Robin Padilla on Daniel Padilla’s leaked audio-video recording: "Biktima yung pamangkin ko ng mga pekeng kaibigan."

“Sana kung meron tayong dapat sisihin sa nangyaring ito, e, yung traydor na kaibigan. Hindi si Daniel, hindi si Jasmine [Curtis Smith], hindi si Kathryn [Bernardo]. Lalo si Kathryn," says Robin Padilla when asked about nephew Daniel Padilla’s controversial phone conversation with a friend about Jasmine.


Ipinagtanggol ni Robin Padilla ang pamangkin na si Daniel Padilla sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng teen actor ngayon.

Kaugnay ito ng pagkalat ng audio-video recording ng pakikipag-usap ni Daniel sa isang kaibigang lalaki sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono.

Dito ay madidinig na ikinukuwento ng teen actor ang pakikipag-text niya sa isang taong hindi pinangalan, ngunit base sa espekulasyon ng nakarinig ng recording ay si Jasmine Curtis Smith.

Si Jasmine ay co-star ni Daniel sa pelikulang Bonifacio, na pinagbibidahan ni Robin.

Mismong si Daniel ang nagkumpirma na kaibigan niya ang nagkalat ng naturang recording, na tumagal ng isang minuto at 33 segundo, sa social media.

Read: Daniel Padilla admits his fault: "Lalaki ako, e."

Si Daniel ay onscreen partner ni Kathryn Bernardo, habang si Jasmine ay karelasyon si Sam Concepcion.

Pahayag ni Robin tungkol sa naturang insidente, “Kawawa si Daniel. Ang mga biktima kasi dito, para sa akin ha, biktima yung pamangkin ko ng mga pekeng kaibigan.

“Pangalawa, biktima rin dito si Jasmine.

“Biktima rin dito si Kathryn, dahil sa isang kaibigang traydor.

“Sana kung meron tayong dapat sisihin sa nangyaring ito, e, yung traydor na kaibigan.

“Hindi si Daniel, hindi si Jasmine, hindi si Kathryn. Lalo si Kathryn.”

BOYS TALK. Paliwanag pa ni Robin, may mga usapang sa pagitan ng mga magkakaibigang lalaki na dapat ay nanatiling pribado lamang.

Aniya, “Kasi may mga bagay na private, e. May mga bagay na usapang lalaki.

“Hindi naman alam ni Daniel na nahahaluan ng hindi lalaki.”

Kaya naman pinayuhan ni Robin si Daniel na maging maingat sa pagpili ng mga taong dapat pagkatiwalaan.

“Mag-iingat ka, anak. Nasa mundo ka na hindi mo alam kung sino ang tunay mong kaibigan.

“Yung mga usapang lalaki, kami na lang [kapamilya mo ang] isama mo diyan. Huwag na sa iba.”

Nakapanayam si Robin ng selected press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa block screening ng pelikulang Dementia, na pinagbibidahan nina Nora Aunor at Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang screening sa SM The Block Cinema 2 ngayong gabi, September 24.

NOTHING BUT ADMIRATION. Tiyempo namang nakaupo sa likod ni Robin si Jasmine sa loob ng sinehan, kaya’t saglit na bumati ang Kapatid actress sa una.

Sa puntong iyon, lumingon si Robin kay Jasmine at pabirong sinabi ng aktor patungkol sa tila paghanga ni Daniel kay Jasmine, “Masisisi ko ba?”

Sang-ayon din si Robin na natural sa isang tunay na lalaki na makaramdam ng paghanga sa isang babae.

“Sa edad ni Daniel, kapag hindi siya humanga sa mga kababaihan, e, may problema.

“Hindi siya sa akin nagmana nun! Baka kay BB siya nagmana!

“Mabuti yun. Para sa akin, mabuti naman!” natatawang biro ulit ni Robin, kung saan binanggit niya ang kapatid na si BB Gandanghari.

Sa huli, nanawagan si Robin na tigilan ng bashers ang paninira kay Daniel at sa iba pang sangkot sa isyu.

May ilan kasing netizens ang nadismaya sa tinaguriang Kapamilya Teen King, lalo pa’t alam ng publiko na may espesyal silang pagtitinginan ni Kathryn.

Saad ni Robin, “Huwag natin husgahan ang bata. Bata yun, e.

"Hindi po natin puwede sabihin na siya ay nasa hustong gulang na.

“Mas lawakan din naman natin ang ating pag-intindi sa ating idol.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN