niya, since wala sa plano niya ang magbalik-showbiz, ay ang magbigay ng payo sa mga baguhan.

Pahayag niya, “Just stay humble.

“Kilalanin niyo muna ang sarili niyo. Lagi nilang alamin kung sino sila.

"Always remember na trabaho lang lahat ang ginagawa ninyo.

“Mahirap kasi yung artista ka na nga, pagkatapos ng shooting, umaarte ka pa ring artista.

“Dapat may pagkakaiba sa trabaho at sa personal ninyong buhay.”

Ang dating “endless search” ni Onemig sa kanyang sarili noon ay nahanap na niya at mas masaya siya sa napili niyang buhay ngayon.

“Mas kilala ko na ang sarili ko ngayon. I just want a simple life.

“I also discovered that I’m a loving father.

“I will do anything for my son and daughter.

“Handa kong isakripisyo ang happiness ko para lang maibigay ko sa kanila ang magandang buhay,” saad niya.

COLORFUL SHOWBIZ CAREER. Kung tutuusin ay naging makulay ang naging career ni Onemig Bondoc sa showbiz noong aktibo siya mula 1995 hanggang 2005.

Nagsimula siya bilang commercial model hanggang sa maging teen star sa TGIS.

Ang Viva Films ang nag-build up kay Onemig para maging isang matinee idol.

Ginawa nga ni Onemig ang mga pelikulang Takot Ka Ba Sa Dilim?, Where D’ Girls Are, TGIS: The Movie, Silaw, Dahil Ba Sa Kanya?, I’m Sorry My Love, My Pledge of Love, Sumigaw Ka Hanggang Gusto Mo, Tabi-Tabi Po, Trip, Jologs, Message Sent, Ngayon Nandito Ka, Pinay Pie, at Volta.

Sa TV ay nagsimula sa GMA si Onemig hanggang sa lumipat siya sa ABS-CBN.

Ang mga nagawa niya sa bakuran ng GMA ay TGIS, Villa Quintana, Ober Da Bakod, Growing Up, Eat Bulaga!, at Ganyan Kita Kamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ABS-CBN naman ay nakasama siya sa mga shows na ASAP, Labs Ko Si Babes, Star Drama Theater Presents Burn, Oka Tokat, Attagirl, Pangako Sa ‘Yo, Buttercup, at Marina.

Noong 2005 ay lumipat si Onemig sa IBC-13 at naging host siya ng noontime show na Chowtime.

Ito ang naging huling show ng aktor bago siya tuluyang magretiro sa showbiz.

Noong 2012 ay nagbalak si Onemig na tumakbo bilang congressman sa probinsiya ng Bataan.

Pero bago pa man dumating ang eleksyon, nag-backout si Onemig sa kanyang pagkakandidato dahil nagkaroon siya ng disqualification case mula sa COMELEC.

May isyu raw sa kanyang residency sa Bataan kaya hindi raw siya qualified na tumakbo bilang congressman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN