Charice finally settles issue with mom; Raquel Pempengco accepts Alyssa Quijano

Charice on relationship with girlfriend Alyssa Quijano: “Sa ngayon po, talagang mabuti na yung nagsasama kami. Focus po sa trabaho muna, ipon-ipon muna, at saka enjoying our lives. Enjoying our times na bata pa kami.”


Maaliwalas ang mukha ni Charice Pempengco nang mag-guest siya sa Startalk kahapon, September 20.

Naging magaan daw sa kanya ang lahat pagkatapos niyang makipagsundo sa kanyang pamilya, at natanggap na rin ng mga ito ang kasintahan niyang si Alyssa Quijano

Ibinahagi ni Charice kung paano sila nagkaayos ng kanyang ina na si Raquel Pempengco.

Simulang kuwento ng international singing sensation, “Five months po ako sa States.

“Nagkausap po, una sa email, last June, kami pong dalawa ni Mommy.”

Natuwa raw siya na sa mga sumunod nilang pag-uusap ay ipinakita ng kanyang ina na tanggap na nito si Alyssa.

Aniya, “Sa Skype po, nagkausap din kami.

“Nung una po kasi, ako lang ang kumakausap sa kanya sa Skype, and then siya na mismo ang nagtanong kung saan si Alyssa.

“That night, sinabi niya kay Alyssa na tawagin na raw siyang ‘Mommy.’”

Kaya pagbalik ni Charice sa bansa ay tumuloy na siya sa kanyang ina, at magkasama na raw sila ni Alyssa.

May ilang problema silang hinarap, gaya ng isyung pinansiyal, at mabuti raw ay hinarap nila ito nang maayos.

Ang mahalaga, magkasama sila at nagkaroon na raw sila ng panahong mag-bonding.

Saad ni Charice, “Masasabi ko lang, basta lahat, okay na po.

“Kahit naman nagkaroon ng problema, marami kaming na-realize together and we learned our lessons.

“Basta ang importante, we’re back together and happy.”

Wala rin daw sumbatang nangyari sa kanilang mag-ina. Mas iniisip daw nilang kailangang bawiin ang matagal-tagal ding panahong nawala sa kanila.

“Siyempre, marami po kami na-miss na pagsasama talaga. Very comfortable po kami, as in family talaga,” sabi ng singer.



WEDDING PLANS? Natanong din si Charice kung pinag-uusapan na ba nila ni Alyssa ang magpakasal, kagaya nina Aiza Seguerra at Liza Diño.

Sagot niya, “Sa ngayon po, talagang mabuti na yung nagsasama kami.

“Focus po sa trabaho muna, ipon-ipon muna, at saka enjoying our lives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Enjoying our times na bata pa kami.”

Sa pagtatapos ng panayam kay Charice, hiningan ito ng mensahe para sa kanyang ina.

Madamdamin ang mga pahayag ng 21-year-old international singer.

Saad niya, “I wanna thank her for understanding.

“Alam ko nandun naman ang love, e. Kahit anong nangyari for the past years, alam ko nandun ang love.”

Dagdag ni Charice, “Yung bonding naming pamilya ngayon, hindi yung parang dream bonding ko nung time na nagtatago pa si Charice.

“Kahit nagkaproblema kami nun, deep inside, siya pa rin ang taong nagpalakas ng loob ko.

“Kasi sa kanya ako nagmana, e. Sa kanya ako nagmana ng pagkamatapang ko.

“So, I wanna thank her dahil dun nasabi ko sa mga tao kung sino talaga ako.

“I wanna thank you and, finally, hindi lang ako yung malaya, tayong pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN