Martin del Rosario projects sexier, more daring image

Martin del Rosario on baring it all for the "Naked Truth" Bench underwear fashion show: "Kasi nasanay ang mga tao na parang good boy na wholesome, ganyan. Para maiba naman. Kaya gusto kong subukan na daring naman.”


Isa si Martin del Rosario sa mga rumampa sa “Naked Truth” fashion show ng Bench kagabi, Sabado, September, 20, sa Mall of Asia Arena. First time niyang maging daring na Bench Body underwear lang ang suot.

Bago ang nasabing event ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin. Nais daw niyang magbago ng image kaya nakumbinsi siyang maging daring at sexy sa nasabing fashion show.

Aniya, “Kasi nasanay ang mga tao na parang good boy na wholesome, ganyan.

“Para maiba naman. Kaya gusto kong subukan na daring naman.”

Kasunod ba nito ay magiging open na rin siya sa pagtanggap ng sexy roles?

“Uhm, doon sa kabila [ABS-CBN], may nai-portray na akong role na sexy. Yung sa Pintada with Denise Laurel.

“Kaya okey lang sa akin ngayon yung mga daring at mas mature na roles,” pag-amin niya.

HAPPY KAPUSO. Kamakailan ay pumirma na siya ng three-year contract sa GMA-7. At masaya raw siya na officially ay Kapuso na siya.

“Sabi po ng management, may show na sila na planong ibigay sa akin soon. Kaya excited na po ako para doon.

“Masaya ako sa naging pa-welcome sa akin dito sa GMA.

“Actually, kahit hindi pa ako nagsa-sign ng contract, binigyan nila ako kaagad ng role sa Rhodora X,” pagtukoy niya sa primetime series na pinagbidahan ni Jennylyn Mercado.

“Tapos binigyan din nila ako ng chance to do an episode para sa Magpakailanman recently.

“Kaya happy naman ako. May mga sinabi silang plans para sa akin at hinihintay ko na lang ito,” lahad ni Martin.

At home na raw siya sa Kapuso Network sa ngayon.

“Kumportableng-kumportable po ako. And hindi ako nahirapang makisama.

“Mababait yung mga tao. Magaan yung pakiramdam,” dagdag pa niya

GAY RUMORS. Kasunod ng desisyon na paglipat ni Martin sa GMA, nagkaroon ng matinding intriga sa kanya. Naging maingay na usap-usapan ang tsismis na bading daw siya pero hindi naman nagpaapekto ang aktor sa mga isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May ibang tao kasi na talagang inaaksaya nila ang oras sa gano’n,” tukoy niya sa mga pang-iintriga.

“E, ako naman kasi, mas kilala ko naman ang sarili ko. So hindi ko naman dinadamdam talaga,” kibit-balikat niya.

RUMOR-MONGERS. Sa tingin niya, sino kaya ang may pakana nito? Hindi ba siya nagsususpetsa na baka taga kabilang istasyon na may galit sa kanya ang nagpasimula nito?

Pagklaro niya, “Hindi naman. Kasi maayos naman yung pagpapaalam ko sa kabila.

“And naniniwala naman ako na yung stay ko doon, nagturingan naman kaming parang pamilya na rin.

“So maganda yung relationship naman. Maayos naman akong nagpaalam. Kaya I think hindi naman sila yung may pakana noon.”

KAPUSO BUDDIES. Sa mahigit isang buwan mula nang mabalitang lumipat na siya sa GMA, meron ba siyang naging ka-close na Kapuso stars?

Ani Martin, “Of course si Lauren Young, kaibigan ko na siya before pa. And ngayon… friendly naman ang mga tao, e.

“Like si Yasmien Kurdi naging ka-close ko na rin at saka yung iba pang naging co-stars ko sa Rhodora X.

Sino naman sa mga artista ng GMA ang gugustuhin niyang sunod na makatrabaho?

“Si Lauren. Kasi close na nga kami.

“And also… si Andrea Torres. Kasi nagkakilala na kami nang naglaro ako sa Celebrity Bluff recently.

“Pero gusto ko rin sana sina Lovi Poe. At saka si Heart Evangelista.

“Kung puwede lang!” sabay ngiti ni Martin.

CRUSHES. Meron ba siyang crush sa mga Kapuso stars?

“Ang gusto ko po talaga, si Lovi. Nagagandahan talaga ako sa kanya.

“Kaya lang taken na siya e,” tawa ulit niya.

“Si Andrea Torres, maganda rin siya. Kailan ko lang nga siya na-meet pero sa tingin ko, hindi siya mahirap pakisamahan.

“At saka maganda talaga siya. Iyon ang una kong napansin sa kanya, yung physical appearance.

“Tapos nagkaroon nga kami ng chance na magkakuwentuhan kasi kami ang naging magka-partner bilang contestant ng Celebrity Bluff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko yung pagka-simple lang niya. Yung natural lang,” pag-amin niya.

Dalawang pelikula ang nakatakda niyang simulan. Isa para sa Cinema One Originals, at yung isa naman ay hindi pa raw niya puwedeng sabihin ang detalye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN