Mark Neumann admits to being a victim of bullying when he was a kid

Kabaligtaran daw sa totoong buhay ang ginagampanang role ni Mark Neumann sa Mr. Popular Meets Ms. Nobody ng TV5, kung saan gumaganap siyang bully sa eskuwelahang pagmamay-ari ng kanyang pamilya.


Kabado ang baguhang aktor ng TV5 na si Mark Neumann sa pagbibidahan nitong Wattpad Presents: Mr. Nobody Meets Ms. Nobody dahil halos labinlimang milyon ang nakabasa na ng istorya nito online.

Saad ni Mark, “Nag-e-expect talaga yung mga readers kasi it’s 15 million read na this book.

"It has a 15 million views, reads.

"So, for me po, ako, I want to, kumbaga, gusto bigyan ng justice.

"I want to make… give the best.

"I want to, you know, to please them.”

Ano ba ang role ni Mark sa story?

“Ako po dito si Kyle Shin-Woo.

"Anak po ng may-ari ng school ’tapos mayaman po siya.

"’Tapos siyempre po, kasi yung dad niya yung may-ari ng school, siga siya.

"Yes, mayabang na bully."

Makakatambal ni Mark dito ang kapwa niya graduate sa artista search ng TV5, ang Artista Academy, na si Shaira Mae.

Ito na ang pangatlong proyektong pagsasamahan nila bilang loveteam pagkatapos ng Kidlat at Confessions of A Torpe.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Mark sa pocket interview nito at iba pang cast ng Mr. Popular Meets Ms. Nobody, noong Huwebes, September 25, sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City.

VICTIM OF BULLYING. Kabaligtaran daw sa totoong buhay ang role ni Mark sa show.

Saad ng 20-year-old actor, “What I find them... kasi ano, malayo po siya sa akin, kasi hindi ako yung masiga.

"Actually, ako yung binully when I was a kid.

"Sila nag-bully sa ‘kin when I was a kid."

Gumaganti ba siya sa mga nam-bully sa kanya noong kabataan pa niya?

Nakangiting sagot niya, “Yes.”

Pero hindi na nito ipinaliwanag kung paano.

Ayon pa kay Mark, natsa-challenge siya sa kanyang role bilang Kyle.

“For me, it was quite a challenge kasi… sa the Confessions of a Torpe kasi, from torpe to siga, it’s quite malayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, you have to make a big change to yourself.

“For example, sa stand pa lang, kailangan yung siga na siga.

"’Tapos yung the way you speak, authoritative ’tapos parang pala-utos, yung ganyan."

Sa ngayon daw, mas lalo pang pinagbubuti ni Mark ang kanyang pagta-Tagalog.

Lahad pa ng Filipino-Croatian actor, “Hindi pa ako fluent sa Tagalog, pero parang ano na, umu-okay na siya.

“Wala na akong masyadong problema sa pagsasalita ng Tagalog.

"Kumbaga, ano na siya, medyo nagiging natural na siya.

"Actually, nakakalimutan ko na yung Germany. Yung German, nakakalimutan ko na, e.

"Yung Tagalog na mas inuuna ko sa pagsasalita."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN