Regine Tolentino reveals secret of 17-year marriage to Lander Vera-Perez

Regine Tolentino admits she and her husband also went through rough patches in their long marriage. "Wala pang Zumba nun, e,” she jokes.


Si Regine Tolentino ang facilitator sa regional tours ng mom and kid game show na Bonakid Pre-school Ready Set Laban, na napapanood tuwing Linggo ng umaga sa GMA Network at kung saan si Drew Arellano ang main host.

Si Regine ba ay Kapuso, Kapamilya o Kapatid? Nakakatawid kasi siya sa mga palabas ng GMA, ABS-CBN, at TV5.

“Basta ’Ka’! ’Ka’ lang ako,” natawang sagot ni Regine.

Sa Unang Hirit ng GMA News & Public Affairs lamang daw siya may kontrata.

“It’s been my show for eleven years na."

Pinapayagan naman daw siyang makapag-guest sa ibang TV networks, "as long as it’s not interfering sa ibang mga ginagawa ko.”

May advantage daw ang nakakatawid sa iba’t ibang TV stations.

Sabi ni Regine, “More work the merrier!

“I’m super-happy because, at this point, parang hindi naman masyadong strict so I’m kinda free to do different things.

“Sometimes mommy ako, sometimes dancer ako, sometimes corporate ako.

"So, it’s fun, hindi ako nagsasawa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa press launch ng Bonakid Pre-school Ready Set Laban 2 sa GMA Network Center, noong Lunes, September 22.



FAMILY SUPPORT. Bilang isang asawa at ina, paano hinahati ni Regine ang kanyang oras?

May boutique siyang 15 years na niyang mina-manage at kilala rin siyang Zumba instructor.

Priority naman daw niya ang kanyang pamilya, ang mister niya na si Lander Vera-Perez, at ang kanilang mga anak na sina Reigne, 15, at Reigen, 14.

Lahad ni Regine, “Si Lander, super full support and he’s also a Zumba instructor, he’s licensed na rin.

"Kami ang unang mga celebrities na… kami pa lang, actually, ang nagpa-license.

“And even our daughter, youngest in the Philippines ngayon si Reigne, at the age of fifteen.

"So, nakakaikot kami all over."

Minsan daw ay isinasama ni Regine sa tours niya ang kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magse-celebrate na this year sng kanilang 17th wedding anniversary ina Regine at Lander.

Ano ang sikreto nila?

Sagot ni Regine, “Lagi kaming sweet sa isa’t isa. Lagi kaming nag-a-’I love you!’

“Nagsu-Zumba kami together.”

Aminado naman si Regine na dumaan din sa pagsubok ang kanilang relasyon ni Lander.


“Yeah, kasi wala pang Zumba nun, e!” natatawang biro niya.

"Hindi, bata pa kasi kami nung nag-asawa, so it really takes a while to sort of mature and understand marriage."

Three years into their seventeen years of marriage nang dumanas sila ng problema at mga “misunderstanding.”

Dagdag pa ng TV host, “Less than a year din naayos namin, hindi naman matagal.

“We’re going strong, thank God. We have so much fun.”

Ngayon daw ay hindi na sila nagkakaroon ng problema, kahit selosan ay wala.

“Sobrang nagkakaintindihan na kami. At saka simple na yung buhay namin.”



BEATING INDIA. Ano ang pakiramdam niya na ang mister niya isa ring Zumba instructor?

Ayon kay Regine, “Actually, you’ll be suprised to know that Zumba is really created by a man!

"It’s really a man’s fitness workout, it’s Latin fitness mixed with hip-hop and different styles kaya lahat.

"Puwede sa lahat ang Zumba.

“We really promote fitness as a family and we do it together, iyon ang pinaka-bonding namin, we do big events.

"As a matter of fact, we have a really big event on October 12 for the World Guinness Book of Records sa Quezon City Memorial Circle.

“We’re gonna have the biggest [number of] Zumba participants in the world. We’re targeting ten thousand participants.

“Kasabay po siya ng Golden Jubilee celebration ng Quezon City.”

India raw ang bansang may hawak ng record sa Guinness na pinakamaraming Zumba participants in one event, with six thousand plus participants.

Kaya sampung libo naman ang target nina Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All in just one event, so it’s very strict, as in may mga marshals coming in to monitor.”

WORKING WITH KIDS. Bilang facilitator naman ng tours para sa Bonakid Pre-school Ready Set Laban 2, nag-e-enjoy raw si Regine na kasama ang mga bata.

“I love working with kids so it’s great to be able to travel and to be with kids, work with Drew.

“It’s great because siyempre working with the GMA team and Wyeth, I’ve done different tours for them.

“Kami kasi yung on-ground na umiikot, nagtu-tour around the Philippines.

"So, last year, nag-tour kami around sa Cebu, Davao, Dagupan, Manila, all around, even Batangas.

"We do the tour of the actual site, yung mga naglalaro, at saka yung mga auditions.

“Kahapon kararating lang namin from Davao, next week we’ll be in Cebu, so kami po yung nagpa-facilitate ng mga games all around.

"This time it’s more interesting and it’s more fun because kakaiba yung mga games at saka bongga yung mga prizes."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN