John Prats organizes a flash mob to propose to girlfriend Isabel Oli

Sina John Prats at Isabel Oli ang bagong dagdag sa listahan ng celebrity couples na na-engage ngayong taon. Ngayong gabi, September 24, ay nag-propose na si John, 30, kay Isabel, 32, sa Eastwood Citywalk, sa Quezon City.


Sina John Prats at Isabel Oli ang bagong dagdag sa listahan ng celebrity couples na na-engage ngayong taon.

Kani-kanina lamang, September 24, ay nag-propose na si John, 30, kay Isabel, 32, sa Eastwood Citywalk, sa Quezon City.

Ayon sa salaysay ni Charisse Santillan-Tinio ng Nice Print Photography sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, ang buong akala ni Isabel ay magsa-shopping lang sila ni Camille Prats, nakababatang kapatid ni John.

Habang naglalakad ay nakita nila ang maraming tao sa gitna ng Eastwood Citywalk kaya nakiusyoso ang dalawa.

Nakita nila ang maraming taong nagsasayaw, ngunit nagulat si Isabel nang lumabas si John at nakisayaw rin.

Pagkatapos nito ay ipinalabas na sa higanteng video wall ang mensahe ni John para kay Isabel na sinundan ng fireworks sa paligid ng mall.

Nang matapos ang fireworks ay lumuhod si John sa harapan ni Isabel at inilabas ang isang maliit na kahon na naglalaman ng singsing.

Dito na nag-propose si John, at umiiyak namang sinagot siya ni Isabel ng "Yes!"

Photo: Nice Print Photography


Bukod sa kani-kanilang pamilya, naging saksi rin sa proposal ni John kay Isabel ang mga kaibigan nila; kabilang na sina Sam Milby, Angelica Panganiban, at Chynna Ortaleza.

Ang iba pa nga sa kanila ay nag-post ng larawan ng nasabing proposal sa kani-kanilang Instagram accounts.


Nitong mga nakalipas na buwan ay hindi nawawala sa interviews nina John at Isabel ang mga tanong tungkol sa proposal.

At natuldukan na ito ngayon dahil sa wakas ay nag-propose na nga si John kay Isabel pagkatapos ng pagiging magkasintahan sa loob ng halos dalawang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN