Marion Aunor grateful to family for supporting her in Himig Handog songfest

Marion Aunor on her supportive mom and lola: “Very grateful po ako na nandito sila. Actually, last year pa nga po nung nag-Himig Handog, nandoon po si Grandma sa audience, nandoon po ang mom ko. Hanggang ngayon, patuloy na sinusuportahan nila ako.”


All-out ang support sa kanyang singing career ang nakukuha ni Marion Aunor sa kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ina na si Maribel “Lala” Aunor, at pati na rin sa kanyang lola at dating mentor ng Superstar Nora Aunor na si Mamay Belen.

Sa katunayan, lumuwas pa mula Bicol si Mamay Belen para suportahan ang kanyang apo na sa pangalawang pagkakataon ay mag-i-interpret sa isang awitin na maglalaban-laban sa Himig Handog P-Pop Love Songs songwriting and music video competition na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong Linggo ng gabi, September 28.

Aawitin ni Marion ang komposisyon ni Jungee Marcelo na pinamagatang “Pumapag-Ibig.”

“I’m very proud of them [mom and lola],” bungad ni Marion sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ipinatawag ng kanyang ina na si Lala Aunor sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City noong Miyerkules.

“Masaya po ako ngayon na sinusuportahan nila ako. Very grateful po ako na nandito sila.

“Actually, last year pa nga po nung nag-Himig Handog, nandoon po si Grandma sa audience, nandoon po ang mom ko. Hanggang ngayon, patuloy na sinusuportahan nila ako.

“So I’m very, very grateful and very proud of them.”



PROUD LOLA. Hindi naman napigilang maiyak si Mamay Belen noong kunan siya ng pahayag ng mga TV crew tungkol sa kanyang apo.

“Naluluha ako dahil noon nga si Nora, hindi naman sa pagyayabang, ako ang nakapagpasikat sa kanya noon. Dinala ko [si Nora] sa Tawag ng Tanghalan.

“Pagkatapos, si Lala naman yung programa nila na Apat na Sikat. Sumikat din yung bata na ‘yon. Tapos ngayon, ’etong aking apo.

“Masayang-masaya ako ngayon. Masaya ako sa Panginoon kasi sa Kanya ako ngayon kaya marunong akong tumugtog ng gitara at violin,” umiiyak na pahayag ni Mamay Belen.



LALA AUNOR. Nadala rin si Lala ng pagluha ng kanyang ina na permanente nang namumuhay sa Bicol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, at the age of 85, hindi niya akalain na aabutin pa niya si Marion.

“Kaya every time na nakikita niya sa TV, natutuwa siya. Kaya nagulat ako biglang umiyak si Mama, e.

“Kaya naiyak din ako at saka natutuwa rin ako kasi siyempre, imagine, 85 years old at nakakapag-compose pa ng kanta, nakakapag-violin, guitar.

“Natuturuan pa niya kami. Andiyan pa rin siya,” paglalarawan ni Lala sa kanyang ina.

Ano ang masasabi niya sa inabot na tagumpay sa singing career ng kanyang anak na si Marion?

“Well, hindi ko nga akalain na ina-ano, na makakapasok din siya ng showbiz.

“Talagang ayaw ko na rin siyang mag-showbiz. Kaya nga sabi ko medyo late na nga rin daw. Kasi pinagtapos ko muna ng pag-aaral.

“So ngayon, sabi ko kumuha pa siya ng ibang course na hindi showbiz, hindi music. Pero nandiyan pa rin. Doon pa rin ang punta niya... I don’t know.

“Siguro siyempre dahil sa musicality sa family, talagang nandiyan na ’ata ’yan. Hindi na ’ata maiaalis sa bloodline,” pahayag niya.



HIMIG HANDOG. Anong nararamdaman niya ngayong kasama bilang performer si Marion sa Himig Handog?

“Parang ako yata ang pressured diyan, e.

“Kasi every time na ano... ayun, sa Facebook panay... parang talagang promote ako nang promote sa kanya.

“Like, ’eto nga, this coming Sunday na ang Himig Handog.

“So sabi ko, sana yung mga fans ng mga Aunor, sana naman iboto rin si Marion.

“I mean, suportahan din naman siya, sana. Yun ang pakiusap ko sa mga naging fans namin noong araw, kung nandidiyan pa sila.

“Tapos, yung mga fans ni Ate Guy sana dahil since, kumbaga, parang pamangkin naman niya ‘to. Sana, pakiusap ko lang sa mga fans,” panalangin niya.

MARION’S MESSAGE TO MOM AND LOLA. Nang hingan ng mensahe si Marion para sa kanyang mommy at grandma, naiyak na rin pati siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngee, ayoko! Naiiyak na ako. Uh, eto na, thank you so much, Mom,” naputol niyang sabi habang ‘di mapigil ang luha.

Sinalo naman siya ni Lala, “Gumawa siya actually ng song for Mommy, ’di ba? Kinu-compose pa lang niya ‘yan, umiiyak na siya. Nag-iiyakan kami.

“Sabi ko, ’Anong ginagawa nito sa piano, umiiyak?’

“Tapos kapag umiyak sila, naiiyak na rin ako. Haha!”

Lahad naman ni Marion, “Well, right now, nagta-try kasi ako na gumawa ng album na all about, ah, songs for mothers.

“Kasi marami ng love songs but not enough tungkol sa mga moms.

“So na-inspire ako sa mom ko at sa grandma ko na laging sumusuporta sa akin. Yeah, yung ano, yung isang song po tungkol kay Grandma na inalagaan niya si Mom her whole life.

“Tapos ngayon naman turn ng mom ko na alagaan si Grandma. Yung isang song naman tungkol sa mom ko na role model ko. So bale, yun po yung album.”

Paano niya pinaghahandaan ang performance niya sa Linggo?

“Ah, well, ngayon nga po medyo may sore throat pa po ako, e. Siguro every time may free time, rest lang po ako kasi sunud-sunod na po yung schedule namin, like tomorrow may rehearsal hanggang Sunday.

“So, ayun po, I guess, rest lang and be mentally prepared.

“Oh, my gosh! Araneta! Kasi last year sa Mall of Asia Arena. So, dream ko talaga makapag-perform in both places so, I’m very grateful yung Himig Handog naging way para mag-come true ang dream ko.”



SONGS. Ano ang pagkakaiba ng kanta na i-interpret niya ngayon sa inawit niya sa Himig Handog noong isang taon?

Pagkumpara ni Marion, “Well, last year po, ako mismo ang nag-compose ng song ko, yung ‘If You Ever Change Your Mind.’ Tungkol po sa first heartbreak ko and I’m very emotional.

“And this year naman po, si Sir Jungee [Marcelo] finally nakapag-collaborate na kami. Last year pa namin plan na magkatrabaho kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, ayun po, mga light-light lang po siya. Modern terminologies, puma-pag-ibig, sume-selfie kapag may time, hashtag.

“Ayun, very light lang po siya at nagustuhan po siya so far ng mga youth ngayon.”

COLLABORATIONS. Sinong artista o musician naman ang gusto niyang makatrabaho sa susunod na mga awitin niya?

Patuloy ni Marion, “Well, last time nakapag-guesting po ako sa A.S.A.P., naka-collaborate ko po si Bamboo.

“I don’t know, I just think that he’s really cool. It would be great kung makakapag-collaborate kami sa isang original song. Or si Michael [Pangilinan], so far, nag-blend yung voices namin.”

Marami ang nagsasabi na may chemistry sila ni Michael. May “something” din bang namamagitan sa kanila ni Michael?

Mabilis niyang tanggi, “No, I think ano siya, I think maganda kung magiging musical tandem kami kasi pareho kaming nagpi-play ng instrument.

“Siya nagpi-piano, ako naggi-guitar and then, we’re both singers. We blend well together. I think that will be a very good idea.”

Pero may kompetisyon din ba sa kanilang dalawa?

Sagot niya, “Oh, I don’t know. Never naman naming inisip yung gano’ng thing.

“Fan na fan ako ng songs niya and yung music video niya ang ganda. Siya naman nakikita ko na kinakanta niya yung song ko. Parang friends na talaga kami.”



NORA’S PRESENCE. Hindi ba niya inaasam na sana ay suportahan at panoorin din siya ng tiyahin niyang si Nora Aunor sa gabi ng kompetisyon?

Sabi niya, “Oh well, it would be great if she [could come]. But I don’t know. That would really mean a lot to me. If she can go there and support [me].”

Inimbita ba nila si Nora?

“I would like to. She’s always welcome,” excited na sagot ni Marion.

“Palagi namin pinapaalam na welcome siya na pumunta or ganoon po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN