Jackie Lou Blanco says Dennis Trillo deserves Kapuso Drama King title

Jackie Lou Blanco on working with Dennis Trillo for the first time: “Very giving as an actor, walang problemang kasama, very magaan, he does his homework. He’s an excellent actor!”


Kinumusta namin si Jackie Lou Blanco tungkol sa papel na gagampanan niya sa bagong Kapuso serye na Hiram na Alaala.

Kuwento niya, “Si Regina Legaspi is the mom of Dennis [who plays Ivan], ’tapos yung husband ko ’tsaka yung isa kong anak, both soldiers din and they both died. So as much as possible, I want to stop sana Dennis from being a soldier.

“Ayoko kasi he’s the only one I have pero unfortunately, that’s really what he wants to do.

“Kasi idol niya yung dad niya and yung kuya niya. So wala akong magawa but to let him go.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie Lou sa press launch ng GMA drama series na Hiram na Alaala noong Huwebes, September 11 sa Studio 6 ng GMA Network Center.

Pagpapatuloy pa niya nang tanungin namin kung mawawala ba sa kanya si Ivan...

“Hindi, babalik siya, sugatan siya pero he has something called Dissociative Fugue which is because of the trauma, he takes on the personality of Rocco [Nacino] who plays Joseph.

“He thinks that he is Rocco. So umuwi nga siya sa amin pero hindi niya kami kilala. So sabi niya hindi raw niya ako nanay, yung ganun, he doesn’t remember anything.

“So it’s really hard for all of us kasi parang, oo nga bumalik nga siya sa akin, hindi naman niya ako kilala. He doesn’t remember, he has no memory of anything,” dagdag pa niya.

WORKING WITH DENNIS. Kumusta naman si Dennis Trillo bilang co-actor…

“Wonderful!” bulalas ni Jackie Lou.

“He’s a wonderful actor and co-actor. I’m so happy nga that I finally got the chance to work with him and to play pa his mom.

“Very giving as an actor, walang problemang kasama, very magaan, he does his homework.

“He’s an excellent actor!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang reaksyon niya sa bagong bansag ngayon kay Dennis bilang Drama King...

“O, ’di ba?

“I think he deserves the title. After all that he has done, all the roles that he has played, not only on TV but in the movies also,” pagsang-ayon niya.

Si Christopher de Leon ang original na Drama King.

Ani Jackie Lou, “I think they both are naman. I think yung sa mga kasabayan ni Dennis siguro, you know, that’s who he is.

“Si Boyet naman, kumbaga in his age range at sa kanyang grupo then, he was called that naman.

“He still is, ’di ba? So ano lang, ibang panahon, ibang henerasyon, ’di ba? Parang ganun lang yun, e.”

ON MOM’S HEALTH. Kinumusta naman namin kay Jackie Lou ang ina niyang si Pilita Corrales.

Aniya, “She’s okay, she’s still busy.”

Ilang beses na natsismis na malubha ang sakit ng mommy niya.

Sabi pa niya, “She’s better na naman. She has a heart problem kasi pero so far naman, okay na. But yun, she lost nga quite a bit of weight kasi, ’di ba?

“But she’s okay na, she’s doing Vampire Ang Daddy Ko.

“I’m happy nga na meron siyang ganun kasi for me, iyon yung mga bagay sa kanya [na role], e. ’Tsaka at least hindi sobrang puyatan, ’di ba? Weekly, once a week show.”

Ang Viva ang namamahala sa career ni Jackie Lou at per show ang kontrata niya sa GMA.

Wala siyang exclusive contract.

Lahad niya, “But I wish I did. I want, kasi I’ve been with GMA for so long na, parang I don’t really, I consider myself, parang kahit na hindi ako under contract, I consider myself Kapuso talaga, ’di ba?”

Para na rin siyang exclusive GMA contract artist.

Pakli niya, “Parang ganun na rin, oo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIE MOVIES. Nakagawa na ng isang indie movie si Jackie Lou, ang Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap? at nais niyang makagawa pa ng mas maraming indie films.

“Kasi dun yung mga roles na out-of-the-box. I’d really like to do that again.

“I think it’s a chance to play roles that you don’t normally get to play sa mainstream. Characters that normally wouldn’t be given to you.

“At ang gaganda kasi ng mga indie natin, e!” natutuwa niyang pagmamalaki.

Kahit raw maliit lang ang talent fee ay okay lang kay Jackie Lou.

Dagdag pa niya, “I think nga that’s ano e, I think because, despite so many days lang that are given and despite the budget, I think people really become more creative and do more with it kaya nga pag pinanonood mo e, kay ganda.

“And I think really yung heart ng artists to make an indie and to make something that is really worth doing and worth watching, yung puso nila, buung-buo.

“You get big-name artists to do indie, ’di ba? Alam naman natin ang budget is so-so pero lahat sila ginagawa nila e, ’di ba?

“Tapos hindi lang sila critically acclaimed here, pag dinala mo siya sa ibang bansa, ganun din.”

Going back to Hiram na Alaala, mabait ang papel niya rito hindi tulad dati sa Genesis.

“I’m a good character here,” sinabi pa ni Jackie Lou.

Sa Hiram na Alaala na ipapalabas ngayong Lunes, September 22, ay kasama rin sina Kris Bernal na gaganap bilang si Andrea Dizon, at si Rocco Nacino bilang si Joseph Corpuz.

Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood rin sa naturang GMA drama series sina Lauren Young bilang Bethany Sandoval, Shyr Valdez bilang Araceli Corpuz, Dexter Doria bilang Ola Dizon, Antonio Aquitania bilang Benedict Corpuz, Allan Paule bilang Xander Dizon, Julia Lee bilang Gelai, Kenneth Paul bilang Chris Corpuz, Rap Fernandez bilang Bruno, Nina Ricci Alagao as Martina Sandoval, at si Lotlot de Leon bilang si Annabelle Sta. Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN