Geoff Eigenmann proudly flaunts bulge at Cosmo Bachelor Bash 2014

First time daw ni Geoff Eigenmann na rumampa sa stage na underwear lamang ang suot. Nagsisilbi na ring hudyat ng kanyang showbiz comeback ang pagrampa sa taunang Cosmo Bachelor Bash. (To watch highlights of Cosmo Bachelor Bash 2014, CLICK HERE)


Isa sa mga tinilian nang husto sa Celebrity Centerfolds ng Cosmo Bachelor Bash 2014—na tinaguriang Executive Board Members ng Tower 69—ang Kapuso actor na si Geoff Eigenmann.

Mula sa matagal-tagal nitong pamamahinga sa showbiz, marami ang namangha sa naging performance ng 29-year-old actor kagabi, September 24, sa World Trade Center, Pasay City.

Mula sa suot nitong pang-opisina, bigla na lamang naghubad si Geoff kung saan tanging boxers na lang ang natira niyang suot.

Hindi naman magkamayaw ang libu-libong nanood sa loob ng venue sa kanilang nasaksihan.

Marami kasi ang sumisigaw na “gifted” ang ex-boyfriend ni Carla Abellana.


(To watch highlights of Cosmo Bachelor Bash 2014, CLICK HERE)

Kapansin-pansin din ang maaliwalas na mukha ng aktor, lalo pa’t ilang araw bago ang Cosmo Bachelor Bash ay natatakpan ang kanyang guwapong mukha ng makapal na balbas.

Ngunit ngayon ay clean-looking na si Geoff.



"IT MAKES YOU DO BETTER." Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa Kapuso actor pagkatapos ng kanyang pagrampa, sinabi nitong wala naman siyang inspirasyon sa pagpapaganda ng katawan.

“Wala namang inspirasyon, just to better yourself physically.

"All I can say is singlehood must be good and, yeah, this is the result.

“Pero kulang pa for me... masaya naman.”

First time ba niyang nag-underwear sa pagrampa?

Sagot ni Geoff, “Yes, yes.

“Pero I did a shoot before, pero never ako nag-attend ng Bash, so this is the first time.

"It’s a different kind of experience so I’m glad that I was able to do it and masaya ako sa nakita kong reaction ng tao."

Ano ang pakiramdam niya na kahit matagal siyang nawala sa limelight ay ganun pa rin ang init ng pagtanggap ng mga tao sa kanya?

Masayang tugon ni Geoff, “Just hearing them screaming, pati yung mga tao sa likod, that alone, what you have said, nabubuhayan ka, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So it makes you do better."

Handa na ba siyang tumanggap ng sexy roles?

“Never naman akong nagkaproblema when it comes to that, but I guess, before, I wasn’t that physically prepared.

"Pero, I guess, it could be the start of something new."

May dalawang proyekto raw na nakatakdang gawin si Geoff sa GMA, kabilang na ang pagtatambalan nila ni Louise delos Reyes na Seasons of Love.

View: Cosmo Tower 69 Board of Centerfolds



ON EX-GF CARLA ABELLANA. Sa kabilang banda, hindi naman maiwasang matanong muli si Geoff tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Carla Abellana.

Naka-move on na ba talaga siya mula sa hindi magandang hiwalayan nila?

Sagot ng aktor, “Matagal na.

“I would have not done tonight if I didn’t… if I wasn’t sure of myself to show up, so matagal na.

“For me, it’s all in the past. There’s no point in digging it up.

"Hindi ako nagsalita dati, I won’t talk now… up to now."

Ano naman kaya ang masasabi niya sa kontrobersiyal na statement ni Carla sa panayam sa kanya ng PEP noong Agosto, kung saan sinabi niyang napatawad na niya ang ex-boyfriend dahil napapatawad din ng Diyos ang "demonyo"?

Seryosong tugon ni Geoff, "I’m here to talk about the [Cosmo] Bash, and everything else is non-existent, to me, it’s all in the past."

Read: Carla Abellana on forgiving ex-boyfriend Geoff Eigenmann: “Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN