Daniel Matsunaga not in a hurry to fall in love: “I believe that in God’s time, I will have my perfect one.”

Daniel Matsunaga was happy to be included in the yearly Cosmo Bachelor Bash held September 24 at the World Trade Center in Pasay City. "It’s an honor for me to be part of Cosmo for the fifth year now," he says. The Brapanese model-actor is also shooting two movies.


Limang taon nang rumarampa ang Brapanese model-actor na si Daniel Matsunaga sa Cosmo Bachelor Bash. Pero, espesyal ang taong ito para sa kanya dahil mula sa pagiging simpleng artista at modelo, siya ang nagwaging PBB All In Big Winner nito lang Agosto.

Kaya naman, dobleng saya ang naramdaman ng mga nanuod nang rumampa na siya sa Cosmo Bachelor Bash 2014 itong September 24 sa World Trade Center, Pasay City.

Pero, kaagad na umalis si Daniel pagkatapos ng kanyang solo segment sa event.

Kuwento niya, “Yes, kasi I have work. I had to go to work.

“Pero I did my part. I did my segment. I was really rushing and everything pero luckily I could make it. At least, you know, it was really fun. One more time, it’s an honor for me to be part of Cosmo for the fifth year now.

“Since dumating ako dito sa Pilipinas, I’ve been doing Cosmo all the time, ‘di ba?”

Dumating sa bansa si Daniel noong 2009 at simula noon, taun-taon ay napapanuod siya sa event ng Cosmopolitan Magazine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa launching ng J/MONIS hair magazine o hairzine ng sikat na hairstylist na si Jing Monis noong Huwebes, September 25, sa Greenbelt 5, Makati.

Si Daniel ang isa sa tampok sa back-to-back covers ng J/MONIS hairzine.

(Photo by: Arniel C. Serato)

“NAKAKAIYAK, E.” Ayon pa kay Daniel, hindi siya napapagod na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash taun-taon basta gustuhin pa ng mga tao.

Aniya, “Yes, and so yun, sobra talagang masaya ako na lumabas ako sa bahay ni kuya and I was part of Cosmo 2014.”

Dagdag pa niya, “Amazing. Grabe. Ang daming tao. Every year, Cosmo is getting bigger and bigger and this year, when I looked outside, I had to silip sa curtain and daming tao, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When they started showing my video, people were screaming, I was like whoa! Nakakaiyak, e.”

Ano naman ang masasabi niya at mukhang nadoble ang kasikatan niya ngayon?

Nakangiting sagot ng 25-year-old model-actor, “I’m really thankful. I’m really thankful sa lahat, sa support at sa lahat ng nag-vote sa ‘kin, ‘di ba?

“Yung BBS (vote to save ng PBB)... I’m really, really amazed to be loved by all these people and I can promise them na I’ll do everything for them, you know, for all my career, all my life.

“I’m always gonna do something to help somebody and the love that they share to me [goes] both ways. I love them also. It’s my pleasure. I love this country.”

PROJECTS. Bukod sa maraming guestings at shows, kasalukuyang abala si Daniel sa paggawa ng dalawang pelikula.

Kuwento niya, “Actually I just came from taping, diretso dito. I’m shooting a movie, Past Tense, with Kim Chiu and Xian Lim.

“The other one is called Shake, Rattle, and Roll. It’s with Mateo [Guidicelli] , Lovi [Poe], ang daming artista. [Quite busy ang schedule [ko], a lot of guestings.

“A lot of things I have to fix. So I came from taping, walang tulog.”

Anong role niya sa pelikula na kasama si Xian and Kim?

Lahad nito, “It’s like a love triangle na in the beginning, masama ako, but in the end ay magiging mabait ako, so parang ganun.”

Napi-pressure ba siya na makatrabaho ang tambalang KimXi?

Tugon ni Daniel, “Actually, you know, I just went with it, like you know.

“I know they are a love team, very strong love team and siyempre, a lot of comments sa Instagram, Twitter, and everything, pero you know, it’s just fun.

“It’s really fun on the set. It’s really fun with the crew and everything so, we’re just having fun. It’s work. We are professionals. We all know we are professionals so it’s work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNLUCKY IN LOVE? Maraming blessings ang dumating sa kanya pero parang kulang naman siya sa isang aspeto—ang kanyang lovelife.

Ano ang masasabi niya dito?

Natatawang sagot ni Daniel, “Kulang talaga yung lovelife ko, ‘di ba? Three years na.

“It’s been a long time. Work is very good. I’m really focusing sa trabaho ngayon and it’s been three years.

“Three years single. Two-years-and-a-half I think. Something like that. Matagal na. Pero it’s like that, in God’s time, you know.

“I believe that in God’s time, I will have my perfect one. There’s no problem to wait. Whatever it is, it’s gonna come. For now, dapat na focus sa trabaho muna while it doesn’t come.”

Ano ba ang mga katangian na hinahanap niya sa susunod niyang mamahalin?

Sagot niya, “Siyempre, God-fearing person, malapit sa mga parents ko, mabait, malambing, maganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN