Tom Rodriguez’s Naked Truth appearance becomes trending topic

Tom Rodriguez on warm reception to his second Bench Body fashion show appearance: “Well, thank you sa mga nagpa-trend! Thank you so much. I didn’t know. Thank you so much, guys! That means a lot. Second time ko na itong rumampa for Bench. My first time was 2010 sa Uncut, pero naka-pants ako. So, first time ko na underwear naman siya ngayon.”


As expected, maingay na pinag-uusapan ngayon ang katatapos na denim and underwear fashion show ng Bench, ang The Naked Truth, na ginanap sa MOA Arena noong Sabado, September 20.

Lalo na ang male celebrities na rumampa na tanging Bench Body underwear ang suot, kabilang na si Tom Rodriguez.

Walang hesitation ang Kapuso actor na maging totally sexy and daring.

View Gallery: The Naked Truth: Scene-Stealers, Couples, & Poles

Busy man sa trabaho, sinikap pa rin daw niyang magpaganda pang lalo ng katawan.

Sabi ni Tom, “Sa diet talaga namin idinaan, e.

“Nagdadala ako ng dumbbells na pang-workout se set.

“Kaso, kahit anong workout ko, ‘pag walang tulog pala, hindi na nagri-react. Hindi na lumalaki,” pagtukoy niya sa muscles ng kanyang katawan.

Dagdag ni Tom, “So, idinaan na lang naming sa diet.

“At least, kahit ganun yung schedule namin, naihabol namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom nang mag-guest siya sa Sunday All Stars kahapon, Linggo, September 21,



TRENDING. Pagkatapos ng Bench Body fashion show, agad-agad ay nag-trending si Tom sa sumunod na 12 hours. Pero hindi raw siya aware hinggil dito.

Reaksiyon niya, “I don’t know… honestly, I don’t know… ang galing!

“Well, thank you sa mga nagpa-trend! Thank you so much.

“I didn’t know. Thank you so much, guys! That means a lot.

“Second time ko na itong rumampa for Bench.

“My first time was 2010 sa Uncut, pero naka-pants ako.

“So, first time ko na underwear naman siya ngayon.”



TOMDEN LOVETEAM. Magkasunod na rumampa sina Tom at Dennis na parehong underwear lang ang suot.

Nang magsalubong sila sa gitna ng stage, nagsigawan ang karamihan sa audience na inakalang magki-kiss sila.

View Gallery: The Naked Truth: TomDen Fever Lives On

Buhay na buhay pa rin ang tambalang Tom-Den, na nabuo nang magkasama sila sa My Husband’s Lover kung saan naging co-star din nila si Carla Abellana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Tom, “We were so surprised na hanggang ngayon, ganun pa rin yung reception.

“Kasi akala namin, ‘Okay, sige, parte ng blocking gawin natin, parte ng prod.’

“Hindi namin inisip na ganun pa rin yung magiging acceptance ng tao. So, we’re very happy.

“It was a really pleasant surprise para sa aming dalawa.”



CARLA ABELLANA. Rumampa rin sa The Naked Truth ang nililigawan at co-star ni Tom sa My Destiny na si Carla Abellana.

Ano ang reaksiyon ng aktres nang rumampa siyang naka-underwear lang?

Nakangiting sabi ng Kapuso heartthrob, “Nagtsi-cheer daw siya, e. Happy siya, e.

“Nakaka-shock daw, pero proud naman siya.

“Kahit naman sina Popoy [Caritativo, his manager] at si Dennis, they’re happy for me naman.

“Kahit alam nila na sobrang ninenerbiyos ako.

“Basta all of them naman, nung pagpunta ko na sa backstage, lahat sila na kasama naming rumampa—sina Rocco [Nacino], sina Pancho [Magno]… all of them naman were very supportive.

“They were all there, and she [Carla] was one of them.

“She’s very supportive. She’s very happy.”



L.A. VISIT. Nakatakdang umalis patungong Los Angeles sina Tom at Carla dahil may show sila roon kasama ang iba pang Kapuso stars.

Kuwento ni Tom, “We will be there for… dire-diretso na pagpunta namin doon show kaagad. ‘Tapos balik ulit dito.

“So, I’m glad my parents will gonna be watching there din.”

Pagkakataon na ba ito para maipakilala niya si Carla sa mga magulang niya?

Nakangiting sabi ni Tom, “A… I see no problem doing that.

“Nagawa ko na ‘yon before. Nung ipinakilala ko si Dennis at si Carla sa kanila during My Husband’s Lover U.S. Tour.”

Pero bilang co-star ang pakilala niya kay Carla that time. Iba naman ngayon dahil nali-link sila ng aktres.

“Ganun?” nangiting muli si Tom

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag na nating ikahon sa mga ganun.

“Kung may man, siguro sa amin na lang.

“I am just enjoying what’s happening right now.

“Hindi ko iniisip yun, hindi ko pinaplano nang ganun.

“Wala akong inilalagay na labels o mga ano na… mas makakasira pa sa kung ano ang pagsasama namin ngayon.”

Nature na ni Tom na parang he’s full of surprises. Is he planning for something special para kay Carla pagdating nila sa L.A.?

“I don’t know… we’ll see.

“Hindi naman… kakasabi ko lang, ayokong magplano!” natatawang sabi niya.

Excited daw si Tom sa gagawin nilang show sa Los Angeles, at inaasahan niyang mai-entertain nila nang husto ang mga Pinoy doon.

“Basta marami silang aabngan sa show, sobrang kuwela.

“Kasi magkakasama kami doon… aside from Carla, kasama rin sa show si Julie Anne San Jose, Betong [Sumaya], at si Miguel Tanfelix.

“All of us will be there, we’ll make it fun.

“Party-party… lahat ng Kapusong Pinoy sa L.A.”



BIRTHDAY BOY. Sa October 1 ay magse-celebrate si Tom ng kanyang 27th birthday. Ano’ng plano niya?

Saad niya, “Hindi ako ma-birthday na tao, e.

“Usually my ideal birthday is to spend it with friends. Spend it with my family.

“Or kung wala man, I’ll spend it… magdu-drawing. Talagang relax, ganun.

“For the past three years, I’ve been spending my birthdays working.

“And I’m fine with that din. Okey lang naman.”

Maganda ang nangyayari sa career niya ngayon. May birthday wish pa ba siyang masasabi?

Sabi ni Tom, “Tinupad na ni God lahat, e.

“So, siguro hahayaan ko na lang Siya.

“Hindi naman Siya nagkulang sa mga ibinibigay Niya sa akin, e. He always surprises me.

“And everything he has given me, all the good, all the bad, e, naging instrumental kung nasaan man ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya hintayin ko na lang kung ano ang mga bagong blessings at biyaya Niya.

“Hindi ko kukuwestiyunin, hindi ako hihingi.

“Kasi alam ko naman na ibibigay Niya kung ano ang kailangan mo at the right time.”

Kung sakaling bigyan siya ng chance na humiling ng birthday gift mula kay Carla, ano ang gugustuhin niyang ibigay sa kanya ng aktres?

Diin niya, “Hindi ako ma-birthday gift na tao talaga, e. Kahit pamilya ko, alam nila yun, e.

“Puro sketch pad ang ibinibigay sa akin kapag birthday ko. Sobrang saya ko na nun.

“Walang nagbago.

“The only thing I could wish for para sa birthday ko is just happiness, and talagang health and safety for my family. Yun lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN