Former PBB Teen housemate Bret Jackson confirms courting Andi Eigenmann

Kinumpirma ng dating Pinoy Big Brother Teen housemate na si Bret Jackson na nililigawan niya si Andi Eigenmann, at inamin din nitong mahal niya ang ex-girlfriend ni Jake Ejercito.


Bulung-bulungan ngayon sa showbiz na may iba nang nagpapatibok ng puso ni Andi Eigenman matapos niyang makipaghiwalay sa on and off boyfriend na si Jake Ejercito.

Kinumpirma ni Andi ang breakup nila ni Jake sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News na lumabas kahapon, September 24.

Read: Andi Eigenmann confirms breakup with Jake Ejercito

Noong Linggo, September 21, may nagpadala sa PEP ng larawan nina Andi, 24, at Brett Jackson, 23, kasama ang ilang mga kaibigan, kabilang na ang best friend ni Bret na si James Reid.

Magkasama noon sina James at Bret sa reality show ng ABS-CBN Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010.

Kagabi, September 24, magkasamang dumating sa World Trade Center, sa Pasay City, sina Andi at Bret.

Nanood ang dalawa sa Cosmo Tower 69 Bachelor Bash 2014 ng Cosmopolitan Magazine, kung saan rumampa si James at ang pinsan ni Andi na si Geoff Eigenmann.

Ayaw magpakuha nina Andi at Bret ng litrato na magkasama silang dalawa.

(Photo by: Allan Sancon)

Matapos nito, humingi ng permiso ang PEP na makapanayam sila at nagpaunlak naman ang dalawa.

Bungad naming tanong kung kumpirmasyon na ba ang pagpapakita nila sa publiko na mayroon na ngang namamagitan sa kanila.

Natatawang sagot ni Andi, “Hindi, wala akong kinu-confirm!

“Bawal bang maging magkasama? He’s here for his best friend and I’m here to support my kuya.”

Nang tanungin naman kung naka-move on na siya sa breakup nila ni Jake, sinabi ni Andi na mahirap magsalita sa ngayon.

Kumusta naman si Bret?

Tugon ng Kapamilya star, “Nothing but nice to me.”

Nanliligaw ba ito sa kanya?

Muling tumawa si Andi at nagsabing si Bret na lamang ang aming tanungin tungkol dito.

Kaya binalingan ng tanong ng PEP si Bret, na isang Amerikano.

“Yes,” ang maiksi niyang tugon kung nanliligaw nga ba siya kay Andi.

Mahal ba niya si Andi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Bret, “Oo naman.”

Ano naman ang masasabi ni Andi na mahal daw siya ni Bret?

Nakangiti nitong tugon, “Thank you. Yun lang.”

Pero diin ni Andi, “Oo, [hindi pa kami], huwag tayo magmadali.”

Natuto na ba siya sa mga naging problema niya sa pag-ibig dulot ng relasyon nila ni Jake?

Seryosong sagot ni Andi, “Trying.”

View Gallery: #PEPspotted: Andi Eigenmann seen with Bret Jackson at Cosmo Tower 69


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN