Daniel Padilla admits authenticity of audio-video recording; Jasmine Curtis Smith admits exchanging text messages with Daniel

Sa magkahiwalay na panayam kahapon, September 22, parehong nagsalita sina Daniel Padilla at Jasmine Curtis Smith tungkol sa kontrobersiyal na audio-video recording na kumakalat ngayon sa Internet. Ayon kay Jasmine, nagkaka-text nga sila ni Daniel, pero ito ay tungkol lamang sa kanyang amang sumasailalim sa isang operasyon. Sa kanyang panig naman, sinabi ni Daniel na kaibigan niya ang nagpakalat ng naturang recording.


Nagsalita na si Jasmine Curtis Smith tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan kaugnay sa kumakalat na audio-video recording ng diumano’y pag-uusap sa pagitan ng young actor na si Daniel Padilla at isang kaibigan nito.

Laman ng sinasabing recording, na tumagal lamang ng 1 minute and 33 seconds, ang tungkol kay “Sam”—na diumano’y si Sam Concepcion—at ang tila natitipuhan at naka-text naman daw ni Daniel na si Jasmine.

Magkasama sina Daniel at Jasmine sa kasulukuyang sinu-shoot na pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Habang si Sam naman ang boyfriend ni Jasmine.

Read: Daniel Padilla on his alleged audio-video controversy: "Tuloy niyo lang ‘yan. Galingan niyo."

CONVERSATION ABOUT JASMINE’S DAD. Sa panayam ng TV Patrol kagabi, September 22, inamin ni Jasmine na nagkaka-text nga sila ni Daniel.

Pahayag niya, “He texted me to ask about my dad. All our conversations are all around about how’s my father was doing, kinamusta yung operation niya.”

Kasalukuyang nagpapagaling ang ama nina Jasmine at Anne Curtis na si James Curtis Smith mula sa isang operasyon.

Narinig na ba niya ang laman ng naturang kontrobersiyal na recording?

Sagot ng TV5 star, “I didn’t hear it properly. It was very muffled, so ano lang, ’Okay, people are thinking it was me, sige, kayo na lang bahala.’”

Dahil din dito, nakakatanggap ng pamba-bash si Jasmine mula sa maraming fans nina Daniel at Kathryn, na kung tawagin ay KathNiel, sa social media.

May ilan pa ngang KathNiel fans ang below the belt na ang sinasabi tungkol sa kanya.

Apektado ba siya sa bashers?

Tugon ni Jasmine, “I don’t want to interfere with DJ’s relationship with Kathryn, and I’m just trying to be friendly in this industry.”

"DUN LANG AKO NAGKAMALI..." Sa panayam naman niya sa Aquino and Abunda Tonight, kagabi rin, nagbigay na rin ng paliwanag si Daniel tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ng Kapamilya Teen King na siya nga ang nasa audio-video recording.

Aniya pa, “Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng ganitong problema. Nagpapasalamat ako dahil natututo ka sa mga pagkakamali.”

Kinumpirma rin ni Daniel na kaibigan niya ang nag-record at nagpakalat ng naturang recording, na labis daw niyang ikinadismaya.

Saad pa niya, “Wala e, ganun talaga, e.

"We are not really that close, pero still a friend.

"Pero ganun talaga, e, kahit kanino nangyayari...

"Diyos nga, ’di ba, inano nga, e, ako pa?”

Nagpapasalamat din si Daniel sa suportang natatanggap niya sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan.

Nakilala rin daw niya ang mga totoong taong nakapalibot sa kanya dahil sa insidenteng ito.

Samantala, naipaliwanag naman daw ni Daniel ang lahat sa ka-loveteam na si Kathryn Bernardo at naintindihan naman daw nito ang sitwasyon.

Sabi pa niya, "Nagpapasalamat ako dahil pinatawad niya ako.

"Dun lang ako nagkamali... lalaki ako, e.

"Huwag na po tayong mandamay ng ibang tao, dahil ako na po mismo nalulungkot.

"Yung mga nang-aano sa social network, tigilan po natin, hindi po maganda.

“Kung may sisisihin dito, ako lang siguro yun, kaya ako na lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN