Marion Aunor happy to write a song for Kathryn Bernardo

Marion Aunor is surprised that her first album is selling well and her song "DoDoDo" has gone up the top charts. "First of all, nobody buys an album anymore. Second, yung music ko, hindi naman talaga siya pop," she says.


Ibinalita ni Marion Aunor na siya ang composer ng isang awitin ni Kathryn Bernardo, ang “You Don’t Know Me”, na kasama sa album ng Kapamilya Teen Queen.

Paano napunta kay Kathryn yung kanta niya?

“Actually, more sa Star Records [ang decision].

"Sa meeting namin with Sir Roxy [Liquigan], na-mention nila na gusto nila yung image ko na all-around as a singer, songwriter, musician.

“Parang total musician at in-encourage din nila akong magsulat ng songs para sa ibang artist at gusto ko rin naman yun.

“So, sinabi nila na may upcoming album si ganito at baka gusto kong magsulat ng song para sa kanya.

"So, nung nag-pitch ako ng song para sa album ko, meron silang isang song na nagustuhan na bagay raw kay Kathryn.

“Sabi ni Tito Vehnee [Saturno], ’Marami ka pa namang song na maisusulat para sa sarili mo.’

"So, pumayag ako.

"Cool na kay Kathryn mabibigay ang song ko.

"I mean, bigtime na rin siya.

“Nong nag-meet kami sa studio, bumagay naman sa voice niya.

"’Tapos tinatanong ni Kathryn what’s the story behind the song.

"Natutuwa naman ako kasi gusto niyang malaman yung ganon.

“Sobrang malaki yung fanbase niya.

"Sumunod pa na song ko ang ginamit sa debut niya.

"It makes sense, na-promote yung song, and then makakasulat pa ako ng song for her.”

Nang narinig niya ang rendition ni Kathryn sa “You Don’t Know Me,” pumasa ba agad sa kanya?

Sabi ni Marion, “I think nabigyan niya ng sarili niyang style yung song, which was expected.

"Naging okey naman and happy naman ako kasi bumagay sa kanya yung song.

“Feeling ko, makaka-relate sa kanya ang young people if she sings it.”

HIMIG HANDOG. Samantala, ngayong Linggo, September 28, na ang finals night ng Himig Handog P-Pop Love Songs songwriting competiton produced and organized by Star Records and ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nararamdaman na raw ni Marion ang excitement sa muli niyang paglahok sa kumpetisyon bilang interpreter at hindi isang songwriter.

Nong nakaraang taon, second place si Marion sa Himig Handog para sa composition niyang “If You Ever Change Your Mind.”

Sa pagkakataong ito, ang katunggali niya bilang songwriter noong nakaraang taon ay siya namang lumikha ng song entry na “Pumapag-ibig” na i-interpret ni Marion—si Jungee Marcelo.

Ayon kay Marion, sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, mas kokonti ang dulot na pressure sa kanya bilang interpreter.

“For some reason, hindi ko alam kung dahil second time na o dahil hindi naman ako composer.

"Pero mas napi-feel ko yung pag-composer ka kasi song mo yung ilalaban.

“This year ang pressure lang ay kung mai-interpret namin kay Sir Jungee [Marcelo] yung song sa finals night.”

"And I’m glad naman na nasatisfy naman siya sa ginawa namin at nag-match yung gusto niya sa rendition namin.

Ibang-iba raw ang kanta ni Marion sa mga entries ng contest kaya hindi siya ganon ka-stress kumpara nong nakaraang taon.

“Sa kanila emotional, heart-breaking OPM na nakasayanan namin.

"Yung sa amin ibang-iba yung sound namin.

“Nawi-weirduhan nga ako kung paano mag-judge sa OPM songwriting competition specially iba-iba yung genre?

"Paano mo malalaman na iba etong song na ito sa iba? Sa structure ba? I don’t know about that.”

Hindi siya nag-aalala na baka makuha ang contest sa fanbase kung saan nanalo ang hindi deserving dahil kilala ang interpreter?

Saad ni Marion, “You know, what I like about Himig Handog, especially yung Top 5, like last year, wala naman talaga sa voting. Sa judge lang kinuha.

"Yun nga po yung kay Daniel Padilla, nahakot niya lahat ng award.

“I’m expecting na ganun uli ang mananalo.

"Hindi nga ako nagpu-push na, ’O, guys, i-vote ninyo ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang sa akin… na makasama kami sa top selection."

ALBUM SUCCESS. Hindi naman daw magtatapos ang career ni Marion sa Himig Handog.

Nakaplano na raw na tapusin niya ang kanyang second album kung saan mga self-composition na niya ang ilalagay rito.

Natuwa naman si Marion na nag-topseller sa Astroplus ang una niyang album nitong mga nakaraang buwan.

“Nagulat nga ako, really? May bumibili pa pala ng album ko?

"First of all, nobody buys an album anymore.

"Second, yung music ko, hindi naman talaga siya pop.”

Importante pa ba sa kanya na kumita ang album niya o magkaroon uli ng award?

“Mas gusto ko nga po na sini-share sa YouTube yung mga songs ko, sa Twitter.

"Para pagdating sa mga gigs, alam mo na alam na nila yung song mo ’pag nagsi-sing-along sila.”

Samantala, patuloy pa rin ang pagkanta ni Marion ng theme song sa mga teleserye sa ABS-CBN.

Ang latest ay sa Ikaw Lamang kung saan ang revival song mula sa Hotdog na “First Love” ay siya ang kumanta.

PHILPOP. Gustuhin mang tumawid ni Marion sa ibang songwriting competitions, gaya ng Philpop, mukhang hindi na raw ito mangyayari.

Paliwanag niya, “I’ve already joined before pero nag-backout ako, remember?

"So, baka magkaroon na naman ng something or whatever, I guess sa Himig Handog na lang.

“Hindi ko talaga alam na magkakaroon ng issue."

Ang nangyari daw, dapat ay kasama sa Philpop ang isang kantang isinulat niya, ang “DoDoDo” na nakapasok na rin sa Top 10.

Hindi raw pala puwede at pina-pull out yung song niya ng management.

“And then, prinamis na lang nila [Star Records] na isasama na lang sa album, which they did.

"Naging single na siya at naging popular siya dahil yun ang plinay [play] sa debut ni Kathryn Bernardo at nag-trending yung song.

"So, okey na rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May narinig ba siyang balita na banned na siya sa Philpop dahil sa pagba-backout niya?

“Well, sa akin, just the fact na I got in sa Philpop

"Na-meet ko na rin si Ryan Cayabyab nung reveal nila na kasama sa Top 12 yung song ko.

“Okey na sa akin kasi na-promote naman yung song ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN