Gina Alajar on staying single after her failed marriage: "Kailangan pa ba ng lovelife?"

Gina Alajar on son Geoff Eigenmann’s lovelife: “Si Geoff, tatandang binata ‘yan. Lokohan na namin yun na tatandang binata ‘yan. He’ll just be the favorite uncle.”


Abalang-abala ngayon ang actress-director na si Gina Alajar dahil dalawang Kapuso series ang kanyang idinidirek—Yagit at Seasons of Love.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press si Gina sa set ng Seasons of Love noong Huwebes, September 25, sa University of the Philippines Los Baños.

Isa sa mga inusisa ng press ay ang tungkol sa lovelife ni Gina.

Sagot niya, “Wala naman!”

“Ang bilis din ng sagot ko, without batting an eyelash!

“Wala naman! Bakit naman? Kailangan pa ba ng lovelife?”

Dagdag pa niya, “Parang ano na ’yan, parang na-accept ko na ’yan sa sarili ko."

Matagal na silang hiwalay ng dati niyang asawa na si Michael de Mesa, na ami rin ng tatlo niyang anak na lalaki—sina Ryan, Geoff, at AJ.

Dahil wala siyang kabiyak, sino ang mga kasama niya sa bahay?

Sagot ni Gina, “Si Geoff na lang.”

E, ang kanyang mga apo?

“Na kay Ryan, pero five minutes away ang bahay ni Ryan sa amin, so wala namang problema.”



GINA’S SONS. Samantala, masaya naman si Gina dahil malapit na ang church wedding ng bunsong anak niyang si AJ Eigenmann at ng asawa nitong si Rosetti Robles, na gaganapin sa dito sa Pilipinas, sa November 10.

Una nang ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony na naganap noong August 2013 sa Las Vegas, Nevada.

Hindi na raw nakauwi ng bansa si AJ at ang asawa nito para sa burol ng tiyuhin nitong si Mark Gil.

Paliwanag ni Gina, “Hindi na po, hindi, kasi hindi na namin siya makukuhang off sa trabaho niya.

“Yung off niya, two weeks lang, e.

"Naka-reserve na yun sa pagpunta niya dito sa November, sa kasal."

Dahil nauna ngang ikasal si AJ kesa sa kuya nitong si Geoff, ano kaya ang masasabi ni Gina dito?

Biro niya, “Si Geoff, tatandang binata ‘yan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lokohan na namin yun na tatandang binata ‘yan.

“He’ll just be the favorite uncle.”

Napag-usapan din ang pagrampa ni Geoff sa katatapos lang na Cosmo Bachelor Bash 2014 na ginanap sa World Trade Center nitong Miyerkules, September 24.

Napabilib si Gina sa anak lalo’t nagawa nitong magpapayat at mapasali pa sa Top 69 bachelors ng Cosmopolitan Philippines.

Aniya, “Yun naman, yung tao na yun, ‘pag sinabi naman niyang, ‘Hindi, ito ako...’

“Ganun naman siya, e, puwede naman siyang ganun, ‘Magpapapayat ako? Magpapapayat ako.’

“‘Magpapataba ako? Magpapataba ako.’”

Kaya naman, laking pasasalamat ni Gina dahil nakikita niyang naging maganda ang pagpapalaki niya sa tatlong anak.

“Well, hindi naman sila perpekto.

“We have our own shares of away-bati, away-bati, ganyan.

“Pero bottomline naman, napakalaki ko sila nang maganda at tamang-tama.”

Dagdag pa niya, “Pero makikita mo daw yun ’pag nag-asawa na, e.

“Ang nagsabi nga sa akin niy ay si Ms. Mel Tiangco, e.

“Makikita mo kung tama yung pagpapalaki mo sa anak mo kapag nagpamilya na yung anak mo, ’tapos nakita mo kung pano niya i-handle yung pamilya niya.

“So far, si Ryan ang may kumpletong pamilya.

“Mabuti naman, natutuwa naman ako how he handles his family, how he takes care of his children.

“Si AJ din naman ngayon, kaso wala pang anak si AJ.

“I think after the wedding, mapaplano na naman nila ’yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN