Yam Concepcion opens up about short-lived romance with Ejay Falcon

The abrupt beginning and ending of her relationship with Ejay Falcon happened in the course of the teleserye Dugong Buhay, which ran for six months. Yam Concepcion says she got carried away and has learned her lesson, “Huwag mong lalagyan ng kung anuman, trabaho lang ’yan.”


Hindi pa raw makapagbigay ng pahayag si Yam Concepcion tungkol sa naging relasyon nila ng co-star niya noon sa Dugong Buhay na si Ejay Falcon.

Paliwanag ng Kapamilya actress, “Kasi nga, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam.

"I am left with nothing.

"Parang nakaka-frustrate kasi wala akong maisasagot sa inyo kasi hindi ko rin alam ang rason."

Nagulat ang media sa paglabas ng balitang nagkaroon ng relasyon sina Yam at Ejay gayong itinatanggi nila ito noon.

Pahayag ni Yam tungkol dito, “Idinenay ko talaga, alam niyo ba kung bakit?

"Siya na mismo ang nagsabi sa akin na huwag kong sasabihin na kami, nanggaling sa kanya."

Bakit daw?

“Ewan ko sa kanya, yung career daw namin.

"’Pag nasa industriya ka kasi, bawal sabihin na may boyfriend ka or may girlfriend ka.

"Kasi nawawala yung thrill sa iyo as an artist."

Pumayag siya agad-agad sa suggestion ni Ejay na huwag aminin ang relationship nila sa media?

“Nag-agree ako kasi I respect his decision.

"Okay, fine. Kumbaga, nag-commit ako.

"Of course, I should be mindful of my partner."

Wala na rin daw siyang balak pang kausapin si Ejay.

"What’s the point of talking?" sabi ni Yam.

Natatawa nga raw ang aktres dahil kay Ejay pa raw nanggaling ang pag-amin, gayong ito ang nagsabi sa kanya na huwag aminin ang kanilang relasyon.

“Nanggaling sa kanya sa Kris TV na naging kami.

"Na parang after everything, saka mo lang inamin, it’s weird."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yam sa launching ng Bare magazine noong September 25, sa Eclipse Bar ng Solaire Resort & Casino.

AS IT HAPPENED. Ayon kay Yam, naging magkasintahan sila ni Ejay sa loob ng limang buwan at nagwakas ito noong December 2013.

Sabi ni Yam kung paano sila nagkalapit, “Noon sa Dugong Buhay, nagkakaligawan na. Nag-deny pa ako noon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya si Sunshine Cruz ang rason ng breakup nila, dahil na-link ito noon kay Ejay?

“I don’t think na si Miss Sunshine Cruz ang rason.

"I don’t know, you should ask him, pero parang wala naman, e.

"Close naman kami ni Miss Sunshine, we’re good friends, and by the looks of it, I don’t think there was any relationship kept from me.”

May mga bumatikos sa pagkakalantad ng katotohanan sa kanilang dalawa ni Ejay pagkatapos ng mga denial nila. Ano ang masasabi ni Yam dito?

Saad ng sexy star, “Hindi naman ako perfect, I’m prone to mistakes, tinatanggap ko yun.

"Nagkakamali ako. At least ngayon, puwede pa namang baguhin yun, e.

“So, next time around, I know na what to do.

“Ngayon, what I’ve learned is huwag nang mag-deny-deny.

"Sabihin mo na lang ang katotohanan, huwag nang magpaka-showbiz."



NO REGRETS. Kung sakali mang malaman niya ang rason ng breakup nila ni Ejay, ibabahagi ba niya ito sa publiko?

Sagot ni Yam, “Kung alam ko na ang dahilan, isi-share ko sa inyo, pero hindi ko talaga alam ang dahilan.

“Siya nga ang nakipag-break, bigla na lang nawala sa ere, hindi ko alam.

“Ang labo, ’di ba?

“Siya yun, e. Siya ang may hawak nun.”

Masasabi bang nagkamali siya sa naging relasyon nila ni Ejay?

“Sa tingin ko, no regrets.

"Hindi naman sa pagkakamali, everything na nangyayari sa buhay natin, may rason yun.

“Hindi natin malalaman yung rason kung bakit ibinigay sa atin ng Diyos yung pagsubok na yun, e.

“Malalaman rin natin in His time so Ieave everything to Him.”

CARRIED AWAY. Ipinagdiinan ni Yam na wala na silang komunikasyon ni Ejay matapos silang mag-break noong December.

“Wala na talaga. No communication at all. As in zero.”

Paano kung magkita sila accidentally?

“Yun ang hindi ko alam, baka nakakailang?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Galit ba siya kay Ejay?

“Hindi naman ako nagalit, parang pinabayaan ko na lang.

“I felt hurt, that was like a short-lived romance.

"Masyado akong nadala sa karakter ko sa Dugong Buhay, which I carried over in real life.

“Siyempre, bago lahat sa akin, so kapag may kilig-kilig, kilig na ako lahat.

"Imadyinin [imagine] mo sa Dugong Buhay, six months magkasama kayo palagi.

"Tao lang ako, babae, so of course, may soft heart rin ako.

“’Pag sinabi ng direktor, ’Okey, sexual tension. O, guys, you have to look at each other in the eyes na parang in love kayo.’

“Siyempre, in six months, if you do that all the time...”

Natuto na rin daw si Yam na paghiwalayin ang personal at professional life niya.

“Huwag mong lalagyan ng kung anuman, trabaho lang ’yan.”



NEW MAN. Inamin naman ni Yam na mayroon siyang idini-date ngayon, pero hindi raw ito serious na matatawag.

Nasa estado raw kasi siya ngayon na kinikilala muna ang mga nanliligaw sa kanya at ini-enjoy lang niya ang company ng mga ito.

“Kung boyfriend, definitely not.

"Especially ngayon na parang... kasi ’pag may boyfriend, ang hirap i-divide yung oras mo.

"Mahirap mag-focus lalo ngayon nag-uumpisa pa lang ako, ang hirap.

“Hindi pa naman ako professional na talagang kaya kong i-balance everything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN