Tia Pusit’s condition worsens after double heart bypass surgery

Mas lumubha pa raw ang kalagayan ng komedyanang si Tia Pusit matapos ang operasyon nito sa puso noong September 9. Nananawagan pa rin ang pamilya ni Tia Pusit ng taimtim na dasal para sa kanya.


Humihiling ng mas taimtim pang dasal ang pamilya ni Tia Pusit—o Myrna Villanueva sa totoong buhay—matapos ang naging double heart bypass surgery nito noong September 9.

Read: Tia Pusit undergoes double bypass surgery; family seeks financial help and prayers

Hindi kasi bumuti ang kalagayan ng 64-year-old comedienne matapos ang operasyon nito sa Philippine Heart Center.

Ayon sa ipinadalang mensahe ng anak ni Tia Pusit na si Christian Uybengkee sa media organizations, mas lalo pa raw lumala ang kalagayan ng ina.

Saad nito, "Dear friends of tia pusit. 2 weeks ago after her operation. Her situation has worsen. She has 2 episodes of stroke, blood clots with little brain activity.

“Worst her kidney too is failing rapidly. Please pray for her. Shes at the phil heart center, east ave medical icu 4th floor room 428 if in case you want to visit her. Thank you."

Ayon naman sa ulat ni MJ Marfori ng News5, naka-life support na lang ngayon si Tia Pusit.

(Photo courtesy: News5)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN