Jeric Gonzales wary of wild crowd at Cosmo Bachelor Bash tonight

Jeric Gonzales admits he once paraded in swimming trunks to win a contest. He says, "Malakas lang ang loob ko noon kasi hindi naman tayo artista dati. Wala namang celebrity sa amin noon kaya medyo behaved ang audience."


Masaya ang Protégé: The Big Artista Break winner at Kapuso young actor Jeric Gonzales sa malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan.

Pagkatapos ng tatlong buwan na training at diet, nakuha na ni Jeric ang tamang pangangatawan at handa na raw niyang ipakita ito sa kauna-unahan niyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash.

Magaganap ito mamayang gabi, September 24, sa World Trade Center, Pasay City, kunsaan makakasama niya ang iba pang hunks mula sa mundo ng showbiz, fashion, at sports.

Malaking achievement daw sa isang baguhang tulad niya ang mapabilang sa 69 Cosmopolitan Bachelors of 2014.

“Tamang-tama lang po kasi nagte-training na ako that time noong sabihan nila ako na kasama ako sa Cosmo Bachelor Bash this year.

“Natuwa naman po ako kasi it will be my first time at talagang hinahanda ko na ang sarili ko physically.

"May six-pack abs na po ako. Makikita nila ‘yan sa Cosmo Bachelor Bash kasi shirtless akong lalabas sa stage,” saad ni Jeric nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng GMA primetime series na Strawberry Lane.

NOTHING NEW. Hindi naman na raw bago kay Jeric ang rumampa sa entablado na shirtless dahil bago siya mag-showbiz ay sumali na siya noon sa isang male pageant noong 2012, ang Ginoong Laguna, at mas daring pa raw ang suot niya rito.

“Dito sa Cosmo, naka-jeans lang ako.

"Noong sumali ako sa Ginoong Laguna, swimming trunks lang ang suot ko habang naglalakad sa stage.

“Kaya hindi na ako kabado na rumampa na walang shirt kasi mas matindi pa ang ginawa ko noon.

“Malakas lang ang loob ko noon kasi hindi naman tayo artista dati.

"’Tsaka contest po iyon. Okey naman kasi naging second runner-up ako."

Magagawa ba niyang rumampa ulit nang naka-swimming trunks lang?

Sagot ni Jeric, “Parang hindi ko na maisip na gagawin ko ulit iyon ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malakas lang talaga ang loob ko noon.

“Unless siguro kunin po akong endorser ng isang brand ng underwear, baka puwede pa!”

GIMMICK. Mas kinakabahan daw si Jeric sa magiging reaction ng crowd ng Cosmo Bachelor Bash.

“Sabi nga po nila, wild ang audience tuwing Cosmo Bachelor event.

"At kailangan may gawin kang gimik para mapansin ka nila.

“Wala pa naman akong naiisip na gimik. Baka doon ko na mismo maisip ang gagawin ko para maging memorable ako sa crowd.

“Hindi ko naman maku-compare ang audience ng Cosmo sa audience noong sumali ako sa Ginoong Laguna.

“Wala namang celebrity sa amin noon kaya medyo behaved ang audience. Palakpak lang ang naririnig ko noon.”

Handa na ba si Jeric sa sexy pictorials after ng Cosmo Bachelor Bash?

Sagot niya, “Bahala na po ang GMA Artist Center diyan.

"If they feel na ready na ako na para sa mga sexy photo shoots, paghahandaan ko pa nang husto para naman hindi ako kahiya-hiya.

“Wala naman pong masama kung i-try natin mag-iba ng image.

"Para makita nila na nag-mature na po ako.”

Makakatulong din daw ang pagbabago ng pangangatawan ni Jeric para mabigyan siya ng iba’t ibang roles sa TV at pelikula.

Pahayag niya, “Hindi ko naman nahihiyang aminin na medyo tumaba tayo especially after noong Protégé in 2012.

"Nagpabaya tayo kaya medyo lumobo tayo.

“Ngayon, okey na po ako.

"Maintained na ang weight ko at tuluy-tuloy lang po ang gym at diet natin.

“Hindi na kasi tayo teenager, 22 years old po ako, and kailangan may pagbabago an sa akin.

“Inuna ko muna ang katawan ko.

"Marami kasi ang nagsasabing okey ang height ko, pero kulang ako sa muscles.

"Medyo chubby rin ako. Kailangan daw well-toned ang katawan ko.

"Kaya kumuha po ako ng trainer at talagang pinahirapan niya ako to get into shape."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM DATE. Zero ang lovelife ngayon ni Jeric dahil hindi na raw niya tinangkang i-pursue ang panliligaw sa co-winner niya sa Protégé na si Thea Tolentino.

May nauna na raw kasi sa kanya. Ito ay ang kasamahan din nila sa Protégé na si Mikoy Morales, na naging special guest ni Thea noong nag-debut ito last month.

Ayon kay Jeric, “Hindi ko po alam kung sila na, pero masaya silang dalawa kapag magkasama sila.

“Happy naman ako for Thea and Mikoy, kung totoo ngang may relasyon na sila.

“Bagay naman sila kasi pareho silang mahilig sa music.

"Songwriter si Mikoy at singer naman si Thea. So, match talaga sila.”

May mga idine-date namang non-showbiz girls si Jeric. Pero kung may dream date daw siya, ito ay ang Kapamilya stars na sina Liza Soberano at Jessy Mendiola.

“Dream date lang naman, siyempre kilala ko na ang mga girls dito sa GMA.

"Wala naman sigurong masama kung pangarapin kong i-date ang mga girls sa kabilang network.

“Type ko ang mga tisay at mga tipo nga nina Liza at Jessy ang mga gusto kong i-date.”

Bukod sa TV series na Strawberry Lane, kasama rin si Jeric sa pelikulang Dementia na pinagbibidahan ni Ms. Nora Aunor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN