Gabby Eigenmann on late dad Mark Gil’s parenting style: “He’s more of a best friend.”

Gabby Eigenmann keeps some of the ashes of his late dad Mark Gil in a light orange-colored pendant necklace. "Alam mo bang nalaglag ’to?" he says referring to the necklace which he wears all the time. "I was taking a shower, sobrang secure siya, nakalimutan kong tanggalin at bigla na lang nalaglag. Isa kasi sa mga gusto niya ay isabog nga ito sa Montemar... Imposible talagang malaglag, pero heto nalaglag siya, pero naka-lock pa rin. Scary, ’no?"&l


Back to work na ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann matapos ang sunud-sunod na selebrasyon bilang pag-aalala sa kanyang namayapang ama, ang dakilang aktor na si Mark Gil.

Si Gabby ay anak ni Mark Gil at ng model-actress na si Irene Celebre.

Katatapos pa lang magtipun-tipon ng pamilyang Eigenmann at De Mesa sa Montemar Beach sa Bataan, kung saan nila ipinagdiwang ang ika-53 kaarawan sana ni Mark Gil nitong nakaraang September 25. Sumakabilang-buhay si Mark dahil sa liver cancer noong September 1.

Pahayag ni Gab sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I’m back to work, yeah, it’s a roller-coaster ride but then again, we have to be happy.

"We have to celebrate his life.

"We are coping but there are days na naiisip talaga namin siya.

"But I know everyone must try to move on, that’s what our dad wants us to do.

"Kaya nga, we had a retrospective of his movies kasi it’s part of moving on."

SCARY INCIDENT. Nagkuwento siya tungkol sa kanyang karanasan kunsaan tila nagparamdam sa kanya ang amang si Mark.

May kinalaman ito sa abo ng kanyang ama na matapos ma-cremate ay pinaghati-hatian nilang magkakapamilya.

Sa parte niya, nakalagay ang abo sa loob ng isang light orange-colored pendant na lagi niyang isinusuot.

Nakatawang kuwento ng Kapuso actor, "Alam mo bang nalaglag ’to?" sabay hawak sa nasabing pendant.

"I was taking a shower, sobrang secure siya, nakalimutan kong tanggalin at bigla na lang nalaglag.

"Isa kasi sa mga gusto [ng dad ko] ay isabog ito sa Montemar...

"Imposible talagang malaglag [ang pendant], pero heto nalaglag siya, pero naka-lock pa rin.

"Scary, ’no?"

Kinausap niya raw ang kaluluwa ni Mark dahil baka ito ay nagpaparadamdam sa kanya.

Sabi pa niya, "Kinausap ko talaga siya.

"Sabi ko, ’Dad, sorry kung naliligo ako, you don’t have to watch,’" na sinundan niya nang malakas na tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nag-pray ako na sana ay maging okay na rin siya wherever he is now.

"Tapos, sabi ko nga, na ’wag na siyang mag-worry about us, dahil okay din kami."

REMAKE OF DAD’S FILMS. Sa puntong ito ay tinanong namin kung meron ba siyang gustong i-remake sa mga pelikula ng kanyang daddy.

Bulalas ni Gab, "Marami!"

Aniya, "Like, yung Magic Kingdom.

"Pero ang isa sa movie niya na na-traumatize ako ay yung Kid, Huwag Kang Susuko.

"Kasi when I was a kid, I used to tag along with Dad, tapos yung isang sipa ni Richard Gomez sa daddy ko, I cried.

"Ang dating kasi noon sa akin, nasaktan siya. Wala pa akong kamuwang-muwang noon sa movies.

"I’ve seen the fight scenes, sobra talaga!"

Kaya nga raw nang minsan na makausap niya si Richard ay sinabihan niya ito na, "I hated you! I hated you!"

"Ngayon ko lang na-open up sa kanya na, ’Alam mo, when I was a kid, I used to hate you a lot.’

"Tawa lang siya nang tawa," salaysay ni Gab.

DAD-SON RELATIONSHIP. Looking back, may ilang bagay rin daw siyang pinagsisihan kung tungkol sa relasyon nilang mag-ama ang pag-uusapan.

Pagbabalik-tanaw niya, "Heto nga ang nakakatawa, e.

"I never grew up with him. Laking mommy ako, e.

"But when I turned 15, I decided to have a dad, every time na I would wake up, I needed to see a daddy.

"Yeah, 15 pa lang ako, very independent na rin ako. Pero I stayed with him for the next couple of years.

"Nag-catching up naman kami, although he never turned his back on us, kahit noong kids pa lang kami."

Dugtong pa niya tungkol sa mga alaala niya sa namayapang ama, "He would pick us up, he would borrow us every week.

"Close-knit talaga kami, kaya hindi ko pa rin siya puwedeng sabihan na nagkulang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga siguro kahit, you know, mag-iiba kaming ina ng siblings ko, I would treat them fairly.

"Kapatid ko sila, yun ang itinuro sa akin ng dad ko."

LESSONS FROM DAD. Bilang ama na rin ngayon, ano ang mga leksiyon na natutunan niya sa kanyang ama na siya namang ipinapasa niya sa kanyang mga anak?

Aniya, "Ang dami e, ang dami kong natutunan sa kanya.

"That’s why nga kapag meron kaming gatherings, magkakasama kami.

"Hindi talaga kami nawalan ng panahon na hindi kami nagkikita. We call each other, we text each other, close talaga.

"Ano siya e, liberated siya, but... as long as you follow the rules, you can do anything you want, e.

"Hindi siya yung daddy na, ’Don’t do this, don’t do that.’ He’s more of a best friend.

"Kaya ganun din ako sa mga anak ko, yun yung ipinamamana ko rin sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN