Gabby Eigenmann says late dad Mark Gil prepared them to move on easily

Gabby Eigenmann on coping after dad Mark Gil’s death: "May moments talaga na… sabi ko nga, I’ve been a positive guy. Ina-avoid ko ang negativity. Pero I don’t think missing my dad, it’s gonna be negative, hindi, e. Ano lang, he prepared us to move on easily. So, hindi ko sinasabi na madali, we’re coping."


Isa sa celebrities na nanood ng Cosmo Tower 69 Bachelor Bash kagabi, September 24, sa World Trade Center, ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann.

Kasama rin niya ang kapatid na si Andi Eigenmann at pinsan na si Ryan Eigenmann.

Ayon kay Gabby, nandoon silang lahat bilang suporta sa pinsan na si Geoff Eigenmann, na siyang nagbukas ng segment ng “Cosmo Centerfolds.”

“Siyempre, nandito ko para magbigay ng suporta kay Geoff. Kay Benjamin [Alves] din.

“Pero siyempre, si Geoff ang pinakaimportante sa amin.”

Hindi pa raw naranasan ni Gabby ang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash.

Nakikita niya ba ang sarili na rumarampa rin gaya ng ginawa ni Geoff?

“Why not, why not? Pero the title itself, bachelor. Hindi naman ako bachelor!” natawa niyang sabi.

Patuloy ni Gabby, “Pero sabi ko nga, everything is a first for me. Puwede akong sumubok ng kahit ano.”

Kahit daw sa Bench underwear fashion shows ay hindi pa rin niya nasubukang rumampa. Ito ay sa kabila ng isa rin siyang Bench endorser.

Katuwiran ni Gabby, “At one point, hindi ko pa nai-imagine ang sarili ko noon.

“Sabi ko nga, palagi kong sinasabi sa sarili ko, maybe I’m too late to do many things.

“Pero itong year na ito, ito ang first para sa akin.

“First indie [Asintado], first full-length gay role [Dading], first time akong nag-dubbing, mag-translate ng Tagalog [Miracle in Cell #7].

“So, sabi ko, tahakin natin ang mga hindi ko pa nae-experience.”

"MENTOR." Ilan daw sa mga gimik ni Geoff sa Cosmo Tower 69, tulad ng pagkuha ng babae sa audience para maglagay ng whipped cream sa hubad na katawan nito, ay ideya ni Gabby.

“Actually, marami akong suggestion.

“May isang suggestion na napakahirap gawin, pero gustung-gusto niyang gawin.

“Actually, itong gagawin niyang ito, he came up with it, parang inaprub ko lang.

“May ganung factor kasi, feeling ko, he’s having a hard time to come up with an idea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, spur of the moment, parang kagabi lang niyang naisip na, ‘Ganito na lang ang gagawin ko.’

“So, ‘Sige, okey ‘yan.’ Kasi kung kokontrahin ko, I still have to come up with another idea.

“’Eto, um-agree talaga ako!” natatawa niyang sabi.



DADING. Malapit nang matapos sa ere ang afternoon series na pinagbibidahan ni Gabby sa GMA, ang Dading. Nag-last taping day na rin daw sila.

Kumusta naman?

Kuwento ng Kapuso actor, “Malungkot, nag-cast party kami kagabi.

“Sad… pero sabi nga, all good things must come to an end.

“Pero siyempre, ini-expect namin. Hindi naman sa ini-expect, pero nandoon na rin yung sana humaba pa.

“Kasi, sobrang naging close kaming lahat. Down to the director to the staff.

“So, ang kabuuan naman, dapat happy kami kasi successful.

“Pero siyempre, at the end of the day, nandoon yung mami-miss mo ang isa’t isa.”

Masaya naman daw si Gabby dahil sa naging resulta sa rating at maging sa naipakita niyang performance sa Dading.

Kuwento niya, “Kanina nag-guest ako sa Ryzza Mae, ‘tapos nag-live chat ako kanina.

“Dumaan ako sa 7th floor, e, tamang-tama, meeting nila, nandoon lahat—writers, PUM—nagparamdam naman ako kanina.

“Tuwang-tuwa naman silang lahat na, ‘Congratulations!’

“Sabi ko, ‘Alam niyo na, nandito lang ako, available ako ulit.’

“Gumanun lang ako, natawa naman silang lahat.”



HIS LATE FATHER. Ngayong araw na ito, September 25, ang dapat sana’y 53rd birthday ng namayapang ama ni Gaby na si Mark Gil.

Kasalukuyang nasa Bataan ang Eigenmann family.

Kuwento ni Gabby kagabi, “Lahat kami, magkikita-kita kami sa Montemar.

“Isa sa gusto ni Daddy kasi ikalat ang ashes niya dun.

“Basta lahat kami, nandodoon—from my grandparents hanggang sa magkakapatid, hanggang sa mga apo.”

Ano ang plano nila pagdating nila sa Montemar Beach?

“Ano lang, we’ll gonna celebrate his birthday there. Kainan by the beach, swimming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun kasi ang mga memories na gusto naming i-relive sa buong family noong nabubuhay pa si Daddy.

“Kasi, favorite niya talaga ang resort na yun.”

Ikakalat na ba nila ang ashes ng ama sa beach?

“A, hindi namin alam kung ano ang huling napagkasunduan, we’ll see…

“Kasi, marami… well, hindi naman sa maraming kumukontra, pero based on the belief, yung sinasabi ng ibang tao, kapag ikinalat mo, ikalat mo na lahat.

“E, meron kaming tig-isang vial na ginawa naming pendant.

“It’s either we scatter all or just keep everything. So, hindi ko pa alam.

“Ang pinakaimportante, we’ll just celebrate God’s life.”

Mahigit tatlong linggo pa lang ang nakalilipas mula nang pumanaw ang ama niya.

Nami-miss pa rin ba niya ang ama?

“Oo naman, palagi,” pag-amin ni Gabby.

“May moments talaga na… sabi ko nga, I’ve been a positive guy. Ina-avoid ko ang negativity.

“Pero I don’t think missing my dad, it’s gonna be negative, hindi, e.

“Ano lang, he prepared us to move on easily.

"So, hindi ko sinasabi na madali, we’re coping.

“So far, okay, okay pa naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN