LJ Reyes recounts John Prats’s elaborate marriage proposal to Isabel Oli

LJ Reyes shares how John Prats was able to pull off his elaborate marriage proposal to Isabel Oli: “Walang idea si Liv [Isabel] sa mga mangyayari. At kasama talaga ni John ang family niya na nag-conceptualize, makikita mo talaga na mahal na mahal nila si Liv.”


Ang Kapuso actress na si LJ Reyes ang isa sa mga unang nakaalam ng ginawang marriage proposal ni John Prats kay Isabel Oli sa Eastwood Mall noong September 24. Matagal nang magkakaibigan sina LJ at Isabel, at kasama rin sa grupo nila sina Chynna Ortaleza at Ryza Cenon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa telepono noong September 25 at sa pagkukuwento pa lang ni LJ, halatang masayang-masaya ito para sa kaibigan.

“Grabe, sobrang saya lang talaga.

“Walang idea si Liv [Isabel] sa mga mangyayari. Sobrang nakakatawa kasi. Nakikita namin silang dalawa ni Camille Prats dahil nasa side kami, pero hindi nila kami nakikita.

“’Tapos yung alam mong talagang pinaghandaan ni John yung proposal niya.

“At kasama talaga ni John ang family niya na nag-conceptualize, makikita mo talaga na mahal na mahal nila si Liv.”

THE PLAN. Paano nila nailihim ang plano kay Isabel?

Detalye niyang kuwento, “Si Cams kasi ang kasama ni Liv. Sobrang stressed si Cams, kinakabahan siya at iniisip niya kung paano niya madadala si Liv sa stage.

“Dalawang stage kasi dun, yung malaki at saka yung maliit. E, paglabas nila ng store, nagpi-play ng piano si Sam [Milby].

“So nakikita namin, tawang-tawa kami sa reaksiyon ni Liv. Parang nagulat siya na nandoon si Sam at nagpi-piano.

“Lumapit siya tapos sabi niya, ’Uy Sam, anong ginagawa mo?’” natatawang kuwento ni LJ.

“Pero hindi niya naiisip kasi, ang alam niya, may Globe event kaya marami rin tao.

“So inisip niya sa Globe event yung ginagawa ni Sam. Sabi ni Cams kay Liv, inaaya na niya, sabi niya, ’Wag mo nang intindihin si Sam.’

“Si Liv talaga, ang kulit, makikita mo sa mukha niya yung innocence at sabi niya, ang cool daw ni Sam.”

Kuwento pa rin ni LJ, “So yun nga, pagdating nila sa may maliit na stage, itong si Liv, may pagka-usyosero rin, kasi nga maraming tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nakarating na sila sa maliit na stage, sinabi ni Cams, ’O, diyan ka lang, ‘wag kang aalis diyan.

“Tawa kami nang tawa kasi, nakikita mo talaga, sobrang inosente, si Liv nagpa-panic na parang, ’Hindi ako puwede rito, Globe event ‘to,’” natatawa niyang kuwento.

Hanggang sa lumabas na nga raw sa video wall ang mga pictures nina John at Isabel at ang video ni John at nagsimula nang magsayawan ang mga tao.

“Hayun na, umiyak na si Liv sa video pa lang.

“Nakita pa niya after lahat ng songs, sumayaw na ang mga kapatid ni John, pati yung anak ni Cams.

“Yung iyak ni Liv, grabe. Kami rin sobrang naiiyak na. Tapos nagtanong na si John. Si Liv nakakatawa, hindi makasagot.

“Nakakatuwa lang kasi, lumabas talaga yung personality nilang dalawa. Si John, sobrang kalog. Si Liv naman, sobrang innocent.”

Pagkatapos daw ng flash mob proposal ni John, dumiretso raw sila sa bahay nina John at kuwento ni LJ, halos mag-uumaga na raw sila naghiwa-hiwalay.

Nasa bahay na raw nina John nang mag-sink-in kay Isabel ang nangyari.

“Parang tulala lang siya,” natatawang kuwento ni LJ.

“Noong nandoon sa bahay, doon lang nag-sink in kay Liv ang mga nangyari.”

NOT GETTING MARRIED YET. Kinumusta naman namin si LJ: Kung kasiyahan at kilig ang naramdaman niya nang ma-witness ang ginawang proposal ni John kay Isabel, kailan naman kaya na siya ang makakaranas ng ganun?

“Naku, hindi!” natawa pa niyang sabi.

“Ganoon kalaki ang happiness namin para kay Liv para maisip pa namin ang sarili namin.

“At saka, alam din naman namin ang mga pinagdaanan ng kaibigan namin and sobrang saya lang talaga na nahanap nila yung isa’t isa. Na mahal na mahal nila ang isa’t isa.

“Ako hindi pa, marami pa akong kailangang gawing trabaho at saka kailangan ko pang magtapos ng school.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO SCHOOL. Balik eskuwela si LJ dahil nag-enroll daw siyang muli ng isang subject sa La Salle. Palagi raw niyang naiisip talaga na balikan ang hindi niya natapos na Economics course at kahit paisa-isang subject ay gusto raw niyang makatapos.

“E, kasi sayang naman, ’di ba? Mahirap talaga. Actually, sobrang hirap din kasi siyempre, ang dami kong ginagawa.

“Nagti-taping ako ng Yagit, nag-aalaga rin ng anak, pero okey lang, napagsasabay ko naman.

“Yun nga lang, isang subject lang yung kinuha ko muna. Titingnan ko sa susunod, baka makaya ko na madagdagan, pero tiyaga lang talaga.

“Yung iba naman kasi, nagagawa ko rin sa taping, like yung pagri-research.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN