Daniel Padilla apologizes for leaked audio-video recording

Daniel Padilla on his recent controversy: “Talagang lahat pinagdadaanan ‘yan. Isipin na lang natin na may mga tao pa na mas malala ang problema kaysa sa akin. Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng ganitong problema. At least, ako, tumatag ako lalo sa pagdarasal, lalong naano yung faith ko sa Diyos. Nagpapasalamat ako dahil natututo ako sa mga pagkakamali."


Kung noong una ay iwas pang sagutin ni Daniel Padila ang isyu tungkol sa kontrobersiyal na audio-video—kung saan dinig ang pakikipag-usap ng young actor sa kanyang kaibigan tungkol sa pagti-text sa kanya ng isang babae—ay hinaharap na niya ito ngayon.

Inamin ni Daniel na siya nga ang isa sa mga nagsasalita sa naturang audio-video.

Pahayag niya, “Talagang lahat pinagdadaanan ‘yan.

“Isipin na lang natin na may mga tao pa na mas malala ang problema kaysa sa akin.

“Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng ganitong problema.

“At least, ako, tumatag ako lalo sa pagdarasal, lalong naano yung faith ko sa Diyos.

“Nagpapasalamat ako dahil natututo ako sa mga pagkakamali.

“Wala, e, ganun talaga, kahit kanino nangyayari ‘yan.

“Diyos nga, ‘di ba, inano pa? Ako pa?”

Totoo bang isang kaibigan niya ang nagpakalat ng naturang audio-video sa social media?

Sabi ni Daniel, “We’re not really that close, but still a friend.

“Nangyayari talaga… hindi ko naman alam, baka sa isang kaibigan, pero okay lang yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa ticket selling ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2014, sa Smart Araneta Coliseum, noong Lunes, September 22.



MOM KARLA. Ang sobrang naapektuhan daw sa isyung ito kay Daniel ay ang kanyang inang si Karla Estrada, kung saan tinawag pa nitong “demonyo” ang sinumang nagpakalat ng audio-video recording ng anak.

Reaksiyon dito ni Daniel, “Lagi namang ganun yun. Kahit ano, laging affected yun.

“Kahit yung kapatid ko… napikon si JC dahil may mga nag-ano na pati si Mama idinamay. Napikon si JC.

“Sabi ko, ‘Hayaan mo na Jayce, hindi naman tayo ang mapupunta sa impyerno.’”

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Daniel sa mga taong sumuporta at hindi bumitiw sa kanya sa kabila ng lumabas na isyu.

“Sobrang thankful na ang dami kong nakita na mga totoong tao sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa lahat ng sumuporta sa akin, I’m really thankful.

“May request lang pala ako sa lahat ng mga taong ibang nasangkot, tigilan po natin, huwag na po nating idamay dahil ako po mismo ang nahihiya dahil hindi naman sila dapat madamay.”

Maaaring isa sa tinutukoy ni Daniel ay si Jasmine Curtis Smith, na sinasabing babaeng tinutukoy ng young actor sa audio-video na nag-text sa kanya at ikinakilig ng kanyang “tumbong.”

Dahil dito ay katakut-takot na pamba-bash ngayon ang natatanggap ni Jasmine mula sa mga masugid na tagahanga ng loveteam nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Hindi kaya maapektuhan nito ang working relationship nina Daniel at Jasmine sa pelikulang Bonifacio?

Tugon ng Kapamilya star, “Wala, wala, wala… Sabi ko nga, misunderstanding, kaya okay naman.”



TIGHT EMBRACE. Tinanong din ng PEP si Daniel kung ang pagyakap ba niya nang mahigipt kay Kathryn sa The Naked Truth, Bench denim and underwear fashion show, noong September 20, ay paghingi niya ng tawad sa kapareha dahil sa isyung kinasangkutan niya.

Pahayag ng 19-year-old actor, “Lahat naman tayo, alam naman natin na nalungkot si Kathryn dahil misunderstanding.

“In-explain ko na lahat at naintindihan niya naman.

“Yung yakap na yun ay pasasalamat na pinatawad niya ako, at kami ay back to normal kaya masayang-masaya ako.

“Wala, e, dun lang ako nagkamali, lalaki ako.”

Halata rin daw na malungkot si Kathryn noong um-attend sila sa 4th Eduk Circle Awards noong Linggo, September 21, kung saan pareho silang pinarangalan.

Ito ay dahil din ba sa kinasangkutang isyu ni Daniel?

Saad niya, “Dapat ba tumatalun-talon sa stage?

“Ganito ‘yan, si Kathryn, kahapon, hindi siya malungkot.

“Wala naman tayong magagawa, hindi naman puwedeng buong maghapon kang nakangiti.

“Saka binibigyan kasi ng meaning ang lahat ng bagay.

“Huwag nating i-overthink ang mga bagay na ‘di naman natin kailangan.

“Sa ngayon, huwag na po tayong mandamay ng ibang tao dahil ako mismo nalulungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga nang-aano sa mga social network, tigilan natin, hindi siya maganda.

“Kung may sisisihin dito, ako na lang po, huwag na po yung iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN