Raquel Pempengco on finally reconciling with Charice: “Ina ako. Mawawala ba yung pagmamahal na yun bilang ina?”

Raquel Pempengco on Charice: “Kahit na masama ang loob ko o galit ako, nandun pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.”


Pagkatapos ng production number ng mag-inang Raquel Pempengco at Charice sa A.S.A.P. noong nakaraang Linggo, September 21, na nagpatunay na natuldukan na kung anumang sigalot na namagitan sa kanila, sabay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang mag-ina.

Tinanong namin si Mommy Raquel kung ang pagpapatawad ba niya sa anak ay nangangahulugang tanggap na rin niya si Alyssa Quijano bilang karelasyon ng anak, lalo na’t tutol na tutol siya sa relasyon ng dalawa noon.

Pahayag niya, “Parang anak ko na kasi.

"Nakita ko naman na almost a year yung pagsasama nila na ’di nagbago.

"Nakita ko yung pagmamahal na ibinigay niya kay Charice."

Sabi naman ni Charice, “’Yan ang pinakamalaking award na ibinigay sa akin ng Panginoon.

"I’m very thankful to God, sa lahat ng mga taong nag-pray para sa amin.

“Ito yung every person’s dream na maayos ang pamilya, kahit na anong problema, sama-sama kayong lahat.

"We are very happy."

Sa kabila ng matagal-tagal ding tinakbo ng tampuhan nina Charice at Mommy Racquel, siniguro naman nila na hindi ito naging sapat na dahilan para mawala nan tuluyan ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Dagdag pa ni Mommy Raquel, “Ina ako, mawawala ba yung pagmamahal na yun bilang ina?

"Kahit na masama ang loob ko o galit ako, nandun pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.”

Sinundan naman ito ng pahayag ni Charice, “’Pag nawala yun, ibig sabihin either wala akong puso o patay na ako.

“Kahit na anong nangyari before, kahit na anong galit, everything, lahat yun parang naging challenge lang sa relationship namin bilang family.”

Kahit hindi buo ang kanilang pamilya noong nakaraang Pasko dahil nga sa hindi nila pagkakaunawaan, ngayong darating na Pasko nama’y masaya ang pamilya Pempengco dahil sama-sama na nilang ipagdiriwang ito at parang bagong simula na naman ito para sa kanilang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon ni Charice, “Definitely, definitely.

"Iba yung feeling na parang first time uli namin itong Christmas na magkakasama-sama bilang isang pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN