Vin Abrenica surprised by brother Aljur’s appearance at Cosmo Bachelor Bash

Vin Abrenica on supporting brother Aljur over his complaint against GMA: “Nag-uusap kami palagi. At para sa amin ngayon, unti-unti na naming nasu-solve ang mga problema niya at lahat naman ng problema niya, palagi akong nandoon para sa kanya.”


Pangalawang beses nang rumampa ng Kapatid star na si Vin Abrenica sa Cosmo Bachelor Bash, ngunit mas espesyal daw ang naging pagrampa niya sa Cosmo Tower 69 kagabi, September 24.

Ito ay dahil sa sorpresang pagsulpot ng kuya niyang si Aljur Abrenica habang rumarampa siya.

Kuwento ni Vin, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng Cosmo Bachelor Bash sa World Trade Center, “Yung first, I had a great time. I was able to show off kung ano ang pinaghirapan ko.

“This one is extra-special for me kasi ang laking sorpresa.

“Last time, nakasama ko si Kuya, and now, medyo nalulungkot ako, siyempre wala siya.

“Pero hindi ko ini-expect na gugulatin niya ako.”

(To watch highlights of Cosmo Bachelor Bash 2014, CLICK HERE)

Wala raw ideya si Vin na biglang lalabas si Aljur sa stage at binuhusan siya ng tubig at pagkatapos ay nagyakap sila.

“Wala akong idea talaga na gagawin niya yun.

“Naiyak nga ako paglabas ko ng stage. Sabi ko, ‘Grabe ka naman, Kuya!’

“Hinahanap ko siya, pero nakaalis na siya.

“Talagang pumunta lang siya rito para gawin yun.”

Hindi ba ang dating nito ay parang ipinapasa na sa kanya ni Aljur ang “trono” sa pagpapaseksi?

Sagot ni Vin, “Yun nga, kasi parang dati, palagi siyang nandoon.

“Ngayon naman, ‘Eto, moment mo ‘to.’ Parang ipinaramdam niya sa akin na maging open ka.

“Kasi, medyo nararamdaman niya na kinakabahan ako.”

Kinakabahan ba siya?

“Kinakabahan ako,” pag-amin niya.

Bakit naman siya kinakabahan habang rumarampa?

Paliwanag niya, “Hindi kasi ako comfortable lagi sa mga ganyan.

“Na porke hubad, wala nang pakialam sa akin.

“Siyempre, para sa akin, it’s still my privacy. So, privacy ko rin ang katawan ko, it’s mine.

“So, kahit paano, hindi pa rin ako magiging super okay sa harapan ng mga tao.”

Ano ang dating sa kanya na parang may ipinapasa na sa kanya ang kapatid—ang pagiging hunk nito o yung popularidad na parang siya na ang magpapatuloy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Vin, “Well, para sa akin, kung yun man ang nasa isip nila, then, para sa akin, iba.

“Yung naramdaman ko kanina is brotherly love. Na sinuportahan niya ako kanina.

“At na-touch talaga ako na baby brother niya. Ipinapakita niya na he’s always there for me.”

Inimbitahan din daw ni Vin ang girlfriend niyang si Sophie Albert, bukod sa mommy at kapatid niya.

“I only get to invite four VIP people lang. Kaya nandoon sila, nanonood sila,” sabi niya.



SUPPORT FOR ALJUR. Sa isang banda, wala pa rin kalinawan ang inihaing reklamo ni Aljur sa home network nitong GMA.

May mga lumalabas ngayong tila pahiwatig na okey kay Aljur na manatili pa rin sa GMA, pero hindi na raw sa GMA Artist Center.

Paano sinusuportahan ni Aljur ang kapatid sa isyung ito?

“Well, yun nga, nag-uusap kami palagi.

“At para sa amin ngayon, unti-unti na naming nasu-solve ang mga problema niya at lahat naman ng problema niya, palagi akong nandoon para sa kanya.”

Totoo nga bang gusto nang lumabas muli sa GMA ang kuya niya?

“Para sa akin, doon naman sa mga problems na yun, he wants to keep it private.

“Pero, outside that, tumutulong siya sa family business, which is business din naman niya yun.

“Nag-aaral siya, nagpa-firing siya.

“Ang daming pinag-aaralan… nagte-take siya ng short courses sa Ateneo, so super proud ako dun.

“Pati sa Batangas, bumabalik-balik siya for family business,” saad ni Vin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN