Derek Ramsay reveals why proposed settlement did not push through

"A settlement is supposed to be made for my son. But, I guess, we just had to do with a different type of settlement—my continuing with what she has filed against me because I’m doing this for him [son]," says Derek Ramsay in an interview after his submission of his rejoinder affidavit yesterday, September 25.


Kinumpirma ni Derek Ramsay na nagdesisyon siyang huwag nang ituloy ang paglaan ng “trust fund” para sa anak nila ni Mary Christine Jolly.

Ito ay sa kadahilanang iba umano ang interpretasyon ng kampo ni Mary tungkol sa sustentong nakahanda sanang ibigay ng aktor.

Read: Derek Ramsay, Mary Christine Jolly drop proposed settlement

“A settlement is supposed to be made for my son.

“But, I guess, we just had to do with a different type of settlement—my continuing with what she has filed against me because I’m doing this for him [son],” paunang pahayag ng TV5 star.

Sa sandaling pag-uusap ng mag-ama noong September 18, nadurog umano ang puso ni Derek nang kumpirmahin sa kanya ng 11-taong-gulang niyang anak na totoo ang lahat ng nakasaad sa sulat na ibinigay nito kay Fiscal Erwin Dimayacyac.

Base sa kopya ng sulat ng bata na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inihayag ng bata na malaki ang galit nito kay Derek dahil sa pag-abandona ng aktor sa kanilang mag-ina.

Nakasaad din sa sulat na ayaw kilalanin ng bata si Derek bilang ama dahil sa dami ng pagkukulang ng aktor sa mahabang panahon.

Sabi ni Derek ukol dito, “That’s why I wanted to put up a trust fund right away.

"That’s really been put aside, actually.

“That’s what I wanted—a trust fund for him to touch when he’s at the right age.

“And anything to fast-track me to be a father.

"It’s just so hard that hindi ako binibigyan ng opportunity to be a father when Mary is saying that yun naman ang gusto niya, e.

“Sa umpisa, yun ang gusto niya, gusto daw niya ako ma-involve sa buhay ng anak ko.

“Since 2011, I’ve been trying so hard to.”

Isa pa sa mga bagay na ikinagulat umano ni Derek, 37, ay ang hiling ng kampo ni Mary, 33, na bayaran ng aktor ang ginastos ng huli para sa legal counsels nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Derek ukol dito, “We were informed that even after that, I’d have to shoulder everything else with regards to her lawyers.

“I had to pay for everything. So, we were like, ’Huh?’”

Nakausap ng PEP at ilang pang entertainment reporters si Derek pagkatapos ng preliminary investigation na ginanap sa Makati Prosecutor’s Office kahapon, September 25.

Kaugnay pa rin ito ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 na inihain ni Mary laban kay Derek noong June 27, 2014.



ON MARY’S REPLY-AFFIDAVIT. Hiningan ng reaksiyon si Derek tungkol sa paninindigan ni Mary na biktima ang huli ng physical, verbal, psychological, at economic abuse mula sa aktor, noong panahong nagsasama pa sila bilang mag-asawa.

Ngunit iginiit ni Derek na pawang kasinungalingan ang nakasaad sa isinumiteng reply-affidavit ni Mary laban sa aktor kahapon.

Kinuwestiyon din ni Derek kung bakit walang nabanggit si Mary tungkol sa diumano’y pisikal na pang-aabuso ng aktor sa pinakaunang sinumpaang salaysay na inihain ng complainant noong Hunyo.

“And then, we answered all her allegations [in my counter-affidavit submitted last August 20].

"And now, it’s physical. I’ve had everything thrown at me. Is there anything else that she can throw at me?

“[She claimed that] I am a rapist. I am a drug addict.

"Not just a drug addict, but I’d make her do drugs.

“You guys know me for so many years. So, you tell me, if that’s believable or not,” saad ni Derek.

DEREK’S EVIDENCE, WITNESSES. Kasabay ng pormal na paghain ni Mary ng reply-affidavit ay nagsumite rin si Derek ng kanyang rejoinder affidavit kahapon.

Ayon sa aktor, ang mga alegasyong nakapaloob sa kanyang rejoinder ay hindi lang basta gawa-gawa dahil may kalakip itong supporting documents.

Kabilang dito ang boluntaryong pagtestigo ng ina ni Derek na si Mrs. Remedios Ramsay at ex-girlfriend ng aktor na si Colette Centeno Fox laban kay Mary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsumite ng kanilang sinumpaang salaysay sina Mrs. Ramsay at Colette kahapon.

Bukod dito, mayroon umanong tatlong kaibigan si Mary na boluntaryong tumestigo para kay Derek at pinanumpaan ang kanilang salaysay laban sa complainant, noong September 24.

Sabi pa ni Derek tungkol sa inihain niyang rejoinder affidavit kahapon, September 25, “Our affidavit is a hundred-something pages long.

“It’s not all text. It’s not a paper filled with she’s this, she’s that.

“But even with my son telling me that he hates me and he wants me to go to jail, it’s really tough for me to do this.

"But what can I do, guys? Tell me."

Aminado si Derek na mas lalong mahihirapan siyang makita ang anak, dahil sa desisyon ng aktor na hayaang magpatuloy ang pagdinig ng reklamong inihain ni Mary laban sa kanya.

“I think it’s best for the relationship for me and my son that we will just continue to do this.

“Like I said, I was only given two minutes with my son last hearing; even though I was requesting for at least five or ten minutes.

“But she [Mary] only granted me two minutes.

“I was even okay with the fiscal to be present just as long as I get some moment with my son.

“I explained to him that, ’In time you’ll understand everything, in time you’ll understand why we’re going through this.’

“So, yeah, that’s where we stand right now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN