Rap Fernandez willing to accept character roles: “There are no small roles for any actor.”

Rap Fernandez echoes his parents’ acting philosophy: “’Yan ang natutunan ko from my parents and from the other actors na nagsisilbing inspiration ko. Kung ano ang ibigay sa iyo, pagbutihan mo ang pagganap. Hindi naman kailangan ikaw ang bida parati.”


Kauna-unahang primetime series ng eldest son nila Lorna Tolentino and the late Rudy Fernandez na si Raphael Gregor Fernandez, o mas kilala ngayon as Rap Fernandez, ang Hiram na Alaala ng GMA-7.

Huling napanood si Rap sa GMA afternoon series na Innamorata.

Nakapirma na rin ng exclusive contract sa Kapuso network si Rap.

Sa Hiram na Alaala, gaganap si Rap bilang si Bruno, isang miyembro ng rebel group na tinutugis ng army troop nila Ivan at Joseph, played respectively by Kapuso leading men Dennis Trillo and Rocco Nacino.

Sa ginanap na press launch sa GMA Annex Building, kinuwento ni Rap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang naging preparasyon para sa role ng isang rebel leader.

Ayon kay Rap, “It’s a very challenging role and they gave me the chance to create my character.

“Nagpatubo pa po ako ng balbas at bigote para magmukha talaga akong rebelde. Ang peg ko for my role is Che Guevara.”

Che Guevara was a famous Argentine Marxist revolutionary, physician, author, guerrilla leader, diplomat, and military theorist. He was also a major figure of the Cuban Revolution.

“In the story, kami ang makakadakip kina Ivan and Joseph sa isang ambush namin sa kanila.

“Pero may unexpected twist sa story kasi ako rin ang pagpapakawala sa kanila.

“There’s a big reason kung bakit ko ginawa iyon at malalaman nila iyon kapag pinanood nila ang Hiram na Alaala,” saad niya.

NO SMALL ROLES. Wala nga raw problema kay Rap na bigyan siya ng character roles sa TV man o pelikula dahil mas enjoy daw siyang gawin ito.

“I guess mas bagay po sa akin ang mga character roles.

“Kahit lumabas naman akong kontrabida, okey din po sa akin.

“There are no small roles naman for any actor. Yan ang natutunan ko from my parents and from the other actors na nagsisilbing inspiration ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang ibigay sa iyo, pagbutihan mo ang pagganap. Hindi naman kailangan ikaw ang bida parati,” diin pa niya.

RUGGED IMAGE. Gusto rin ni Rap na maiba ang mga roles niya sa mga roles na ginagawa na ng kanyang half-brother na si Mark Anthony Fernandez at ng kanyang bunsong kapatid na si Renz Fernandez.

“Si Kuya Mark at Renz kasi, pang-leading men ang dating nila.

“Like si Kuya Mark, matagal na siyang nagbibida at marami nang na-partner sa kanya like sina Regine Velasquez, Marian Rivera, Lovi Poe, Sunshine Dizon, Iza Calzado at marami pang iba.

“Si Renz naman, he’s being built up as a romantic leading man naman because of his clean-cut look.

“Ako po kasi, bagay daw sa akin ang medyo rugged. Yung may balbas, may bigote—just like my dad.

“It’s better na hindi kami pare-pareho ng image.

“Mas gusto ko kasi na gampanan ang iba’t ibang roles para lumabas ang versatility ko as an actor.”

PLANS TO DIRECT. Hindi lang ang pagiging aktor ang nasa dugo ni Rap kundi pati ang pagiging director dahil sa kanyang lolo na si Gregorio Fernandez.

Bago maging aktor, pangarap din ni Rap ang maging isang direktor at nakapag-training pa nga siya noon sa ilalim ni Johnny “Mr. M” Manahan sa ABS-CBN.

Nakagawa na rin ng ilang video shorts si Rap at nangangarap siyang makagawa ng isang full-length film balang-araw.

Lahad pa niya, “Nandiyan pa rin ang dream ko na maging isang film director. Nakapag-training na ako before with Mr. M sa mga live shows niya sa Dos.

“Siguro po some day, kapag maayos na ang lahat sa career ko, I will eventually go into filmmaking.

“Since uso ang mga indie films ngayon at nasa digital age na tayo, mas madali nang makagawa ng movie. Kailangan lang ng magandang script and good actors to direct.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko rin po mag-produce kasi ng movies just like what my parents did before.”

DAUGHTER. Three years old na nga ang daughter ni Rap na si Lyla Victoria or Tori.

Ganoon pa rin daw ang arrangement nila ng ina ng kanyang anak. May scheduled visit si Rap kay Tori at naipapasyal niya ito anytime na gustuhin niya.

Parati nga raw hinihiram ng kanyang inang si Lorna si Tori kapag hindi ito busy sa taping ng My Destiny.

MOM’S HEALTH CONDITION. Binalita naman ni Rap na okey naman daw ang kanyang inang si Lorna matapos nitong maaksidente last month. Dahil dito’y naapektuhan ang spinal column nito.

Three months nga raw itong naka-corrective brace sa likod dahil sa natamong aksidente.

“Okey naman po si Mama. She is still taping for My Destiny.

“Pero most of her scenes yata ay kailangan nakaupo siya.

“Sumasakit daw kasi ang likod niya kapag matagal siyang nakatayo.

“But knowing Mama, she’s a fighter. She’ll be back to normal very soon.

“Masyadong masipag kasi si Mama and very professional. Ayaw niyang maging cause of delay.

“Sinasabihan naman po namin na maghinay-hinay na muna siya sa pagtrabaho. Pero gusto niya talagang maging busy.

“Ang acting nga raw ang kaligayahan niya kaya habang kaya pa raw niya, she will continue to act.

“Nakita niyo naman, kahit na naaksidente siya, tuloy pa rin ang pagtrabaho niya. Ganun niya talaga kamahal ang trabaho niya,” pagmamalaki ni Rap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN