Cris Villonco admits feeling pressure after winning acting award

Despite winning an acting award at the 2014 Cinemalaya (Best Supporting Actress at Directors Showcase category), Cris Villonco continues to work hard to become a more versatile actress: "Naniniwala kasi ako na you can never rest kung ano man ang nandun, and you’re only as good as your last [work]. I just plan to work harder, and harder, and harder."


Hindi maitago ni Cris Villonco ang sobrang kasiyahan na ang indie movie niyang Hari ng Tondo na entry sa nakaraang 2014 Cinemalaya Film Festival ay maipapalabas na sa commercial theaters at mapapanood ng mas maraming tao simula sa October 1.

Sa pelikulang ito ay nanalo si Cris bilang Best Supporting Actress (Directors Showcase category).

Bungad ni Cris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang hindi maitagong saya, "Ang weird, ang weird ng pakiramdam ko!

"Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin ako, dahil it’s been a while for me, kasama ang buong pamilya na artista rin and doing something in this film.

"Sobrang happy kaming lahat na makikita na ito ng buong Pilipinas at nagpapasalamat nga kami sa Star Cinema na pumayag na sila ang mag-release, nakakataba talaga ng puso."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actress sa presscon ng Hari ng Tondo na ginanap sa Dolce Latte sa Quezon Avenue noong September 24.

Kahit malaking inspirasyon sa kanya ang pagtanggap ng acting trophy, mas nakatutok daw siya ngayon sa kanyang TV and movie projects dahil matagal din naman siyang nabakante.

Saad pa niya, "Yung award, that was something na... it’s only the icing on the cake, really.

"It’s the little ornament on the cake kasi, all I want is work.

"I wanted to work again in film, I was gone for 15 years, matagal ko nang gustong magka-teleserye.

"Well, some people are hesitant pa rin kasi, matagal nga akong nawala.

"Thank you na rin that theater embraced me for a while for a number of years, and with these opportunities coming in, I’m so grateful... I’m so grateful."

PRESSURE. Ramdam raw niya ang pressure sa pagkakaroon ng isang acting award lalo na’t galing siya sa pamilya ng magagaling na artista at direktor.

Pagbuntung-hininga ng 30-year-old theater actress-singer, "The pressure is on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung manalo ako, mas naramdaman ko pa ang pressure. Like, baka kailangan ko pang mag-acting lessons, kailangan ko pang mag-workshop.

"So medyo humihingi na ako ng advice from some of our film greats, to see kung ano pa ba ang puwede ko pang i-work on.

"Naniniwala kasi ako na you can never rest kung ano man ang nandun, and you’re only as good as your last [work].

"I just plan to work harder and harder and harder."

INT’L FILMFEST. Kasunod nito ay nagkuwento na siya tungkol sa 39th Toronto International Film Festival kung saan ang Hari ng Tondo ay isa sa local entries na ipinadala.

Ginanap ito sa Toronto, Canada mula nitong September 4-14 ng taong ito.

Pagmamalaki ni Cris, "All I know is that, it was submitted and we’re a part of it.

"And that was weird because I wasn’t planning to go again, pero it was my first international film festival.

"It was very surreal to be surrounded by that much talent, to be surrounded by those great films, and to be embraced by that foreign audience.

"So that was nice."

LOCAL IDOLS. Sa puntong ito, napag-usapan namin ang tungkol sa local talents na iniidolo niya dahil sa kanilang mga talento.

Aniya, "Me, the people that I admire?

"I admire Sarah Geronimo, I admire John Lloyd [Cruz], and Dawn Zulueta.

"Of course, I admire Lea Salonga, and Tito Robert [Arevalo].

"You know, these people I’ve worked with—Eric Quizon, Jackie Lou Blanco, Ali Sotto and Celeste Legaspi—they are mostly people I’ve looked up to.

"Dati isa lang akong young girl na naglalaro ng crayons sa set, ’tapos ngayon nakakatrabaho ko na sila, it’s very humbling, and at the same time I’m so scared, and I hope I can deliver."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SETTING ASIDE THEATER WORK. Aminado siya na ngayong nagku-concentrate na siya sa paggawa ng teleserye sa Kapuso network, hindi na muna siya magiging abala sa kanyang theater work.

Sabi niya, "Well, they always say na, ’pag teatro ka, you are always rehearsing every day for many hours, so ’pag I’m doing like a teleserye, it takes time kasi, it’s like three times a week.

"So medyo magba-back seat muna siya ngayon [theater] kasi ito [teleserye] ang hinihintay ko for so long.

"I’ve been wanting talaga kasi, you know, yung Cris Villonco from 15 years ago is so different from the Cris Villonco now.

"For one, hindi na neneng. Number two, suplada ako e," na sinundan niya ng malakas na tawa.

"Mataray naman talaga ako. Angelic lang ang mukha ko pero... also, I’m trying to prove myself.

"I don’t want the industry to think na mataray ako, or spoiled ako dahil ito ang background ko.

"I really want to be in this business for a long time, and I’m not looking to become a star.

"I just wanna be a character actress, ’cause there are just so many roles to be portrayed."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN