Dennis Padilla on his opposition to daughter Julia Barretto’s petition for change of surname: “Merong mga laban na dapat mong ipaglaban.”

Dennis Padilla expresses his sentiment about his legal right as Julia Barretto’s dad: “I don’t think na kabawasan sa mga anak ko kung gagamitin nila yung legal name nilang Baldivia dahil they were born with it and hindi naman sila magiging tao kung isa lang ang gumawa sa kanila.”


Naghihintay na lang daw ng court decision si Dennis Padilla kaugnay sa opposition counter-affidavit na isinumite niya sa korte para tutulan ang pagpapalit ng apelyido ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang isyu sa pagitan ng komedyante at ng dalagita niyang anak, na contract star ng ABS-CBN, nang mag-file ito ng request na palitan ng Barretto ang legal surname niyang Baldivia, na siyang tunay na apelyido ni Dennis.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis nang mag-host siya ng Binibining Lobo Batangas beauty pageant talent night, na ginanap sa Lobo, Batangas, noong Miyerkules ng gabi, September 24.

Ayon sa aktor, naghihintay na lang siya kung ano ang magiging resulta ng korte sa kanyang ipinaglalaban.

“Yung mga sumunod na hearing, puro submission na lang ng mga documentary evidences.”

Bakit mabilis ang pagdinig sa petisyon?

Sagot ni Dennis, “Oo, kasi pagka... actually, mabilis lang ang hearing nung ganun.

"Ang matagal lan, ang pagdi-decide nung judge. Yun na lang ang hihintayin mo dun."

Nagkaroon na ba siya ng court appearances?

“Yun lang noong una. Yung unang hearing lang.

“Actually, kahit hindi ka nga uma-attend ng unang hearing, okey lang, e. Basta nandun yung abugado mo, e.”

Ano ang nararamdaman ni Dennis sa latest developments na ito? Maibibigay ba ang petisyon niyang huwag tanggalin ang apelyido niya sa pangalan ni Julia?

“I hope, sana... sana.”

Paano kung hindi pumabor ang korte sa hiling ni Dennis?

“E, ano’ng magagawa natin? Kailangan nating irespeto kung anong desisyon ng husgado,” sagot niya.

NO CONTACT SINCE JULY. Bakit nagkaganito ang sitwasyon nilang mag-ama? Si Julia ba ang nagdesisyon na palitan ang family name niya?

Saad ni Dennis, “Nagkausap naman kami siguro two-three weeks before yung interview ko sa Startalk.

“Tinatanong ko nga kung bakit kailangan pang mag-file ng change of name.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, legal name mo naman yun. At yung ginagamit mo namang screen name e Julia Barretto.

“Sabi ko, yung legal name mo, nagagamit mo naman sa passport, legal documents, NSO [National Statistics Office].

"Yun ang sinabi ko sa kanya.

“E, hindi naman siya sumasagot."

Nagbago ba ang trato nila sa isa’t isa matapos sumulpot ang isyu sa pagitan nilang dalawa ng kanyang anak?

“E, ngayon, hindi kami nagkakausap, matagal na mula pa nong July. Hindi pa kami nagkakausap.

“I tried calling yung number, pero parang iba na yung number, e... Ganun talaga.”

FIGHTING FOR HIS RIGHT. Paano niya tinatanggap lahat ng mga nangyayaring ito sa pagitan niya at ng kanyang mga anak?

Mula pa kasi noong naghiwalay sila ni Marjorie ay nagkaroon na ng problema si Dennis sa mga anak niya.

Nang maayos na ito, sumulpot naman ang pagnanais ng mga bata na tanggalin ang legal na apelyido sa pangalan ng mga ito.

Reaksiyon dito ni Dennis, “Ganun talaga, e.

“Meron kasing mga laban na puwede mong palagpasin.

“Pero merong mga laban na dapat mong ipaglaban. Isa ito sa mga dapat mong labanan dahil apelyido mo yun, e.

"Saka tatay nila ako, e.

“Karapatan nilang ipaglaban yung gusto nila. Pero pakiramdam ko, karapatan ko ring ipaglaban yung gusto ko na dapat dala-dala nila yung legal name nila.

“Lahat naman ng mga artista, may mga screen name.

“I don’t think na kabawasan sa mga anak ko kung gagamitin nila yung legal name nilang Baldivia dahil they were born with it, and hindi naman sila magiging tao kung isa lang ang gumawa sa kanila.

“Saka dapat malaman nila at maintindihan nila kung ano itong ipinaglalaban ko.

"Dahil pagtanda nila, saka nila malalaman kung gaano kaimportante itong ipinaglalaban ko."

Sa palagay ba ni Dennis ay may kinalaman si Marjorie sa ginawang ito ni Julia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, hindi ko alam. Hindi ko alam. Yung tungkol doon, hindi ko alam,” pakli niya.

Tiyak nang magbabago ang relasyon ni Dennis sa mga anak niya kapag naibigay ng korte ang request nilang change of surname. Paano niya ito tatanggapin?

“Well, ganun talaga, e,” kibit-balikat niya.



CLAUDIA TO FOLLOW SUIT? Bukod kay Julia, nag-file na rin daw ng petition para sa change of name ang isa pa niyang anak na mas bata kay Julia, si Claudia.

Saad ni Dennis tungkol dito, “So I filed a separate opposition. So, bale I have two lawyers.

“Yung isang lawyer na si Atty. Mike Ramirez para doon sa opposition ko kay Julia tungkol sa change of name.

"’Tapos yung isa kong abugado na si Atty. JV Bautista, para kay Claudia naman.”

Ang anak naman niyang lalaki na si Leon ay hindi pa raw nagpa-file ng change of name dahil eleven years old pa lang ito.

Dagdag pa ni Dennis sa posisyon ng kanyang dalawang anak, “E, si Claudia, fifteen nung July, ’tapos si Julia seventeen noong March.

“Pero nag-file siya ng petition for change of name, Claudia was only 14 years old and Julia was only 16 years old last August.

“August ko pa nalaman, pero nung June ko lang nalaman na nag-file sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN