Andi Eigenmann confirms breakup with Jake Ejercito

Andi Eigenmann on possibility of reconciliation with Jake Ejercito: “Never say never. Para sa akin, it’s always a matter of choice. If we want to fix things out, we can. But I guess everything happens on its own time, and right now is not the right time."


Kinumpirma ni Andi Eigenmann na break na sila ni Jake Ejercito pagkatapos ng ilan taon ding on-again and off-again relationship nila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Andi, sa unang gabi ng Mark Gil: Restrospective, na ginanap sa Cinema 5, Greenbelt 3, Makati City, noong September 22, ay inihayag niya ang saloobin sa natapos nilang relasyon ni Jake.

Inamin ng Kapamilya actress na labis siyang nasaktan sa breakup nila ni Jake, dahil halos magkasunod lang ito at ang pagpanaw ng kanyang amang si Mark Gil.

Saad niya, “Sobrang sakit, pero I’m not gonna dwell on something that shouldn’t be important.

“Nung nangyari yun, ang iniisip kong gawin was, like, do not waste my time on something that doesn’t treat me of any importance.

“There are lot of things that I am going through, more important, and that deserve more of my attention and my love, and also that is where my focus is.”

Kamakailan ay kumalat sa social media ang larawan si Jake na may kahalikang ibang babae.

Sabi ni Andi tungkol dito, “Actually, the pictures came out, malabo na talaga kami.

“Pero, yun lang, masakit, pero wala tayong magagawa. It happened already.

“Nag-usap na kami, so I know the story, but still…”



INFIDELITY. Gaano ba kahalaga sa kanya ang loyalty at fidelity sa isang relasyon?

Tugon ni Andi, “Yes, important for me.

“When I was doing A Secret Affair, lagi nila akong tinatanong about infidelity.

“Ako naman, lagi kong sinasabi, ang love talaga, iba ang love.

“’Pag mahal mo ang isang tao, dapat kahit anong pagsubok pa ang pagdaanan ninyo, pagdadaanan ninyong magkasama, as long as you’re sorry, as long as you’re sorry from your mistakes.

“I would really love to forgive, but I’m not ready.”

Ngunit sa kabila ng nangyari sa kanila, hindi pa naman tuluyang isinasara ni Andi ang anumang posiblidad, lalo’t malalim at ipinaglaban talaga nila ni Jake ang kanilang relasyon dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Never say never.

“Para sa akin, it’s always a matter of choice.

“If we want to fix things out, we can.

“But I guess everything happens on its own time, and right now is not the right time.

“I just really need space for now.

“My dad has just passed away and all I want is my own space. “

Naging dahilan noon ng tampuhan ni Andi at ng kanyang inang si Jaclyn Jose ang tungkol kay Jake. Anong payo ang ibinigay sa kanya ng ina pagkatapos ng mga nangyari?

Saad ni Andi, “Ang sinabi lang ng mommy ko, huwag ko nang saktan ang sarili ko.

“I should be smarter and I should put myself first.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN