Lauren Young nixes possibility of falling for Dennis Trillo: “I don’t date my co-actors.”

Lauren Young on the likelihood that Dennis Trillo would court her: “Huwag naman, ayoko! ’Cause he’s older than me.”


Ayon kay Lauren Young, baka makumbinsi siyang sumali sa isang beauty contest kapag may acting award na raw siya.

“Goal ko talaga, acting muna to achieve my dreams. Kasi this is my dream talaga—to be an award-winning actress and to prove myself.

“And hangga’t hindi pa nangyayari iyon, parang ayoko munang mag-move on to something else,” lahad niya.

Ano naman ang masasabi niya na matatapos na ang reign ng kapatid niya na 2013 Miss World Megan Young?

“I’m happy that she’s coming home,” at natawa si Lauren.

“Siyempre miss ko rin siya.”

Madalas rin namang umuwi sa Pilipinas si Megan, ’di ba?

“Yeah, pero umaalis din siya. Clingy, clingy na kapatid lang ako,” at muli siyang tumawa.

“But at the same time I’m very happy na you know, ang dami-dami niyang na-achieve in a year, ang dami niyang natulungan. Muntik nang maaksidente, sad to say.

“And you know, through what she’s done, parang ang dami niyang nabuksan na mga mata ng mga tao, to see na this is what is out there in the world, so sana we can all help out each other to make the world a better place,” panalangin niya.

Hindi pa raw alam ni Lauren kung ano ang plano ni Megan pagkatapos ng reign nito.

“She’s not even sure pa,” pakli niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lauren sa press launch ng Hiram na Alaala na bagong drama series na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Kris Bernal at Rocco Nacino.

Ginanap ang launch noong Huwebes, September 11 sa Studio 6 ng GMA Network Center.

ROLE. Kahit kontrabida ang papel niya ay mabait daw siya sa Hiram na Alaala.

“Mabait naman ako, iyon yung maganda ngayon na kapag gumagawa sila ng show, hindi na siya yung, ‘Ah ito yung bida, ito yung kontrabida.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala nang ganung factor na may separation.

“But this time, you know, makikita natin si Bethany. She’s a very sophisticated woman, she knows what she wants. Pero ma-pride din kasi siya, e.

“Iyon yung problema sa kanya kapag kaharap niya yung boyfriend niyang si Ivan.

“Mahal niya si [Ivan] pero hindi siya masyadong nagpapakita ng weaknesses niya, iyon yung ayaw niya. Kailangan lagi siyang strong, kailangan lagi siyang put together.

“Pero genuinely naman, mabait siya, malaki yung puso niya, may konsensiya naman siya. And the only reason siguro na magiging ganun yung reaction niya is kasi, siyempre, masama yung nangyari sa kanya, naagawan siya ng taong mahal niya, nawawala sa kanya, so who wouldn’t be hurt?

“Pero at the same time, hindi ka maiinis sa kanya, e. Maaawa ka sa kanya kasi nawalan din kasi siya,” aniya.

HAPPY WITH PROJECTS. Masaya si Lauren sa mga projects na ibinibigay sa kanya ng GMA.

“Yes! I’m very, very happy. Ako naman kasi, I’m not... ano naman ako, I’m not very choosy with my roles because I want to learn. I want to experience, I want to grow as an actor.

“So the more roles that they give me, the more different roles that they give me, the more opportunities I have to grow as an artist,” pahayag niya.

Hindi lead roles ang nabibigay sa kanya pero walang reklamo si Lauren.

“Okay lang, I mean medyo lead naman siya, medyo lead,” at tumawa si Lauren.

“You don’t need naman to have a lead role to show that you’re a good actress.”

“Iyon lang yun.

“I mean kung maganda naman yung performance mo, kahit saglit lang yung role mo, o kahit sobrang tagal, basta nagawa mo nang tama, maaalala ng tao.

“Yun lang naman po yung importante,” makahulugan niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH DENNIS. Unang beses nakatrabaho ni Lauren sina Dennis, Rocco at Kris.

Wala raw silang sapawan ng eksena ni Kris.

“Yun nga po yung maganda, sobrang sarap niyang katrabaho kasi marunong siyang magbigay. Nagbibigayan kami, may respeto kami sa isa’t isa na kapag moment niya ito, moment niya.

“Kapag moment ko, moment ko naman.

“And what I like about it is, all of us, all the actors, the staff, our director, ano kami, may teamwork kami na you know, we all want this to be a very good show.

“So imbes na mag-away kami, magsapawan, nagmamagaling lang kami, magtulungan na lang tayo.

“So may teamwork kami on the set,” pagmamalaki niya.

Kumusta katrabaho si Dennis na gumaganap na boyfriend niya sa Hiram na Alaala? Hindi kaya sila ma-develop sa isa’t isa?

Kuwento ni Lauren, “He’s so quiet, he’s so quiet! Super! E, ’di ba ako super-ingay ko?

“Ang gulu-gulo kong tao.

“Tapos sabi ko sa kanya one time, ‘You’re so quiet ’no?’

“Sabi niya, ‘Oo, e.’”

Baka inoobserbahan siya dahil gusto siyang ligawan.

Mabilis niyang reaksyon, “Huwag naman, ayoko!

“’Cause he’s older than me.”

Gusto raw ni Lauren ay kaedad niya.

“At saka I don’t date my co-actors,” giit niya.

At nagulat si Lauren nang sabihin namin na ayaw siguro niya sa may anak na.

“May anak siya?!” gulat na gulat niyang pahayag.

Hindi alam ni Lauren na may anak na si Dennis.

Rason niya, “Wala naman akong alam sa mga tsismis-tsismis, ’di ba?”

Sa Hiram na Alaala na ipapalabas sa Lunes, September 22, gaganap si Dennis bilang si Ivan Legaspi, si Kris naman ay gaganap bilang si Andrea Dizon, at si Rocco ay gaganap bilang si Joseph Corpuz.

Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood rin sa naturang GMA drama series sina Jackielou Blanco bilang Regina Legaspi, Shyr Valdez bilang Araceli Corpuz, Dexter Doria bilang Ola Dizon, Antonio Aquitania bilang Benedict Corpuz, Allan Paule bilang Xander Dizon, Julia Lee bilang Gelai, Kenneth Paul bilang Chris Corpuz, Rap Fernandez bilang Bruno, Nina Ricci Alagao as Martina Sandoval, at si Miss Lotlot de Leon bilang si Annabelle Sta. Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN