Nora Aunor personally thanks Robin Padilla for defending her in National Artist issue

Robin Padilla on Nora Aunor: "Siyempre, e, ako, bata pa ako, hanggang ngayon, isa lang ang tinitingnan kong artista... kayo po yun. Talagang kayo ang salamin naming lahat. Kayo ang buhay ng mga Pilipino, kayo ang naging inspirasyon naming lahat."


Naging masigla ang ginanap na block screening ng Dementia, a horror-drama thriller na bida ang Superstar na si Nora Aunor, dahil sa pagdalo ng action superstar na si Robin Padilla.

“Sobra! Hindi ako makapaniwalang darating siya, pero nang makita ko…” masayang sambit ni Nora, ilang minuto bago umpisahan ang screening ng pelikula.

“Salamat sa suporta mo sa pelikula, at lalung-lalo na sa mga fans,” sabi mismo ni Nora kay Robin.

Ang block screening ay inorganisa ng iba’t ibang fans club ng Superstar, sa pangunguna ng NFF (Nora’s Friends Forever), sa SM North Edsa The Block, noong Miyerkules ng gabi, September 24.

Sa mga cast, naroon sina Jasmine Curtis Smith at Althea Vega, gayundin si Direk Perci Intalan.

Naimbitahan din si Direk Joel Lamangan, na nagbalita sa PEP ng pag-compete ngayong October (10-19) ng pelikulang Hustisya, ang Cinemalaya filmfest entry nila ni Nora.

Dumating din si German Moreno at muling nagbalik-tanaw sa panahon ng Sampaguita Pictures at Tower Productions, na unang nag-buildup sa phenomenal tandem nina Nora at Tirso Cruz III—ang Guy & Pip.

Mula rin sa Tower nagmula ang dumiskubre kay Robin, former talent manager and director Deo Fajardo Jr., kaya may pinagmulan ang pagkakaibigan ng dalawa.

Back in the ’90s, nang makulong si Robin ay isa si Nora sa mga dumalaw sa aktor sa piitan.

Pagkaupo ay agad pinalibutan ng mga taga-media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sina Nora at Robin para sa maikling panayam.

Masaya ang palitan nila ng mga pananalita, na ang iba’y birong-pahayag bilang magkaibigan.

Sabi ni Robin, “Starstruck ako, e, lalo na kaharap ko yung idol ko. Sobrang starstruck!”

Nakangiting salungat naman ni Nora, “Hoy, hindi yata!”

Sagot uli ng aktor, “Isang malaking katuparan ito ng aking mga pangarap.

“Lahat ng mga Pilipino, pangarap ito na masuportahan ang tunay na National Artist! Ang nag-iisa...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GRATEFUL. Personal na napasalamatan ni Nora ang aktor dahil isa ito sa mga unang nagpahayag ng hindi pagsang-ayon nang matanggal ang aktres sa pilian ng mga bagong hinirang na National Artist noong Hunyo 2014.

“Maraming salamat pala sa pagtatanggol. Nakikita ko yun, nababasa ko,” wika ni Nora kay Robin.

“Ang gaganda ng mga sinabi niya talaga,” sabi rin ni Nora sa media.

PEP recalled some of Robin’s words bilang pagdedepensa kay Nora sa nasabing isyu:

"Walang industriyang Pilipino kung walang Ate Guy!

"Tandaan natin, nabuhay lang ang pelikulang Pilipino dahil sa kanya; kahit sinong tanungin nating matatandang reporter, producer, artista, siya lang ang tinitilian, siya lang ang hinahabol..."

At sa pagkaisnab ng Malacañang kay Nora, sentimyento ni Robin, "Masakit sa ating lahat ito. Ano ’to, minamaliit niyo kami?"

Sa pasasalamat ni Nora, may matinding hirit din si Robin.

Sabi ng aktor, “Galing po lahat sa puso ng mga Pilipino yun.

“Siguro, yung mga hindi naniniwala doon, hindi Pilipino.”



MOVIE WITH ATE GUY. “Susunod na yung pelikula namin!” nangingiting pahayag ni Nora.

Sagot naman ni Robin, "Yun ang abangan!

“Napakatagal na pong pangarap, napakatagal.

“Tuwing nakikita ko po ang nag-iisang Superstar, lagi kong sinasabi ‘yon, na sana matuloy na yung pelikula namin.”

Birong hirit naman ni Nora, “Akala ko nga tuloy na tuloy na... ikaw ang magpu-produce!”

Positibo naman ang sagot ni Robin kay Ate Guy, “Dahil inutos niyo, mangyayari na po!”

Later, sa pag-uwi ay inihatid pa ni Robin si Nora sa parking lot ng mall, at bago nagpaalam, sabi niya, “Yung pelikula natin... tayo naman!”



MUTUAL ADMIRATION. Kasalukuyang nagsu-shooting si Robin ng isang historical biofilm tungkol sa dakilang bayaning si Gat. Andres Bonifacio.

Sabi ni Nora, “Ay, manonood ako nun! Mga kaibigan, huwag niyong kalimutan ang entry niya sa festival, ang Bonifacio.

Tugon ni Robin, “Nanggaling sa isang ’babaeng’ Bonifacio, ’yan po ay isang hudyat na sa aming lahat, na bumubuo po ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming salamat po... Dementia, huwag niyo pong kalilimutan."

Dagdag ni Robin patungkol kay Nora, “Siyempre, e, ako, bata pa ako, hanggang ngayon, isa lang ang tinitingnan kong artista... kayo po yun.

"Talagang kayo ang salamin naming lahat.

"Kayo ang buhay ng mga Pilipino, kayo ang naging inspirasyon naming lahat."

Na simpleng sinuklian ni Nora ng pasasalamat sa hinahangaan ding aktor.

"Ang sarap namang pakinggan, lalo’t nanggaling sa isang tunay na idol," sabi ng Superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN