Dennis Trillo gains confidence after The Naked Truth appearance

Isa sa pinaka-highlight sa ginanap na The Naked Truth fashion show ng Bench Body ay ang pagrampa ni Dennis Trillo, kasama si Tom Rodriguez, nang naka-underwear lamang. Sabi ng Kapuso actor tungkol sa kanyang pagrampa, “Pinainit naming lahat dahil napakarami dun, e, almost half-naked lang. Pero, ayun, nakakatuwa. Sobrang proud kami na nakasama kami dun sa show na ‘yon. At nasiyahan yung mga tao sa mga pinaggagagawa namin sa stage.”


Parehong nag-trending sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez pagkatapos nilang rumampa nang naka-underwear lamang sa The Naked Truth, Bench Body fashion show, na ginanap sa MOA Arena noong Sabado, September 20.

Ibang Dennis at Tom ang bumungad sa mga nanood ng nasabing event.

Sa unang pagkakataon ay naging daring at sexy sila, at nakipagsabayan sa iba pang male celebrities sa pagpapakita ng hubad na katawan.

View Gallery: The Naked Truth: TomDen Fever Lives On

Pahayag ni Dennis tungkol dito, “Kasi nagkaroon kami ng mahabang oras para mag-prepare talaga ito sa event na ‘to.

“And ayaw namin na dumating ang araw na yun na pagsisisihan namin dahil minsan lang ‘yon.

“At first time din namin [ni Tom] pareho, kaya pinaghandaan namin talaga.

“And natuwa naman kami sa kinalabasan dahil mukhang natuwa naman yung mga nanood kagabi.

“Masaya sa pakiramdam na kahit na-reschedule ang event na yun ay marami pa ring nagpunta. Marami pa ring natuwa.

“Napakaraming naghirap para sa show na iyon… na nag-diet at nag-workout.”

Sabi nga ng ilan, pinainit nina Dennis at Tom ang lamig ng habagat na idinulot ng bagyong Mario.

“Ininit ba?” tawa ni Dennis.

“Pinainit naming lahat dahil napakarami dun, e, almost half-naked lang.

“Pero, ayun, nakakatuwa.

“Sobrang proud kami na nakasama kami dun sa show na ‘yon.

“At nasiyahan yung mga tao sa mga pinaggagagawa namin sa stage.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Dennis sa Sunday All Stars kahapon, September 21.



WHAT’S NEXT? Nasimulan na niyang maging daring at sexy sa Bench Body, kaya tiyak na mag-e-expect nang mas higit pa rito ang kanyang followers. So, what’s next?

Saad ni Dennis, “Hindi ko alam dahil first time ko pa lang naman ‘yon.

“Hindi ko naman sinasabi na iyon na ang last time na gagawin ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung may iba pang pagkakataon, baka ano…

“Dahil dun, kahit papa’no, nabuo yung confidence namin, nagkaroon kami ng lakas ng loob.

“So, kung meron mang susunod, bakit hindi?”

Dahil sinabi ni Dennis na nabuo ang confidence niya, itinuturing ba niya ang sarili na sexy?

Nakangiting sabi ni Dennis, “Maayos lang… hindi na nakakahiyang ipakita.

“Pero, alam mo ‘yon, siyempre dapat kasi huwag ka ring masyadong makampante palagi sa kundisyon mo.

“Kailangang lagi kang nagwu-workout. Lagi mong dinadahan-dahan kahit na off-season.

“Para anytime, ready ka palagi.”

Pagkatapos niyang rumampa nang naka-underwear lang, handa na rin ba siya para mag-pose sa billboards na iyon lang din ang suot?

“Palagay ko, oo!” tawa niya.

“Kasi yung libe na pagrampa, nagawa ko na, e.

“E, kapag billboard, isang camera lang ang katapat ko kaya mas kaya ko.”

Sa mga eksena kaya sa pelikula?

“Puwede na rin siguro… puwede na rin siguro,” sagot ni Dennis.



REACTION. Ano ang reaction ng mga inimbita niyang manood sa pagrampa niya sa The Naked Truth?

Ayon kay Dennis, “Medyo nagulat.

“Dahil bukod sa akin, napakarami pa ng ibang rumampa at mga daring yung mga pinaggagagawa nila.

“Medyo na-disorient sila nang konti.

“Oo, yung mommy ko at ang iba kong mga tita, nanood sila. So, medyo na-culture shock.

“Pero nag-enjoy naman sila. Sulit yung ibiniyahe nila na sobrang traffic.”

Inimbita rin ba niyang manood si Kris Bernal, na leading lady nila ni Rocco Nacino sa bagong primetime series ng GMA Network na Hiram Na Alaala?

“A… may lakad yata siya nun, e,” sagot ng Kapuso Drama King.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN