Diego Loyzaga on Daniel Padilla’s leaked audio-video clip: “Ang maganda naman kay DJ, he admitted his mistake.”

Diego Loyzaga on Daniel Padilla’s controversial audio-video recording: “Kinumusta ko naman siya. I read his tweets kasi. Ang maganda naman kay DJ, he admitted his mistake. Nagpakalalake siya sa situation na iyon. But knowing DJ, he’s very strong. Malalagpasan niya itong problema na ito.”


Nasa bakuran ngayon ng TV5 ang anak nila Cesar Montano at Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga dahil sa isang project na Wattpad Presents: Mr. Popular Meets Miss Nobody, kunsaan kasama niya ang TV5 stars na sina Mark Neumann at Shaira Mae dela Cruz.

Nilinaw naman ni Diego sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya last September 18 sa TV5 Media Center sa Reliance Street, Pasig City na hiniram lang muna siya ng Singko para sa project na ito at under Star Magic pa rin siya.

“My contract with the network has already expired. Pero may contract pa rin ako with Star Magic.

“Hiniram lang nila for this particular project. Since wala pa naman akong bagong show after Mirabella, ito muna ginawa ko and it’s okay with Star Magic na magtrabaho muna ako with TV5.

“Sa totoo lang, I had fun working with the people at TV5. Masaya kaming lahat and we all bonded sa first day of taping pa lang.

“Mabilis kaming nag-jive nila Mark and Shaira. Hindi na kami dumaan sa parang awkward stage dahil magkaiba kami ng TV network. We immediately clicked as a team,” masaya niyang ibinalita.

Wala rin daw problema sa 19-year old young actor kung sakaling kunin siya ulit ng Singko para sa isa pang project.

“Okey sa akin ’yon. As long as wala pa naman akong project with ABS-CBN, open ako to work with TV5.

“It would be an honor if TV5 would get me for another project kasi nga ang ganda ng experience ko with them,” pagpapasalamat ni Diego.

ROLE IN NEW SERIES. Sa “kilig” mini-series na Mr. Popular Meets Miss Nobody na sinulat ni Pinkyjhewelii at magsisimula na on September 29, ginagampanan ni Diego ang matalik na kaibigan ni Kyle (ginagampanan ni Mark Neumann) at mai-in love siya sa babaeng inaapi nito na si Chelsea (ginagampanan ni Shaira Mae dela Cruz).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In the series, Kyle is the most popular student on campus. He’s not just rich, his family owns the school. Then a scholar named Chelsea comes to the school at nag-clash sila ni Kyle.

“Being the campus hotshot, Kyle bullies Chelsea and makes her his slave. Tinatakot niya si Chelsea na kung hindi ito papayag na maging slave niya, he will have her scholarship terminated.

“Kaya si Chelsea, lahat ng gustong ipagawa sa kanya ni Kyle ay ginagawa niya because she wants to maintain her scholarship.

“Ako naman, naaawa ako kay Chelsea kasi hindi na tama ang ginagawa ng best friend ko. Ako ang nagtatanggol kay Chelsea parati until I fell for her.

“Yun pala si Kyle, he was also slowly falling in love with Chelsea who is just an ordinary girl and out of his league.

“Doon na magsimula ang conflict naming magkaibigan and it’s up to Chelsea kung sino ang piliin niya sa aming dalawa,” kuwento pa ni Diego.

SYMPATHIZING WITH KIKO. Tinanong namin si Diego kung alam ba niya ang naging tampo ng kanyang kaibigan na si Kiko Estrada sa ABS-CBN kaya ito bumalik sa GMA-7.

Sa kuwento ni Kiko, na-disappoint ito noong bigla siyang tanggalin bilang lead actor sa teleserye na Mirabella. At ilang beses na raw siyang pinangakuan ng project pero parati na lang daw siyang pinapalitan ng ibang aktor.

Ayon kay Diego, naiintindihan daw niya ang pakiramdam ni Kiko kaya hindi raw niya masisisi ito kung bakit nagdesisyon itong bumalik sa Kapuso network.

“I cannot blame Kiko for feeling that way. It’s very frustrating nga naman for any actor na biglang mawala sa iyo yung isang project. In his case, ilang projects na pala iyong nawala sa kanya.

“Actually, kaming dalawa ni Kiko ang dapat na leading men ni Julia Barretto sa Mirabella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then nag-change sila ng casting. Pinalitan kami ni Kiko nila Enrique Gil and Sam Concepcion. Naging support na ang role but Kiko was removed from the cast.

“Sabi nga ng parents ko, things like that happen naman talaga sa kahit na anong project.

“Hanggang hindi pa nasisimulan ang isang project, naiiba talaga ang cast, yung story.

“I did not take it against ABS-CBN na bigla akong ginawang support. Siguro nga they feel na hindi pa ako handa. Okey lang yun sa akin.

“Siyempre, yung nararamdaman ni Kiko ay hindi naman natin mapipigilan iyon.

“If he feels na mas magiging okey ang career niya sa kabilang station, desisyon na niya iyon. Respetuhin na lang natin iyon.

“I think it did him good kasi biglang leading man siya sa ginagawa niyang teleserye.

“So maybe it was meant to be na doon siya sa ibang network. Ang importante naman is may trabaho tayo, ’di ba?” ngiti pa ni Diego.

BREAK FROM SCHOOL. Dapat ay second year college na si Diego pero tumigil muna siya sa kanyang pag-aaral dahil sa magkakasunod na projects na ginawa niya.

Pag-amin niya, “Napag-iwanan na nga ako ng mga kaibigan ko. I really want to be in school pero biglang nagkaroon tayo ng trabaho and I don’t want din to miss those opportunities.

“So I stopped school muna and prioritized my work. But I promised my parents that I will go back to school and finish it.

“Lalo na si Dad, gusto niya talagang mag-aral na lang ako. But he also supports my passion as an actor.

“Baka mag-change course pa ako. I want to take up multi-media arts since nandito na ako sa entertainment business.

“Gusto ko rin naman na nasa interes ko yung pinag-aaralan ko.

“Tsaka I’m really into the arts. Not just as an actor but I would like to develop my skills in other forms like painting, photography or graphic arts. Basta anything visual na ma-appreciate ng marami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON SUNSHINE CRUZ. Tungkol naman sa stepmom niyang si Sunshine Cruz, sinabi naman ni Diego na wala silang problema nito, at tuwing nagkikita naman daw sila ay nandoon pa rin ang paggalang niya rito bilang ina.

Lahad pa ni Diego, “Si Tita Shine, madalas ko siyang makita sa house nila DJ [Daniel Padilla].

“Close kasi si Tita Shine kay Tita Karla [Estrada, Daniel’s mom]. So every time I go to DJ’s house, natataon na nandoon din si Tita Shine.

“Okey naman kami. Kung ano ang respect ko sa kanya noon as my stepmom, nandoon pa rin. Hindi iyon mababago porke’t naghiwalay na sila ni dad. She’s still family.

“’Tsaka I’m very close to my sisters kay Tita Shine. Masarap maging kuya sa kanila. Since wala na nga si Kuya Angelo, ako na ang naging big brother nila.”

ON DANIEL’S LEAKED AUDIO-VIDEO CLIP. And speaking of Daniel Padilla, nagulat nga si Diego dahil sa kontrobersyal na leaked audio-video recording nito kunsaan nadawit si Jasmine Curtis-Smith. Bilang kaibigan ay pinuntahan daw niya kaagad ito para alamin ang buong kuwento.

“Kinumusta ko naman siya. I read his tweets kasi. Ang maganda naman kay DJ, he admitted his mistake. Nagpakalalaki siya sa situation na iyon.

“Importante kasi kay DJ ang trabaho niya kaya as much as possible, ayaw niyang maapektuhan talaga.

“But knowing DJ, he’s very strong. Malalagpasan niya itong problema na ito,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN