Annabelle Rama on second season of It Takes Gutz to be a Gutierrez: “Ito talaga ang reality show.”

Annabelle Rama on living up to the show’s "reality" tag: "Sa reality show, ayaw naming mag-imbento ng istorya. Maraming dramang nangyayari, maraming situwasyong nangyayari na hindi namin sinasadya, pero nangyayari.”


Sa October 5, sa E! Channel magsisimula muling mapanood ang ikalawang season ng family reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Bukod sa orihinal na regular cast ng pamilya Gutierrez, regular na rin na mapapanood ngayong second season si Sarah Lahbati at si Zion. Gayundin si Elvis Gutierrez at ang kanyang girlfriend of eight years na si Alexa Uichico.

Ayon kay Annabelle Rama, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng show noong September 15 sa R Space sa Makati, kinailangan pa raw kumbinsehin ang anak niyang si Elvis na sumali sa show.

“Kasi, lahat ng anak ko, mahiyain sila. Actually, si Richard ang una kong kinu-convince na mag-join.

“Kasi, noong first season, si Richard, hirap akong mag-convince sa kanya.

“Tapos, noong na-convince ko na si Richard, si Elvis, nagkaroon ng eksena sa first season, mukhang nagustuhan naman niya.

“Sabi ko, ’Elvis, gusto mo maging main cast ka na lang para mas maraming exposure tungkol sa inyong dalawa ni Alexa?’ Nagustuhan naman ni Elvis.

“E, hindi pa sanay si Elvis na yung sikreto niya, nasi-share sa public. Sabi ko naman, masanay ka na kasi, ‘eto na tayo.

“Wala nang atrasan ‘to. Kasi, yung E!, gustung-gusto kami.

“Nagpapasalamat lang ako sa E!, yung aming bosses, talagang nagustuhan kami, yung family Gutierrez. I’m so proud, yung people from E!, they are supporting us all the way,” pagpapasalamat ni Tita Annabelle.

MORE SCOOPS AND EXPOSÉS? Kumpara sa season 1 na anim na episodes lang ang napanood sa It Takes Gutz, ngayong season 2, sampung episodes na ang mapapanood.

May apat na episodes pa raw silang isu-shoot dahil hanggang Pasko na raw ito mapapanood. Mapapanood na rin dito ang magiging anak nina Elvis at Alexa.

Tinanong naman namin si Tita Annabelle kung anong mga pasabog naman kaya ang puwedeng asahan ng mga manonood sa ikalawang season ng It Takes Gutz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon dito, “Actually, wala kaming pasabog kasi, yung mga pasabog na sinasabi niyo, nangyayari sa totoong buhay namin na hindi namin sinasadya na talagang nangyayari.

“Ito talaga, ito talaga ang reality show. Kung gusto niyong pasabog, marami, e. Puwede akong magpa-[wedding] proposal kay Richard para pag-usapan, pero hindi, e.

“Pero kami, sa reality show, ayaw naming mag-imbento ng istorya. Maraming dramang nangyayari, maraming situwasyong nangyayari na hindi namin sinasadya, pero nangyayari.”

STAYING POWER. Hindi rin naman daw nila inaasahan na noong gawin nila ang season 1 ng It Takes Gutz magkakaroon pa pala ito ng season 2 at talagang tatangkilikin sa Asia.

Sa palagay niya, anong meron sa kanila na nag-hit nga ang family reality show nila sa E!?

Lahad niya, “Siguro nga dahil sabi ko, para kaming mga sira-ulong Gutierrez. Hindi ko sinasabing sira-ulo na mentally, hindi naman. Pero I mean, iba kami. Kahit sa totoong buhay, iba kami.

“Palagi kaming may away, may diskusyon. Pero after that, after the meeting, tuluy-tuloy pa rin na buo ang pamilya namin.

“Hindi kami nagtatagal [kung may away man].

“At the end of the day, pamilya pa rin kami. Grabeng away namin noong nagpa-plano kami na wala pa kaming director.

“Hirap kaming kumuha ng team. Kasi sabi ko, gusto kong bongga na production, bongga yung team, bongga yung director.

“Yung iba, ayaw pumayag kasi, malaki ang budget. Sabi ko, nag-produce ka na rin lang, ‘di baling malaki ang budget.

“Kaya ito talaga, alam kong maganda ang season 2 kasi, we have the best production team.”

PRESSURE. Sa presscon proper, nakapagbitiw ng salita ang daddy ng Gutierrez family na si Tito Eddie na “wala na raw silang sex” dahil ang focus niya ay ang reality show nga nila.

Biro namin kay Tita Annabelle, may makikitang “love scene” ba ngayon sa season 2?

Natawang sabi naman niya, “Manood na lang kayo. Siyempre, ganun lang yun. Sabi ko nga, kung meron sigurong camera sa loob ng bahay, I’m sure, ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, lahat sila, hindi napipigilan, ‘di ba? Mas maraming nangyayari sa loob ng bahay at mabuti naman wala kaming camera sa loob ng bahay namin.

“Palagi kaming may diskusyon talaga, palaging may sigawan.

“Away si Rocky [Gutierrez] at saka si Elvis. Si Richard at si Raymond palaging may sagutan.

“Marami... kasi nga, kapag nagmi-meeting kami, mahirap mag-give-in lahat. May kanya-kanya silang reasons bakit hindi puwede, bakit puwede. Ganun, e.”

Bakit tinitikis naman niya yata si Tito Eddie sa department na yun?

Paliwanag niya, “Lately lang yun ’day e, kasi bising-bisi ako. Talagang busy kami. Magpi-presscon na ang E!

“Siyempre, worried ako, sana lahat nandiyan. Yung dalawa ayaw namang sumali, e ‘di okey lang.

“Ganun kaming family. Hindi lahat ma-convince ko.

“E, malalaki na kami. Kailangan may sarili na silang utak. Kaya hindi mo puwedeng diktahan. Unlike before, ako lahat ang nagdi-dictate. Kapag may sinasabi ako, may sasagot, especially Raymond.

“E, ako naman, nanay ako, ako pa ba ang mag-e-explain? Gusto ko, masusunod.

“Sagot naman si Ruffa, ’Minsan, ako na lang mag-isa, lahat sila magkakampi.’ Pero after two days, babalik naman sa normal.”

Natawa siya nang sabihin ni Tito Eddie na wala na itong sex. Na-guilty rin ba siya?

“Oo nga,” natawang sabi niya.

“E, kasi naman ’day, one week ako na busy. Saka, October 5 na, ang lapit na.”

ASIAN EXPOSURE. Nang dahil sa It Takes Gutz, mas naramdaman daw ni Tita Annabelle na sumikat siyang talaga sa Asia.

Kuwento niya, “Kasi, nagpunta kami sa Hongkong. Meron doon sa hotel, mga foreigners, they were asking, ’O, where’s your family?’

“Nakalimutan ko, ang Gutz nga pala, Asia ‘yan. Pati nga... sa Shangri-La Hotel may nagpapa-picture with me.

“’Where’s your family? I want to see your family.’ E, ako lang ang nandoon kasi, nagpa-reserve ako ng kuwarto.

“Natuwa naman ako kasi, wow, sikat na pala ko ngayon, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OVERCOMING DEPRESSION. Kung tutuusin, natalbugan pa ni Tita Annabelle ang ibang sikat na artista sa bansa dahil siya, kilala siya hindi lang sa bansang Pilipinas.

Ganunpaman, hindi rin daw naging madali ito para sa kanya dahil sa pinagdaanan niyang depression noong matalo siya noong huling eleksyon.

Patuloy niya, “Oo nga, actually, after election, I was so depressed. Three months and a half akong depressed.

“Lahat ng sipag mo, lahat binigay mo na tapos yung kalaban mo, hindi man lang nangampanya, biglang mananalo.

“Hindi ko matanggap.

“I was so depressed. Three months and a half, sa kuwarto lang ako. I’ve been praying every day. Sabi ko, anong mangyayari sa akin?

“Sabi ko, you want me to go back as talent manager like before? Sabi ko, i-guide niyo ko Sto. Niño.

“Tapos, ito namang reality show, nagkataon naman si Richard, mae-expire ang kontrata sa GMA kaya sabi ko, tamang-tama si Chard, importante sa show, hindi ko siya mapa-renew.

“Kasi kung walang Chard, kulang din kami. So noong na-convince ko si Richard, tuwang-tuwa talaga ako. Kaya kahit saan kami magpunta, puwede.”

RUNNING AGAIN? Napag-usapan na rin lang ang pulitika, posible kayang pasukin at tumakbo siyang muli sa darating na eleksiyon sa 2016?

Ayon kay Annabelle, “You know, as of now, my cousin, Mayor Mike Rama has been convincing me. He’s here almost every week, convincing me to run again.

“But because of this show, I don’t think I can make it kasi sabi ko sa kanya, I’m so busy with this show. Kasi, nandito na kami, e.

“Kailangan galing sa puso. Ibuhos mo na.”

Pero siya ba, gusto pa rin niya tumakbo?

Pakli niya, “Sana, gusto kong tumulong. Pero sabi nga ni Ruffa, bago ka tumulong sa iba, sa amin muna. Kasi nandito na tayo. Naumpisahan na.”

Ibig sabihin, ang mga anak niya, ayaw na rin siyang pumasok sa pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw, ayaw na nila,” lahad niya.

HANDS-ON LOLA. Bilang lola naman, hands-on din daw siya sa mga apo niya, lalo na sa anak nina Richard at Sarah Lahbati na si Zion.

Pagmamalaki niya, “Lahat ng aking apo, ako ang talagang ano riyan. Hindi puwedeng hindi ko siya makita. Anong pagkain sa umaga? Anong pagkain sa gabi?

“Minsan ako pa ang nagluluto para kay Zion kasi baby yun. Gusto ko minsan, ako ang nagluluto para kay Zion kasi, baby ‘yan.

“Lahat naman kapag magkasakit siya, samahan ko sa doctor. Kasi minsan, busy naman si Sarah at saka si Richard. Nasa akin si Zion, dala-dala ko sa White Plains, ako ang nag-aalaga sa lahat.

“Gustung-gusto ko naman kasi, I have six children, sanay na sanay na ako.”

Magkakaroon din siya ng bagong apo—si Arya naman.

Pagkumpirma niya, “Yes, babae naman. Excited din ako riyan. Lahat naman ako ang nag-aalaga.”

Superwoman nga siya?

“Siyempre,” nakangiti naman niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN