Bing Loyzaga on choosing to stay married to Janno Gibbs: “No matter what, I still see myself growing old with him.”

Bing Loyzaga says she and Janno Gibbs (not in photo) decided to work on their marriage: “True... we went through a lot, pero iyon na nga e, meron akong napanood sa TV, sa cable noon, e. Sabi nila, ’What makes the marriage stronger, how do you keep the marriage stronger?’ Simple. Don’t get an annulment! ’Di ba?”


Sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janno Gibbs sa set ng My BFF, natanong namin si Janno tungkol sa pagpasok sa pulitika.

Sinabi niya noon na hindi siya interesado sa pulitika at baka raw mas bumagay pa ang misis niyang si Bing Loyzaga sa naturang mundo ng public service.

Kaya nang si Bing naman ang personal naming makausap, ang tungkol dito ang itinanong namin sa kanya.

“Parang gusto niya akong mamatay,” ang inisyal na natatawang reaksyon ni Bing.

NO TO POLITICS. Ayon pa kay Janno, mas kaya ni Bing ang public service lalo pa nga na si Bing ang nagpapatakbo ng kanilang household bilang ina ng tahanan.

“Of course, flattered ako na naniniwala siyang kakayanin ko, pero feeling ko maraming magagalit sa akin. Kasi kokontra ako sa mga hindi maganda,” at muling tumawa si Bing.

Hindi pa raw siya inalok kahit minsan na tumakbo.

“Wala naman, wala naman.

“Huwag na, huwag na! Sana huwag.

“Ano kasi ako e, I mean pagka meron akong pinasukan na something, hands-on ako. Just like ayun na nga, I will give up my career ’cause I’m taking care of my parents.”

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Bing na tatlong taon nang sa kanila nakatira ang magulang niya dahil ang ama niya ay na-stroke.

Pangalawa na lang daw muna ang showbiz career niya sa mga priorities niya ngayon.

“So kung magga-ganun, [yung pulitika], I’ll cross the bridge, if ever I encounter that bridge, na I will try to avoid.

“Magrere-route ako,” biro pa ni Bing.

WORKING WITH THE BEST. Marami ang naiinggit kay Bing dahil ilang beses na niyang nakatrabaho [at matalik pang kaibigan ang turing sa kanya] ang Megastar na si Sharon Cuneta. Kahit nga sa Facebook account ng Megastar ay nabanggit nito si Bing bilang very close friend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa pelikulang Dementia ay ang Superstar na si Miss Nora Aunor naman ang nakasama niya, na malapit na kaibigan na rin ang trato sa kanya.

Pagmamalaki niya, “It’s really an honor, it’s really an honor na you know, they see that in me.

“Kasi for me, more than just saying, yung stature nila, I am just blessed that they show who they really are with me and I am happy with that.

“Kasi, basta any time na kailanganin nila ako, nandiyan ako.

“That, mapapangako ko sa kanila.”

Bukod sa Superstar at kay Bing ay nasa Dementia rin sina Yul Servo, Chynna Ortaleza, Althea Vega, Jeric Gonzales, Lou Veloso, Lui Manansala, at Jasmine Curtis-Smith.

Kasalukuyang palabas sa mga sinehan ang Dementia (sa direksyon ni Perci Intalan) na produced ng Octobertrain Films at The IdeaFirst Company, Inc. at released ng Regal Films.

RELATIONSHIP WITH JANNO. Napadako naman ang usapan tungkol sa pang-iintriga sa relasyon nila ni Janno.

Inamin naman ni Janno na dumaan sila sa mga pagsubok at hindi madali ang pinagdaanan nila ni Bing para maayos ang kanilang pamilya.

“Actually, ’pag iniintriga pa rin kami... actually, nakakatawa kasi ang luma na naming couple,” at natawa si Bing.

“Ang luma na naming couple, ’di ba?

“Pero it’s flattering also na somehow some people are still interested, pero really what’s so special about it, ’di ba?

“If ever there’s something special, I think that’s between the family na lang.

“True... we went through a lot, pero iyon na nga e, meron akong napanood sa TV, sa cable noon, e.

“Sabi nila, ’What makes the marriage stronger, how do you keep the marriage stronger?’

“Simple. Don’t get an annulment! ’Di ba?”

Sila ni Janno ba ay muntik nang umabot sa punto ng annulment?

Aniya, “I consulted [a lawyer], pero at the same time kasi you know, you made a vow, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nakapagpa-desisyon sa kanya para panghawakan ang kanilang marriage vows?

Kung ang ibang mga mag-asawang hindi masaya sa pagsasama ay ginagawang rason ang kanilang mga anak para lang hindi maghiwalay, ang rason naman ni Bing ay silang dalawa mismo ni Janno ang nag-desisyon na panindigan nila ang kanilang marriage vows.

Sagot niya, “At the end of the day, no matter what, I still see myself growing old with him.”

“I think it will be unfair for my children if I use them.

“Of course magandang dahilan yung mga anak ko, ano?

“Malaking tulong sila sa pagbabago naming dalawa to work on the relationship. Pero iyon na nga, later on, they will have their families so ang ending—kaming dalawa.

“Kasi... our young children [will grow up], and have their own families, so iyon.”

NO ISSUE WITH MANILYN. Going back to My BFF, nagkaroon ng isyu na ayaw ni Bing dumalaw sa set dahil kay Manilyn Reynes na kapareha ni Janno sa naturang GMA drama series.

“Uy! Ang laki mong sinungaling,” ang nagbibirong reaksyon ni Bing sa tanong namin.

Kuwento pa ni Bing, “Dumalaw kami ng mga anak ko kasi nandun lang sila, as in walking distance from our house.”

Wala daw noong araw na yun sa set si Manilyn.

“Kasi yung school iyon, e, so sila lang ng mga bata [Jillian Ward at Mona Louise Rey].

“’Tsaka kasi yung EP [executive producer] nila ’tsaka yung ibang production staff nakasama ko sa Channel 5 din.

“So sila rin yung, ‘Ay daan ka dito, mars!’

“So sandali lang kami. Ganun lang.”

Wala raw silang problema ni Manilyn, okay na okay raw silang dalawa.

“Of course, naman! Dyusko, ’pag hindi pa, parang dyusko!

“Pakihampas lang ako ng mesa, ’di ba?”

NETWORK TRANSFER? Tapos na raw ang kontrata ni Bing sa Channel 5. May negosasyon daw na nagaganap kung saang istasyon siya maaaring gumawa ng proyekto pero hindi muna niya iyon pinahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa lang ang sinabi ni Bing.

Aniya, “Babalik din ako sa pinanggalingan ko.”

At sa tanong kung ano ang mas pipiliin niya: “puso [Kapuso o GMA]" o “pamilya [ABS-CBN o Kapamilya]," ang sagot niya: “Trabaho!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN