Ruffa Gutierrez clarifies mom’s insinuations about her ’busy’ lovelife: “Naku, alam niyo naman ’yang si Mommy, palaging OA.”

Ruffa Gutierrez on mom Annabelle Rama’s insinuations about her "busy" lovelife: “I would like to correct her statement. I don’t entertain them, I’m just being polite and I accept their presents. But it doesn’t mean they are my boyfriends. For the record, it’s been three and a half years since my last relationship.”


Mula sa six episodes noong first season ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez, simula ngayong October 5 sa E! Channel ay mapapanood ang ten episodes sa second season ng family-reality show na ito na tinatampukan ng Gutierrez family.

Kung dati, ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez lang ang regular cast na babae sa pamilya nila, ngayon ay kasama na rin sina Sarah Lahbati at Alexa Uichico, girlfriends ng mga kapatid ni Ruffa na sina Richard at Elvis, respectively.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ruffa noong September 15 sa R Space, Makati City, tinanong namin siya kung ano ang bagong aabangan sa ikalawang season ng family-reality show nila na ipinapalabas sa ilang bansa sa Asia.

Sagot niya, “Second season—more drama. Bigger, bolder, better episodes. Longer episodes kasi it’s 10 episodes.

“So, busog na busog yung mga tao sa season na ‘to.

"And I think, they’ll really get to know us more kasi, sa first season, it was more like introducing the family."

Sa parte ng kapatid niyang si Richard Gutierrez, ang naging highlight nito noong nakaraang season ay ang pag-anunsiyo nitong may anak na sila ni Sarah Lahbati.

Sa palagay ni Ruffa, ano naman ang naging highlight niya noong season one ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez?

Sagot niya, “Highlight ko? I think, hindi naman dapat sa akin manggaling, sa audience manggaling yun.

“Pero feeling ko, since season 1, I was the narrator, that was the highlight for me. Ako ang nagsasabi ng kuwento.

“Kasi, hindi ko pa alam ang gagawin nila for the first season, hindi ko pa napapanood yung buong episodes.

“Actually, I was always surprised,” pag-amin niya.

MORE HANDS-ON NOW? Noong Season 1, hindi raw nila alam kung ano ang ipalalabas kada episode kaya madalas ay nagugulat sila sa napapanood.

Ngayong sila na ang producer ng show, kailangang mapanood muna ba nila ito bago maipalabas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ruffa, “Well, kasi ang nakalagay sa kontrata, one member of the family should approve of it.

“Kapag na-approve na, okey na.

“I only saw the rough draft of the first episode, pero pinalitan pa yata ang music at naglagay ng ibang scenes.

"So, hindi ko na alam kung ano ang final episode.

“I guess, I’ll just see it when it airs on TV.

"But I can definitely say that this season is more bongga than the previous one in so many ways."

Nag-e-enjoy talaga siyang gawin ang kanilang reality show?

“Oo, nag-e-enjoy kasi sanay na ’ko.

“In the beginning, medyo nahihirapan pa ako that the camera’s there, but now, parang sanay na kami.

“You know, I’m in an event, ’Miss Ruffa, you wear lapel.’ Minsan nakakalimutan ko na naka-lapel ako.

“So, kung anu-ano ang sinasabi ko, nagiging natural na.

"Kumbaga, the camera is now part of the family."

GROWING FAN BASE. Kung popularidad din naman ang pag-uusapan, hindi naman pagtatakhan na noon pa man at kilala na si Ruffa at may nakalakilala rin sa kanya sa ibang bansa dahil sa pagiging 2nd runner-up niya sa Miss World noong 1993.

Mula nang gawin niya ang kanilang family reality show sa E!, ’tulad ng kanyang ina na si Annabelle Rama, nararamdaman ba niyang mas kilala na siya sa Asia?

Sagot ng dating beauty queen, “Well, in terms of the Asian audience, yeah.

“I guess, in terms of the Philippine audience, everyone knows me since I was a kid.

"So, I hope that they’ll always remember me for who I am, my works and my achievements.

“And for the Asian audience, napapansin ko talaga na I have more Asian fans now.

“People who are not Filipino, they come up to me and they say, ’Hey, we watch your show.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Someone’s always giving me their card. ’You know, my wife wants to meet you. My kids want to meet you.’

“And it’s a good feeling.

"I welcome them, I’m nice to them, and I treat them like my Filipino fans,” saad niya.

NO LOVELIFE. Sa presscon proper para sa season 2 ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez, nagbigay ng litanya ang mommy niya na parang araw-araw raw ay mayroong “lovelife” si Ruffa.

“Naku, alam niyo naman ‘yang si Mommy, palaging OA.

“Akala niya, may nagpapadala ng bulaklak, stuffed toy or mga prutas sa bahay, akala niya boyfriend na yun. Hindi!” natatawang sabi niya.

Dugtong pa ni Ruffa, “I don’t entertain them and I would like to correct her statement.

“I don’t entertain them, I’m just being polite and I accept their presents. But it doesn’t mean they are my boyfriends.

"For the record, it’s been three and a half years since my last relationship."

NO TV CONTRACT YET. Sa huli, tinanong ng PEP si Ruffa kung balik-Kapamilya na ba siya dahil madalas ay sa ilang shows ng ABS-CBN siya napapanood.

Sabi niya, “Pa-guesting-guesting. I don’t have a contract with ABS.

"I guess now, we’re focusing on the Asian region.

“Like, NBC is flying us to Singapore for the F1.

"Raymond [Gutierrez] and I are covering the F1 for the red carpet.

“I’ll be in Malaysia and I’ll be a guest judge for Super Model Me, it’s an Asian reality show that’s also shown across the region.

“And there’s another big project that lined up for me, pero hindi ko pa puwedeng sabihin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN