Ali Sotto has fervent wish for Angel Locsin and Luis Manzano: "I pray for both of them na kung sila na, now na."

Ali Sotto recalls the time when Angel Locsin paid her a visit to introduce Luis Manzano as her boyfriend. "Round one ’to, ha... They get back together, it’s a big thing, ’di ba?"


Masaya ang radio anchor-actress na si Ali Sotto sa development ng relationship nina Angel Locsin at Luis Manzano.

Si Ali ay ang ina ng yumaong aktor na si Miko Sotto, na boyfriend noon ni Angel.

Pagkatapos mamatay ni Miko dahil sa isang aksidente, naging tuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon nina Ali at Angel.

Dumating pa raw sa puntong personal na ipinakilala ng Kapamilya actress si Luis kay Ali, sa unang yugto ng relasyon ng dalawa bago pa man sila naghiwalay at muling nagkabalikan.

Nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ali sa presscon ng Hari Ng Tondo noong September 24, nag-wish pa siya na sana ay magkatuluyan na ang dalawa.

"Alam mo, dahil sa history namin, hindi mo maiaalis sa akin na ipanalangin na ang mapangasawa ni Angel ay yung kanyang God’s best.

"Alam mo ang mga magulang ay ipinapanalangin yun para sa kanilang mga anak...

"Na sana, ang makatagpo at mapangasawa ng anak mo ay yung padala ng Panginoon sa kanya.

"Ito yung... sana ay si Luis na talaga ang lalaki na mamahalin siya, rerespetuhin siya, pagkatiwalaan siya, susundan siya, at ilalagay siya sa pedestal.

"Yung ilalapit siya sa Panginoon, all her life."

Lalo na’t ito na raw pangalawang pagkakataon nina Angel at Luis sa larangan ng pag-ibig.

Aniya, "O, ’di ba? They get back together, it’s a big thing, ’di ba?"

LIKE A DAUGHTER. Hangad nga raw ni Ali na mapawasto ang magiging buhay may-asawa ni Angel.

"As a parent, ’cause I see her as a daughter, ipinapanalangin ko ang God’s best para sa kanya."

Malalim daw ang pagtitinginan nila sa isa’t isa, "Lalo na yung communications namin ay more of...

"’Pag pumunta ako sa puntod ng anak ko, ’pag may puting bouquet, alam kong sa kanya yun.

"’Yung bond namin, ’di na namin kailangang mag-usap, ’di na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Di na namin kailangang magkita o magtext-textan regularly, andun na yun, e.

"Alam na namin sa isa’t isa at ’di mawawala yun."

Kung sakali raw na ikasal na nga sina Angel at Luis, handa siyang pumunta at makipag-celebrate sa espesyal na okasyon na iyon,

"If they invite me, of course!

"Bakit hindi ako pupunta, ’di ba?"



BUT NOT PHIL. Masayang kuwento pa ni Ali, "When I was leaving for Madrid at bagong boyfriend niya noon si Luis…

"Round one ’to, ha, she came na puro na kahon-kahon yung bahay ko.

"Sabi niya, ’Tita, are you home... dadaan ako, may ipapakilala ako.’

"Pagdating niya, kasama na niya si Luis, ipinakilala sa akin.

"Pero, si Phil [Younghusband, Angel’s ex-boyfriend], never niyang ipinakilala sa akin."

Dugtong pa niya, "I pray, I pray for both of them, na kung sila na, e, now na, ’no.

"Angel deserves all her happiness, alam naman natin kung gaano nagsasakripisyo ang bata for her family.

"Alam natin ang kanyang pinagdaanan, she is a good person, iba siya."

BURYING THE PAST. Kung nagkaroon man ng kontrobersiya sa pagitan nila ni Angel ilang buwan matapos yumao ni Miko, kinalimutan na raw ni Ali yun.

Inakusahan diumano nito ang dating kasintahan ng kanyang anak na nagbago na dahil sikat na ito at hindi na siya naalaala.

Paliwanag ni Ali, "It was miscommunication.

"Actually, marami ang nakarating sa kanya na hindi ko sinabi, my words were twisted.

"Parang sinabi ko raw na kaya siya sumikat ay dahil kay Miko, which I never said...

"Merong mga ganung words that were twisted, but it’s all water under the bridge.

"And I would like to believe that it shouldn’t matter…

"Considering kung ano ang pinagdaanan naming dalawa, I will always, always keep her close to my heart.

"Divine [Providence] na yun, e, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman namin pinili na siya yung minamahal ng anak ko before he died, ’di ba?

"At saka, yung seeing each other and caring for each other through the grief, ’di ba?

"Hindi naman namin pinili yun, e."

Dagdag pa niya, "Angel will always have a special place in my heart.

"I hope, ganun din ako sa kanya.

"Minsan nga, ’pag may nababalitaan ako na hindi maganda tungkol sa kanya, I knew in my heart na malalagpasan niya yun.’

"I’ve always known her to be a brave woman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN