Bing Loyzaga on working with Ate Guy: “It was really an honor to get to know her as Nora Aunor, not the Superstar.”

Bing Loyzaga recalls how she immediately shed her inhibitions after Nora Aunor broke the ice during the shooting of Dementia: “Natanggal na lahat ng inhibitions, yung insecurities because she breaks the ice right away so that everybody is comfortable. Ibang klase siya.”


Sa ginanap na presscon ng pelikulang Dementia noong Martes, September 16, sa Imperial Palace Suites sa Quezon City, may nagtanong sa Superstar na si Nora Aunor na kung sakaling magkaroon siya ng Dementia, sino ang gusto niyang mag-alaga sa kanya?

Ilan sa mga nabanggit niya ay ang kanyang mga anak, at ang co-star niya sa Dementia na si Bing Loyzaga.

Kaya pagkatapos ng panel interview ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bing kung ano ang masasabi niya bilang isa sa mga choices ng Superstar na maging “caregiver” nito, kung sakali.

“Alam mo kung ganyan kabait na rin naman na tao, hindi mo hihindian, e. Hindi mo talaga hihindian.

“It was really an honor to get to know her as Nora Aunor, not the Superstar,” pagmamalaki niya.

TAKING CARE OF PARENTS. Kaya papayag siyang maging tagapag-alaga ng Superstar?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman! Tanga naman ako kung hindi ako pumayag, ’di ba? Parang ako na ang pasukan ng dementia pagka hindi ko gawin, ’di ba?

“You know I’ll be very frank; I’m taking care of my parents now so I will not say no to anybody who will ask for my help.

“I have my mom and my dad with me.

“They’re doing okay naman. My dad is a stroke victim.

“My mom is with me lang, she’s okay, she’s fine.”

Mahirap ba ang sitwasyon ni Bing ngayon?

Aniya, “Siyempre may changes kasi before they weren’t living with me.

“So siyempre, merong mga kailangan sila na kailangan kong i-prioritize on certain days.

"I’m lucky that my family understands my situation.

“Pero no regrets. I wouldn’t have it any other way.”

Tatlong taon nang nakatira kina Bing ang kanyang mga magulang.

Katuwang rin ni Bing siyempre sa sitwasyon ang mister niyang si Janno Gibbs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakli niya, “He’s very supportive.”

Pati raw ang kanilang mga anak ay katuwang ni Bing sa pag-aaruga sa kanyang ama.

Kaya ang daming “nurse” ng daddy niya.

“Yeah! Hilung-hilo sila sa amin,” at tumawa si Bing.

MEMORABLE MOMENT WITH ATE GUY. Sa Dementia ay may isang eksenang hindi makakalimutan ni Bing.

Kuwento niya, “Yung very first scene namin, nakasakay kami sa kotse, so binabatanyan ko siya [Ate Guy]...

“So since first project ko ito kay Ate Guy, sinabi ko naman sa kanila e, even kay Direk Perci, sabi ko, ‘Basta Direk, pag eeksena ako with Ate Guy please give me three chances, three takes.

“Yung first kasi mai-starstruck ako, e. Aminado ako dun. Second, mabubulol ako. Sa third, hopefully makuha ko nang tama [ang eksena].”

Nangyari nga ba na nakatatlong take si Bing?

Patuloy niya, “Hindi naman! In fairness. One lang! Kasi naman itong si Ate Guy, katabi ko siya sa ano, so ’di umaandar. Car scene e, biglang pag-stop namin, meron yung mga taga-Batanes na nandun, ‘Hi!’

“Gumaganun si Ate Guy. ‘Sabi nila si Superstar daw ako.’

“E, ’di bumunghalit na ako katatawa. Sabi ko, ‘Saan nanggaling yun? Anong nakain mo Ate Guy at biglang humi-hello ka sa mga taong nakatulala lang sa inyo kasi nai-starstruck?’

“Sabi niya, ‘Hindi, hindi nila ako kilala. Nakakalungkot. Ako po si Nora Aunor.’

“Ini-intro niya yung sarili niya so tawa ako nang tawa. Sabi ko, ‘Ganito pala ito!’

“So nung magte-take na, ay wala na, one take! Natanggal na lahat ng inhibitions, yung insecurities because she breaks the ice right away so that everybody is comfortable.

“Ibang klase siya.”

Hindi na maalala ni Bing kung ano ang huli niyang pelikula bago ang Dementia. Bihira siyang gumawa ng pelikula pero hindi naman raw dahil sa tinatamad siyang mag-pelikula.

“Hindi naman sa tamad it’s just that right now I’m prioritizing my parents,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Dementia, ang role ni Bing ay si Elaine na kamag-anak na inalagaan ni Mara [Ate Guy] noong bata pa ito.

“Siyempre dahil pinalaki niya ako, utang na loob ko sa kanya na alagaan siya, na akuin siya,” paliwanag pa niya tungkol sa kanyang papel sa pelikula.

Bukod sa Superstar at kay Bing ay nasa pelikula rin sina Yul Servo, Chynna Ortaleza, Althea Vega, Jeric Gonzales, Lou Veloso, Lui Manansala, at Jasmine Curtis-Smith.

Ipapalabas sa mga sinehan ang Dementia sa September 24. Ito ay produced ng Octobertrain Films at The IdeaFirst Company, Inc. at released ng Regal Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN