Kylie Padilla now on speaking terms with ex-boyfriend Aljur Abrenica

“Okay naman. Okay na,” sagot ni Kylie nang kamustahin ang pakikitungo nila sa isa’t isa ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Aljur Abrenica.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie Padilla sa SIMEM International fashion show, ang Night of the Stars: A Celebration of Barong and Filipiniana Dresses, noong September 20, sa Philippine International Convention Center, Pasay City.

Pareho silang rumampa sa naturang fashion show ng kanyang ex-boyfriend na si Aljur Abrenica.

First time ba nila magkita ulit mula noong naghiwalay sila?

“Ay… oo!” natatawang sabi ni Kylie.

Nag-uusap na ba sila ulit?

Sagot niya, “Oo, nag-usap kami kanina backstage, of course.

“Okay naman... okay na.”

Nang tanungin kung ano nararamdaman niya ngayong nagkita sila ulit ng kanyang ex, sinabi ni Kylie na “friends” naman sila ni Aljur.

Hindi na rin daw gusto ng dalaga na magkimkim pa ng kahit anong sama ng loob sa mga bagay na natapos na.

“Ayoko na, hindi healthy yun, e. Mamaya magka-heart attack pa ako!” biro ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN