Benjamin Alves reveals his gimmicks at Cosmo Bachelor Bash were unplanned

“You’re only given that opportunity a few times in your career, to be a bachelor, so might as well make the most of it. Sana nag-enjoy ang mga tao,” says Benjamin Alves about his daring act during the Cosmo 69 Bachelor Bash last Wednesday, October 24.


Bagamat nahihiya, ikinatuwa ni Benjamin Alves ang unang pagkakataon niyang rumampa sa taunang Bachelor Bash ng Cosmopolitan Philippines.

Isa ang Kapuso hunk actor sa pinaka-tiniliang Cosmo Centerfolds ngayon taon.

Hindi rin inaasahan ang mga manonood sa pagpapakita ni Benjamin ng kanyang puwet bago ito umalis sa stage.

“You’re only given that opportunity a few times in your career, to be a bachelor, so might as well make the most of it.

"Sana nag-enjoy ang mga tao,” sabi ni Benjamin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa pocket press conference para sa nalalapit na pagtatapos ng Dading, kahapon,September 26.

Watch: Benjamin Alves takes a very "interesting" selfie

Ganunpaman, inamin ng 25-year-old actor na labis siyang nahihiya pagkatapos ng kanyang pagrampa sa stage dahil hindi niya talaga plinano ang kanyang ginawa.

Nakangiting sabi ni Benjamin, “Siguro po kung pinagplanuhan ko, baka nag-hesitate po ako.

“Actually, pagkatapos po, nahihiya ako.

"When people brought it up to me the next day, parang nakakahiya.

“Again, lahat naman yata kami kinakabahan, pero pagharap mo sa audience, wala na.”

Sa kabila nito, siniguro naman ni Benjamin na papayag pa rin siyang gawin ang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash kung sakaling kunin siyang muli at kaya ng kanyang schedule.

Katuwiran niya, “You know, being a bachelor, ilang years na lang ako diyan.

"May cut-off po yata being a bachelor in Cosmo, so kung kasama ka rito...

“Ang dami pong lalaki sa Pilipinas at hindi lang po celebrities ang kinukuha nila, lahat po, e.

“Yung proseso po nila, weeks po yata nila pinag-uusapan.

“So, kung ni-request ka nila, knowing that, dapat you should say yes. For sure, it’s fun."

Dagdag pa niya, “Basta kung next year, okay.

"Even if I’m not part of the [69 Bachelors], if they will bring me back as an alumni, yeah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Family naman po ’yang Cosmopolitan, they’re very sweet and they take care of us.

“Again, you can only do that for so many years.

"I just want to be able to look back when I’m 50 or 60."



PROUD NEPHEW OF PIOLO. Samantala, natutuwa rin si Benjamin dahil nakikilala na siya ng mga tao nang hindi dahil sa kanyang tiyuhin na si Piolo Pascual.

Nang pasukin niya ang showbiz dalawang taon na ang nakalilipas, inaasahan na raw ni Benjamin na magiging iba rin ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao, hindi lamang pamangkin ni Piolo.

Aniya, “Well, I’ve always felt naman that people will get to know me, that I’m a different person from Kuya PJ.

“Hindi ko naman siya ginawa na parang objective na gagawin ang lahat para maging iba sa tito ko.

“I already knew from the start na however way that they want to introduce me, I’m sure that in time, it will be developed into something else, that it wouldn’t be just an exit.

“Para namang wala na akong naipakita niyan kung ’yon pa rin ang naaalala nila in the last two years that I’ve been working.

"Although, if that’s still the case, okay lang naman po ’yon.”

Diin pa niya, “He’s my uncle and I’m very proud of it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN