Former actress Cielito Legaspi-Santiago dies

Pumanaw na ang ina ng magkakapatid na sina Randy, Rowell, Reily, at Raymart Santiago na si Cielito Legaspi-Santiago, dating aktres, kaninang umaga, September 26, sa Intensive Care Unit ng Cardinal Santos Hospital.


Pumanaw na ang dating aktres na si Cielito Legaspi-Santiago kaninang umaga, September 26.

Si Cielito, o mas kilala sa tawag na “Mama Ling” sa showbiz, ay kabiyak ng yumaong direktor na si Pablo Santiago.

Siya rin ang ang ina ng magkakapatid na Randy, Rowell, Reily, at Raymart Santiago.

Sa pamamagitan ng Instagram ay kinumpirma ni Raymart ang pagpanaw ng kanyang ina:

“Dear family and friends, it is with a very heavy heart that we wish to share the very sad news that our dearest mother – Cielito Legaspi-Santiago has joined our creator. During this very difficult time, the outpouring prayers, love, and support of family and friends is absolutely invaluable. We are relieved that her passing was peaceful.”

Kalakip ng mensahe ni Raymart ay ang larawan ng yumaong ina:

Base sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mahigit isang buwan daw na-confine sa Cardinal Santos Hospital ang Santiago matriarch bago siya bawian ng buhay.

Hindi pa malinaw kung ano eksakto ang dahilan ng pagkamatay ni Mrs. Santiago, ngunit ayon sa ilang nakausap ng PEP ay nagkaroon daw ito ng lung infection.

Sa kasalukuyan ay kine-cremate na ang mga labi ng dating aktres, na ilan sa mga pelikulang nagawa noong ‘60s ay ang Walang Daigdig, Mahal Kita Inay, at Sumpa at Pangako.

Hiniling ng pamilya Santiago na ang unang gabi ng pagpanaw ni "Mama Ling" ay maging eksklusibo para sa kanilang pamilya.

Sa mga kaibigan naman ng pamilya Santiago, maaari silang makiramay at bisitahin ang abo ng namayapa sa La Salle Greenhills Chapel simula bukas, September 27, hanggang sa Linggo, September 28.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN