Charice overjoyed by reconciliation with mom, reunion with Oprah

Her cup runneth over as Charice brims with happiness over the success of her world tour, fence-mending with her mom, and homecoming with Oprah Winfrey.


Natuldukan na ang hidwaan sa pagitan ng mag-inang Charice at Raquel Pempengco.

Patunay nito, nang umuwi ang international singer noong September 6 mula sa kanyang limang buwang world tour ay sinalubong siya ng ina sa airport.

Sa panayam ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, September 21, ikinuwento ni Charice ang pagbabati nila ng ina.

“Actually, before pa po yung nangyari sa airport, nagkakausap na po kami ni Mommy.

"End of June po, doon po nag-start.

“Meron po akong email na hindi binubuksan, pero noong buksan ko, I saw two emails from her.

"At yung emails na yun, February [2014] pa po yata.

"Kinakamusta niya po ako, ganyan. Kinakamusta niya si Alyssa," pagtukoy ni Charice sa kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano.

Dagdag niya, “First time kong nakita na she mentioned her.

"I messaged her. I wasn’t sure kung magme-message siya ulit.

"Five minutes after, nag-reply na siya.

“At sabi niya nga, matagal na itong email at, yun, nagkamustahan kami and that night, nag-Skype kami.

“First time po na nagkita kami sa Skype at nakita pa lang namin ang isa’tisa.

"Talagang hello... alam mo yung feeling na wala nang awkwardness?"



HELLO, TITA RAQUEL. Nagkaroon din ba ng pagkakataon na magkausap noong gabing yun ang mommy niya at si Alyssa?

Sabi ni Charice, “Pagbukas pa lang namin ng Skype, hinanap na niya agad si Alyssa.

"Noong lumabas po si Alyssa, nakita na niya sa Skype.

"Sabi naman niya, ’Hello po, how are you po, Tita Raquel.’

“Gusto kong maging emotional, pero at the same time, ayokong maging dramatic.

"That time, gusto ko lang na nandoon ang happiness.

“’Tapos sabi niya nga po, busy raw siya [Mommy Raquel], kasi yung restaurant sa Cabuyao [Laguna].

"Natuwa po ako kasi kung meron siyang pangarap para sa akin noon, yun naman ang pangarap ko para sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon din kay Charice, noong gabing iyon ay napag-usapan nila ng ina ang mga nangyari sa kanila noon.

“Yung isang pagkakamali nga po namin, hinayaan namin ang ibang tao na magsalita sa tainga namin na pinakinggan namin.

“Siyempre, alam ko na nasaktan ko siya and I’m glad that everything happened.

"‘Cause everything made me and my mom more mature and open-minded."



MONEY MATTERS. Napag-usapan nila ang problema sa pera?

Pahayag ni Charice, “Alam niyo, with all the achievements before, parang yun ang iniisip nila.

"Maybe, kaya hindi maka-let go si Mommy... it’s way deeper.”

Napag-usapan at naresolba ba nila?

“Napag-usapan lahat, lahat in-open niya, e.

"This time, parang pinagtatawanan na lang namin.

“I think, hindi lang ako ang nagbago.

"I think, lahat, buong family... all of us changed."

Tinanong din ni Boy kung hindi ba nagkakaroon ng problema sa relasyon nina Raquel at Alyssa.

Sagot ng international singer, “Sabi niya, siyempre raw, talagang nagulat lang siya noon.

“Pero eventually, noong nakita niya na talagang hindi kami naghihiwalay, nag-joke siya sa amin, na para kaming Romeo & Juliet!

“Nakita naman daw niya na inaalagaan daw namin ang isa’t isa at nakayanan naming dalawa.”



HAPPIER. Ngayong maayos na silang mag-ina, paano naman siya bumabawi sa mga panahong hindi sila magkasama?

Saad ni Charice, “Ginagawa po namin ang mga dati naming ginagawa, pero this time, happier.

“Iba talaga ang bonding at saka, recently, ginawa namin ang private swimming [party].

"Kasi sinurprise namin ang birthday ng girlfriend ng kapatid ko.

"Nandoon kaming lahat, ’tapos nagsayaw-sayaw kami, partner-partner kami.

“And then, sinayaw ko siya.”

Naging memorable daw para kay Charice ang katatapos lang niyang world tour.

“Sobrang tine-treasure ko po ang world tour na yun.

"Dahil noong nandoon ako, doon kami nagkaayos ng family ko.

“Noong nag-tour ako, doon yung first time namin ni Alyssa na mag-isa sa isang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"All of a sudden, biglang nag-iba ang tingin namin sa buhay.

“After the show, yayakapin ko siya. Tatawagan ko si Mommy.

"Tapos na ang show, successful, soldout. Iba pa rin ang feeling."



NINANG OPRAH. Habang nasa world tour, nagkaroon si Charice ng one-on-one interview kay Oprah na ipalalabas sa October 19.

Kumusta ang naging interview nila ng "Ninang" Oprah niya?

Kuwento ni Charice, “Kinakabahan ako.

"Noong pagpasok ko sa studio, sabi ko, ’I’m nervous.’

"Sabi niya, ’Don’t be. This is your homecoming.’

“Sa studio kami nag-interview, so, it was more detailed, intimate.

"At saka yung interview kasi, parang it sounded na yun yung nag-come out ako sa U.S.

“She made me comfortable and I’m excited to see the interview, kasi ibang side naman.”

Kumusta sila off-cam?

“She hugged me and she said, ’I’m proud of you.’”



NEW ALBUM. Ano ang mga inaabangan niya ngayon?

Sagot ni Charice, “I’m looking forward to all the blessings.

"I couldn’t ask for anything more kasi parang nandito na lahat ng pinapangarap ko noon pa."

Ano ang kanta niya ngayon?

“It never changed, it’s still the same.

"It’s our song but this time, I won’t be crying.”

Ang naturang kanta ay ang OPM song na “Maghintay Ka Lamang.”

Samantala, posibleng sa isang taon daw ang susunod na labas ng bagong album ni Charice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN