Aljur Abrenica on rumored plan to transfer to ABS-CBN: "No comment muna..."

Aljur Abrenica on working again with GMA: "Yes, I’ve said it before. My main problem is the management, the Artist Center, not GMA."


Usap-usapang may plano diumano si Aljur Abrenica na lumipat sa ABS-CBN kaya gusto na niyang kumawala mula sa kontrata niya sa GMA Network.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa SIMEM International fashion show, ang Night of the Stars: A Celebration of Barong and Filipiniana Dresses, kagabi, September 20, sa Philippine International Convention Center, sa Pasay City, ay ito ang tinanong namin sa kanya.

Tugon niya, “No comment muna. Respetuhin na lang muna what’s happening between me and the network.”

Nasabi rin ni Aljur na umaasa siyang maisaayos ang lahat sa pagitan niya at sa kanyang home network.

“I’m looking forward and I’m praying na masolusyunan lahat."

Payag pa rin ba siyang magkaron ng project sa GMA?

Sagot niya, "Yes, I’ve said it before. My main problem is the management, the Artist Center, not GMA."

Ang Artist Center ang talent arm ng GMA Network na nangangalaga sa career ni Aljur.


EX LOVERS TO FRIENDS? Hindi rin maiwasang hindi mabanggit ang dating girlfriend ni Aljur na si Kylie Padilla, na rumampa rin sa naganap na fashion show kagabi.

Kumusta na nga ba sila ni Kylie sa ngayon?

Pahayag ni Aljur, “Lahat naman ng bagay, maaayos, it’s just a process.

"Pero I have nothing against her.

"Lahat naman ng hinahangad ko para sa kanya, ikabubuti niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN