Benjamin Alves shows butt at Cosmo Bachelor Bash 2014

Isa sa pinalakpakan nang husto sa Cosmo Tower 69 Bachelor Bash ay ang Kapuso actor na si Benjamin Alves. Nagpakita kasi ito ng kanyang puwet sa kanyang pagrampa. (To watch highlights of Cosmo Bachelor Bash 2014, CLICK HERE)


Ginulat ni Benjamin Alves ang marami sa kanyang pagpapakita ng puwet sa Cosmo Tower 69 Bachelor Bash 2014 ng Cosmopolitan Magazine, kagabi, September 24.

Ginanap ang taunang rampahan ng 69 modelo at mga artistang lalaki sa World Trade Center, Pasay City.

Kabilang si Benjamin sa "executives" na rumampa noong gabing iyon.

Sa simula ng pagrampa ng "board member" na si Benjamin ay naka-office attire pa siya.

Pero sa gitna ng kanyang performance, nagsimula nang magtalop ng ilang bahagi ng kanyang saplot ang 25-year-old Kapuso actor.

Hanggang sa ibaba niya nang bahagya ang suot niyang shorts at tumambad ang bahagi ng kanyang puwet.


(To watch highlights of Cosmo Bachelor Bash 2014, CLICK HERE)

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media pagkatapos ng show, sinabi nitong wala naman talaga sa plano niya ang pagpapakita ng behind.

Aniya, “You know, it doesn’t matter, it just... whatever comes, e, you know?

“I had a thing popped in my head when we’re sitting down.

"And when the crowd showed that kind of energy, you wouldn’t let them down.

"So, I’m glad and hope everyone enjoyed it."



NO DIET. Marami ang nagtilian sa kanyang ginawa dahil bukod pa sa mapangahas niyang performance, maganda rin ang hubog ng kanyang katawan.

Pero hindi raw siya nag-diet talaga dahil malaking tulong sa pagganda ng kanyang postura ang training sa triathlon.

Aniya, “Nakatulong siya bilang nasa kundisyon na you don’t have to diet so much.

"Kasi you’re always running, biking, you’re goal for the win. Physical siya.

“Yun lang naman.

"Of course, you’re doing a Cosmo Bachelor ramp… once a year, it’s a big event as everyone can see.

"So you have to do some diet, which I never do.”

Talaga bang magpapa-sexy na siya dahil sa tapang na ipinakita niya sa kanyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang tugon ni Benjamin, “You know, whatever [project] they gave me, whether it’s sexy, whatever, strike it while it’s hot.”

Wala naman daw special someone na inimbitahan si Benjamin sa show.

Nagpapasalamat naman ito sa suporta ng ilang GMA executives na nanood ng palabas.

Pagtatapos niya, “The day is almost done so I’m off from office now.”

View Gallery: Cosmo Tower 69 Board of Centerfolds


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN