Singer Michael Pangilinan denies romance with Marion Aunor: “Hindi po kami nali-link. Ano po, musical tandem ang tawag doon.”

Singer Michael Pangilinan downplays possible romance with fellow singer Marion Aunor: “Ay, hindi ko po masasabi ngayon ‘yan. Pero kung anuman po ang mangyari, siguro parehas naming gugustuhin yun kung mangyari man. Pero as of now, wala po. Magkapatid lang po talaga.”


Nilinaw ni Michael Pangilinan ang pagkaka-link niya sa kapwa singer na si Marion Aunor.

Usap-usapan kasi ang madalas na pagsasama nila sa mga show. At kamakailan, magkasabay silang nag-guest sa morning show ni Kris Aquino, ang Kris TV.

Maging sa solo press conference ni Marion ay nandoon din si Michael. Kumanta pa nga si Michael at nag-duet pa sila ni Marion.

“Hindi po kami nali-link. Ano po, musical tandem ang tawag doon,” natatawang panimula ni Michael noong makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ni Marion sa Annabel’s Miyerkules noong isang linggo.

“Para po kasing kapatid ko ‘yan, e. ’Pag meron kaming show, magkasama kami. Duet-duet, ganoon,” paliwanag niya

“Nag-start po ‘yan sa Kris TV, e.

“Pinakanta kami doon ni Kris—impromptu ng ‘Give Me a Reason.’ Yun, nagustahan naman po. Kaya naisip naming puwede kaming magkasama kami, pero hindi loveteam."

Pero posible ba na ma-develop ito sa espesyal na relasyon?

“Ay, hindi ko po masasabi ngayon ‘yan. Pero kung anuman po ang mangyari, siguro parehas naming gugustuhin yun kung mangyari man. Pero as of now, wala po. Magkapatid lang po talaga.”

READY FOR HIMIG HANDOG. Parehong interpreter sina Michael at Marion sa Himig Handog P-Pop Love Songs songwriting and music video competition na magaganap sa Araneta Coliseum ngayong Linggo. Pangalawang beses na ni Marion kumanta sa Himig Handog at first time naman ito ni Michael.

“Halu-halo po ang nararamdaman ko, e. May kaba, na-e-excite, masaya. Basta masasabi ko lang bahala na sa Sunday,” ngiti niya.

Anong paghahanda ang ginagawa niya para sa Himig Handog?

“Tulog po... alaga ng boses. Kabisado pa rin ng kanta at paano mo kakantahin,” sagot niya.

May takot ba siyang nararamdaman at ang mga kalaban niya ay mga sikat na singers?

Sagot niya, “Opo, siyempre po lalo na sobrang laki ng pangalan ng mga kasama ko doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang David and Goliath, parang ganoon po, e. Pero hindi ko naman yun ina-ano sa sarili ko, na hindi ko kailangang gawin ang best ko.

“Parang sinabi ko sa sarili ko na kahit sino ang makakasama ko, basta ang song na ‘to kailangan kong ayusin.

“Saka hindi ako nagpapatalo sa takot. Kasi kapag natakot po tayo wala tayong mararating, e.”

RECALLING X-FACTOR DAYS. Hindi na baguhan si Michael sa pagsali ng singing contest. Una siyang sumali sa prestihiyosong X-Factor Philippines.

Ano ang pagkakaiba nung pagsali niya noon sa X-Factor kumpara sa pagsabak naman niya ngayon sa Himig Handog?

Paliwanag ni Michael, “Sa X-Factor po kasi parang hindi ka ganoon ka... ganoon lang din po, kung ano yung nararamdaman ko ngayon sa Himig Handog parang ganoon lang din na na-e-excite ako, kinakabahan ako.

“Pero hindi naman po ako nag-e-expect na manalo.”

Bakit?

“Kasi po the more na mag-expect ako tapos hindi ko makuha, parang mas malalim ang sakit, e.

“Ang sabi ko po, alam ko sarili ko, siyempre kahit sino naman po ang tanungin ninyo, siyempre gustong manalo.

“Pero hindi ko lang sinasa-puso na ako na talaga ang manalo. Sinabi ko lang na matalo, manalo, okey ako. Pero para sa akin panalo ako.

“May nagsasabi sa akin, ‘Okey lang ’yan kahit hindi ka manalo. Parang panalo ka na rin kasi nakapasok ka diyan.’

“Totoo naman po na kapag nakapasok ka sa Himig Handog talagang malaking break ang mabibigay nito sa career.”

CONTROVERSIAL SONG. Sa mga lahok sa Himig Handog, kontrobersyal ang theme ng kakantahin ni Michael.

Ang awiting isinulat ni Joven Tan ay pinamagatang “Pare, Mahal Mo Raw Ako.”

Hindi ba siya nag-alala na medyo mabigat ang tema ng kanyang kanta?

“Yes po, pero wala naman po akong takot sa sarili ko, na alam ko naman kung ano ako.

“At maganda rin naman yung mensahe ng kanta. Marami rin pong matutulungan kung may mga tao man na mangyari sa kanila yun,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya nag-dalawang isip sa kanta?

“Wala, wala po. Nung sinabi po sa akin, napaisip lang ako kasi gay and ah, boy. Hindi ako nagdalawang-isip na ‘Kakantahin ko ba ‘to?’

“Ang naisip ko lang, ‘Patingin po muna ako ng lyrics.’ Kasi baka mamaya po maka-offend ako ng mga gay.

“Siyempre kasalanan ko yun kapag ako ang kumanta. Kaya noong nabasa ko, noong napakinggan ko, wala naman pong masamang sinasabi.

“Nakakatulong pa na kapag nangyari sa kanila yun, kapag may na-in love sa kanila, alam nila kung paano sasabihin na hanggang kaibigan lang, ganoon po yung tema ng kanta. Kaya po sabi ko, sige, kakantahin ko,” saad pa niya.

Hindi naman siya worried na baka pagdududahan ang kasarian niya?

“Sabi ko nga po, kung matatakot ka, kung iisipin mo sila, wala kang... parang lalo mo silang bibigyan ng iniisip kung papansinin mo.

“At least, alam ko sa sarili ko kung ano ako. At alam nung mga tao na nakakakilala sa akin kung ano talaga ako.

“Actually, tinanong din ako niyan, e.

“Sabi nila, ‘Kapag kinuha mo ba ang kantang ‘to hindi ka ba natatakot na magkaroon ka ng gender issue?’

“Sabi ko, hindi ko po iniisip yun, e. Alam ko sa sarili ko lalaki ako, e.

“Ang iniisip ko lang po, kung makaya ko bang bigyan ng justice [ang kanta]. And then, eto naman ang nagawa ko, at nagustuhan naman ng marami,” sabi pa niya.

Paano niya nabigyan ng justice yung song? Nagkaroon na ba siya ng experience sa gay?

Pagtanggi niya, “Wala po, e. Ngayon nga tinatanong nila, paano ko raw nabigyan ng puso yun?

“E, wala namang nangyayari sa amin. Ang sabi ko po, hindi mo naman kailangan magkaroon ng ganoong experience para magkaroon ka ng puso.

“Try mong isipin na kunyari may na-in love sa ‘yo na kaibigan mo talaga, yun yung gusto mong sabihin, yun. Inisip ko na may kunyari na-in love talaga sa akin at sinasabi ko sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GAY OFFERS? May mga lumapit na ba sa kanya na kaibigan niya na akala niya lalaki pero gay pala?

Ayon kay Michael, “Wala pang umaamin, wala pang nagtatapat na mahal niya talaga ako.”

Kung meron, anong gagawin niya?

“Ayun, sasabihin ko po bili kayo ng album ko. Pakinggan ninyo ang song ko. Ayun ang sasabihin ko.

“Saka mas makakatulong yun kung may mangyari sa aking ganoon. Alam ko ang sasabihin ko, ‘Kaibigan lang kita, pasensiya ka na ha?’” tugon niya.

What about gay proposals?

Ani Michael, “Actually, wala pa po, e. May nagpaparamdam lang na parang gusto lang na kasama akong kumain.

“Pero hindi ko naman iniisip na ’Kailangan hindi ako sumama sa ‘yo’ kasi wala naman, e. Wala namang malisya. Kakain lang naman, so okey lang.”

May sinamahan na siya?

Kuwento niya, “Actually, may nag-invite ng dinner. Pero hindi siya, yung dalawa lang kami na tipo, ganoon.

“Ang iniisip ko, okey lang, sama tayo. Actually, hindi talaga ako yung sinama, e.

“Yung friend ko, sinama lang ako. Tapos sabi ko, ‘Sige, sama tayo. Wala namang problema doon, e.’”

Aware ba siya na unang in-offer ang kanta kay Piolo Pascual?

Sabi niya, “Actually, hindi po, e. Nung nalaman ko lang either nung nagre-record o nung na-record ko na.

“Nung nalaman ko, sabi ko, parang hindi ko naman talaga sinabi na... Actually, sobrang suwerte ako kasi sa akin napunta yung song.

“And hindi ah, hindi naman sinasabi na hindi bagay kay Piolo, hindi ganoon.

“Actually, hindi ko naman po talaga alam at wala akong intensyon na agawin or kung dapat sa akin ‘yan, dapat ako ang kumanta niyan.

“Wala pong ganoon, e. Nagulat nga lang ako nung sinabi na in-offer ko ‘to kay ganoon, kay ganito.

“So parang nagulat ako na, at least, pinagkatiwalaan ako. Nakakataas ng confidence.”

LGBT SUPPORT. Ano naman ang masasabi niya na sinusuportahan ng LGBT community ang kanyang kanta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah, masaya po. Ang support na binibigay nila sa akin hindi lang yung, ‘Sige, boboto kami.’

“Kundi talagang ano... kinakampanya nila yung kanta. Kasi mas malaki ang maitutulong na maintindihan sila sa mundong ‘to.

“Dahil alam ninyo naman po na wala pang gumagawa ng kanta na talagang seryoso. Merong lumabas, yung ‘This Guy’s in Love With You Pare.’

“Pero parang novelty [song], e. So hindi seryoso.

“So ngayon po, itong kantang ’to feeling ko kaya nila sinusuportahan kasi mas marami ang makakaintindi at matutulungan lalo na sa kanila,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN