Angeline Quinto denies snubbing incident with Sarah Geronimo

Angeline Quinto on status of relationship with Erik Santos: "Hintayin siguro natin hangga’t bago mag-Christmas. Siyempre, ako naman ang magsasabi sa inyo nun. Kahit naman si Erik, willing siyang umamin ‘pag naging kami na. Nagkakaintindihan kasi ganun naman sa panahon ngayon, ‘di ba? Pagka gusto ninyo ang isa’t isa, minsan wala nang ligawan, kayo na agad."


Itinanggi ni Angeline Quinto ang balitang nag-isnaban diumano sila ni Sarah Geronimo sa 6th Star Awards for Music ng PMPC noong September 14, sa Solaire Resort and Casino.

Sa naturang awards night, nanalo si Angeline bilang Female Pop Artist of the Year; samantalang si Sarah, bukod sa pagiging performer, ay nanalo ng dalawang awards—Pop Album of the Year (para sa Expressions) at Female Recording Artist of the Year.

Sabi ni Angeline tungkol sa isyu, “Actually, sa totoo lang, nagulat ako sa issue na ito.

“Sabi ko nga, unang-una, sana naman tinanong na muna nila ako bago nila isinulat yun.

“Nung nabasa ko yun, nasa front page siya ng diyaryo.

“So, sabi ko, wala naman talagang nangyari na hindi pagpansin.”

Kuwento pa ng singer, “Before ako nagpunta sa Star Awards, magkasama kami sa ASAP.

“Nung nagpunta ako sa Star, kasabay ko si Erik [Santos], hindi ko siya [Sarah] nakita agad kasi nasa backstage siya.

“Sa dressing room kasi, mayroon siyang prod.

“Napanood ko yun, hinihintay ko siya lumabas.

“Pero hindi nabigyan ng chance na magkita kami kasi busy siya sa likod, sa backstage, nasa audience ako.”

Diin pa ni Angeline, “Gusto ko lang talagang linawin na walang katotohanan ang isyu na ‘yan.

“Dyusko, ikaw ba naman, Sarah Geronimo, hindi mo pansinin? Sobra naman yun!

“Nagkita man kami, malayo kami sa isa’t isa.

“Tatanggap siya ng award, ako tatanggap din, kaya lang hindi nagka-chance na magkalapit.

“Una siyang tumanggap ng award, after naman ako ang tinawag.

“Hindi lang talaga kami nagkita na magkalapit,” ulit niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa ASAP.



STILL FRIENDS. Ayon pa sa singer, sa kabila ng patuloy na pagsasabong sa kanila ni Sarah ay hindi ito nakakaapekto sa pagkakaibigan nila.

“Hindi naman ako naiinis, hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Basta ako, alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At alam naman ni Sarah na walang namamagitan sa amin na hindi maayos.

“Okay kami, yung family niya okay naman din sa akin.

“Marami akong nakakatawang experience kay Sarah ‘pag kausap ko sa phone.

“Feeling ko nga, ‘pag sakaling sabihin ko yun sa inyo, magugulat din kayo.

“Mas lumalabas kami nung mga nakaraang taon… mayroon na siyang relationship,” pagtukoy ni Angeline sa relasyon ni Sarah sa actor-TV host na si Matteo Guidicelli.



ERIK SANTOS. Kumusta naman ang relasyon nila ngayon ng nali-link sa kanyang si Erik Santos?

Sagot ni Angeline, “Ayokong mag-ano, hintayin siguro natin hangga’t bago mag-Christmas.

“Siyempre, ako naman ang magsasabi sa inyo nun.

“Kahit naman si Erik, willing siyang umamin ‘pag naging kami na.

“Nagkakaintindihan kasi ganun naman sa panahon ngayon, ‘di ba?

“Pagka gusto ninyo ang isa’t isa, minsan wala nang ligawan, kayo na agad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN