Gina Alajar thanks GMA for trusting her in handling newbie actors

Gina Alajar says she’s proud of Elmo Magalona and Janine Gutierrez: "Natutuwa ako sa kanila. ’Tapos ngayon nga meron silang bagong soap na sila yung bida, pang-primetime na ’ata sila."


Ipinagpapasalamat ng actress-director na si Gina Alajar ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng Kapuso network sa paghawak sa mga baguhang artista nito.

Si Direk Gina ang humahawak ngayon sa Yagit na pagbibidahan ng apat na bagong child stars—sina Chlaui Malaya, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla, at JM Andres.

Saad niya, “Nag-track record lang siguro na sa Tween Hearts, pagkatapos Anna Karenina.

“’Tapos Villa Quintana kasi... yung because of Elmo [Magalona] and Janine [Gutierrez], and they saw naman na maganda yung resulta nung Elmo-Janine na yun.

“So, parang ano na, ‘O, bago ’yan! Padaanin muna natin sa kanya…’

“Ako naman, natutuwa naman ako dahil dun sa trust.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina sa set ng Seasons of Love, sa University of the Philippines Los Baños, kahapon, September 25.



SEASONS OF LOVE. Bukod sa Yagit, ginagawa rin niya ang ang Seasons of Love, na tinatampukan nina Ruru Madrid at Gabrielle Garcia.

Kuwento ni Direk Gina, minan na rin niyang nakatrabaho si Ruru at ngayon lang daw niya ito nakatrabaho nang mas mahaba-haba.

Tila reunion project din daw ito ng mga co-finalist ni Ruru sa Protégé: The Big Artista Break.

Kuwento ni Gina, “Na-direct ko siyang isang Magpakailanman, pero bagung-bago lang siya, like two sequences lang siya.

“Na parang lover lang siya ni Joyce Ching, ganun.

“Pero yung full-length na ganito, ngayon lang po.”

Dagdag pa niya, “Ano nga ito, e, reunion ng Protégé kasi nandiyan si Elle [Ramirez], andiyan si Shelly [Hipolito], andiyan si Reese [Tayag].

“Kung naging available lang si Mikoy [Morales], kasama rin si Mikoy dito.

"’Tapos yun, ganun lang naman siguro."

Ikinatutuwa rin ng actress-director ang naabot ng kanyang protégé na si Thea Tolentino matapos nitong manalo sa Protégé .

“Si Thea, maganda yung naging rehistro niya sa Anna Karenina nun kaya nag-Pyra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon Half Sisters naman kaya natutuwa naman po ako.

“Kaya sabi ko, as long as merong baguhan, meron akong trabaho. Palaging ganun.”



GABBI AND RURU. Nang tanungin naman kung kamusta makatrabaho sina Ruru at Gabrielle, sagot ni Direk Gina, “Okay naman sila, meron silang chemistry, nagkukulitan, makulit.

“Medyo ano lang, siyempre mahirap lang for us, kasi you have to establish the chemistry.”

Paliwanag niya, “Kaya siguro sila bini-build up kasi meron nakitang chemistry.

“So here, dahil sila yung nagbibida, kailangan alagaan talaga, dapat mapakita sa tao, sa audience na meron talaga silang mapupuntahan na talagang bagay talaga sila.

“Mahirap ang love story, mahirap yung ano na kailangan may titigan.”

Ikinatutuwa rin ni Gina na marunong sumunod sa instructions ang dalawang baguhang artista, ngunit payo niya sa mga ito na magsipag pa sa kanilang trabaho.

“Si Ruru has improved a lot.

“Yung ilang taon niyang nasa industriyang ito at nadirek na rin siya ng iba’t ibang direktor.

“Si Gabbi, siguro give her more time.

“First niya ’ata yung My Destiny, e, so I’m sure basta magsipag lang siya, meron din siyang pupuntahan.

“Saan ba napunta si Janine Gutierrez?

“Kailangan lang talaga sipag, sipag, sipag.

“Ganun lang naman yun, nasa artista din.”



JANINE AND ELMO. Dumako naman ang usapan tungkol kina Janine Gutierrez at Elmo Magalona, na nakatrabaho ni Direk Gina sa Villa Quintana.

Ipinagmalaki ng actress-director na malayo na rin ang narating ng dalawa dahil magkakaroon na sila ng sarili nilang primetime show sa GMA—ang More Than Words.

“Natutuwa ako, natutuwa ako sa kanila.

“’Tapos ngayon nga meron silang bagong soap na sila yung bida, pang-primetime na ’ata sila.

“Natutuwa ako, natutuwa ako na nagkatuluyan din sila.

Dagdag pa niya, “At saka naging close yung mga bata talaga na minsan, storycon nung More Than Words, nabalitaan yata nila na nandun ako somewhere there in the vicinity of GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagte-text sa akin, ‘Nasaan ka po? Nasaan ka po? Nandito kami,’ ganyan-ganyan.

“Anyway, hindi kami nagkita sa GMA kasi tapos na ako mag-meeting, sila meron pang storycon.

“Nung natapos sila, ‘Nasaan ka na po?’

“Sabi ko, ‘I’m here, I’m having dinner,’ ganyan. ’Sunod po kami.’

"’O, halika dito tayo.’

“Mababait, natutuwa ako sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN