Bench apologizes for offensive portrayal of women in The Naked Truth

An excerpt from Bench’s official statement: “We at Bench apologize to the public for all the offensive elements of the show, The Naked Truth."


Pormal na humingi ng dispensa ang Bench clothing brand para sa lahat ng nakakaeskandalong elemento na naipalabas sa The Naked Truth denim and underwear fashion show noong September 20.

Ito ay matapos almahan ni dating Gabriela Women’s Party List Representative Liza Maza ang isang segment kung saan rumampa si Coco Martin na may hawak na lubid na nakatali sa leeg ng isang foreign female model.

Kapansin-pansin ding balot ng damit ang Kapamilya actor, habang ang babaeng modelo ay nakasuot ng skimpy underwear.

Malinaw na labag daw ito sa probisyong nakapaloob sa Republic Act 9710 o Magna Carta of Women, na naglalayong magkaroon ng “non-discriminatory and non-derogatory portrayal of women in media and film.”

Sabi pa ni Maza sa kanyang Facebook post kahapon, September 23, “Bench should be held accountable for this degrading and dehumanizing portrayal of women and should apologize.”

Ilang oras matapos kumalat sa social media ang panawagan ni Maza at ng grupong Gabriela, agad namang nagbigay ng pahayag ang Bench at nangakong mas magiging maingat sila sa pagprotekta ng dignidad ng kababaihan sa mga susunod nilang fashion shows.

Ito ang opisyal na pahayag ng Bench sa kanilang Facebook at Instagram account kahapon:

“We at Bench apologize to the public for all the offensive elements of the show, ’The Naked Truth.’

“We will take all these concerns seriously and will serve as a lesson learned when we plan our next show.

“We at Bench shall continue to uphold the dignity of women and our commitment will remain so.”

Ngayong araw, September 24, nagpasalamat si Maza sa netizens na nagpahayag ng protesta laban sa “dehumanization, objectification, and commodification of women in the Bench show.”

Nanawagan din siya sa publiko na patuloy na maging mapagmasid, lalo na sa mga maling paglalarawan sa mga kababaihan sa mass media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN